Chapter 25

4.1K 102 1
                                    

FRANCE POV

"Here the files Sir. Exactly 1pm you have conference meeting with the board and Meeting with Mr.Agustin in 4pm" nilapag ng secretary ko ang ilang documents sa ibabaw ng lamesa. "Do you have need Sir?"



"A-- Sir? Sir France?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sunod sunod niyang tawag sa akin.


Umangat ang tingin at nagtama ang aming mga mata. Huminga ako ng sobrang lalim at sinapo ko ang aking mukha dahil sa stress at pagod na aking nararamdaman dahil sa tambak-tambak na trabaho na inasikaso ko sa kompanya. 



"Sorry, Ano nga yon?" paumanhin ko at sinapo ko ang aking mukha.



"May meeting po kayo mamayang 1pm. Tapos mamayang 4pm po kay Mr. Agustin naman po" She said "Natapos ko na din po ang pinapagawa niyo" tiningnan nito ang mga papeles na nakalagay sa lamesa ko.



Sunod sunod akong napabuntong hininga ng makita ko ang papeles na tinutukoy niya.




"Sino sa agustin ang ka-meeting ko?" matamlay kong tanong sakanya.



"Si Mr. Jake Harley Agustin po" Ano kaya kailangan sakin ni Jake? "Ahhh- Sir. May sakit po ba kayo? Napapansin ko kasi nung isang araw ka pang ganyan tila ba napakalalim ng iyong iniisip"


Hindi ko na sinagot pa ang sekretarya ko. "You can leave now" I said with cold and hard toned that make her tense in my front.


Nakita ko ang pamumuong pawis sa kanyang noo habang nakatingin sa akin "O-okay po sir. I'm sorry. I'll go now" She said and vowed.


Naglakad na siya palabas ng opisina at huli ko nalang narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sumandal ako sa swivel chair at doon ko lang naramdaman ang pagod na aking nararamdaman. Muli ko naalala ang huling sinabi ng aking secretary na napakalayo ng aking iniisip. Hindi ko naman maitatanggi sa sarili ko dahil isang linggo ko na hindi nakakausap si Hailey. Hindi din nito sinasagot ang mga tawag ko. Tiningnan ko ang cellphone kong umiilaw sa gilid. Mabilis ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.



"What's news?" Bungad ko agad sa kabilang linya pagkasagot ko.


"Umpisa dumating ang asawa niya, hindi na siya lumabas pa pati yung anak nila. Iniisip ko baka may kinalaman ang asawa niya dito dahil noong isang araw lamang naririnig ko silang nagtatalo" I gritted my teeth. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman dito si Ranz kaya't hindi ako makausap ni Hailey.


"Hindi ako sigurado kung sinasaktan siya pero may nakita ko mga pasa sa kamay at mukha niya noong pumunta siya sa garden nila" Inis kong binagsak ang kamay ko sa lamesa. Wala siyang karapatan saktan si Hailey. F*ck sinasabi ko na nga ba hindi makakabuti kay hailey na tumira pa siya duon.


"Pupuntahan ko siya ngayon!" I gritted my teeth again. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya pananakit kay hailey. Babawiin ko na talaga ang dapat sa akin.


Rinig niya ang mabibigat nitong paghinga sa kabilang linya "Hindi magandang mapagkita ka sa kanya ngayon. Mas lalo lang siya masasaktan kapag nahuli ka"



"Kailan ko siyang makuha ngayon din!" Nanggigigil kong sabi sa kabilang linya.



"Ako nang bahala sa bessy ko. Hindi ko hahayaang saktan ulit ng kumag na yon ang bessy ko" rinig kong sabi ni Vince. "Sh*t nag-uusap pa kami ni Mr. Sanchez, Give me that d*mn phone!---- Heh! Kinakausap ko pa siya. Bakit kasi ikaw pa kinuha ni France!---- Bakit kase ikaw din yung pinasama niya sakin! Napakaingay mo--- Aba Hoy! Ikaw na babae ka. Lagot ka talaga sa akin!"


May kaluskos akong narinig tapos biglang naputol yung linya. Napatitig ako sa cellphone ko at biglang napangisi. Pasaway talaga ang isang yun.



Kahit papaano naalis ang pagkainis ko kay ranz pero hindi padin nawawala ang pag-aalala ko sa asawa ko.


Napaitlag ako ng may marinig akong mahinang katok na nagmumula sa aking pintuan at kasunod nun ay pagbukas sara hudyat na may pumasok.


Rinig na rinig ang yabag at tunog ng stilettos na gamit nito. Napaangat ang tingin ko at biglang nagkasalubong ang aking noo ng sumalubong sa akin ang malapad na ngiti ni Maine. Nakasuot ito ng Green Teal Dress konting-konti na lang masisisilip na ang kanyang dibdib at mas kinapalan niya pa masyado ang suot niyang make-up na tila ba magmumukha na siyang clown dahil sa ayos at porma niya.


"Hi honey" Umikot ito sa harapan ko na tila pinapakita nito ang kanyang magandang damit na suot suot. "Nagustuhan mo ba? Ang ganda diba? Hihi!" Nakangiting sabi niya sa akin. Sinamaan ko lamang ito ng tingin.




"No. You can leave me now" malamig na sabi ko sakanya. Umasim naman ang mukha nito dahil sa sinabi ko.



"Psh. Nageffort pa ako magpaganda tapos hindi mo lang papansinin" Pagmamaktol nito parang itong bata sa harapan. "Umpisa mag kasama na tayo ulit, hindi mo man lang ako pinuri"



"Hindi ko sinabing gawin mo yan para sa akin" Malamig kong sabi. Hindi ko na siya pinansin tinuon ko nalang yung sarili ko sa pagbabasa sa mga papeles nasa harapan ko.



"Honey naman, Napakainit naman ng ulo mo agad" Dahan dahan itong naglakad papunta sa kinaroroonan ko at nagulat na lamang ako ng umupo ito sa hita ko at sinabit nito ang kanyang kamay sa leeg ko saka nilapit ang dibdib niya sa mukha ko.



"Gusto mo bang mainitin pa natin lalo yan?" May bahid na pang-aakit nitong sabi at nagumpisa sumayaw ng dahan dahan sa harapan ko. Nilapit niya pa lalo ang kanyang sarili sa akin.



"Umalis ka sa harapan ko" utos ko sakanya pero hindi ito nakinig mas lalo niya pa akong inaakit. Wala akong nararamdaman na init at pagnanasa sa ginagawa niya at paglalandi. Kung ang totoong hailey ang gagawa sa akin nito baka ngayon palang nasa kama na kami. Nagtangka sana siyang halikan nito ako sa labi pero mabilis ko itong iniwasan at hinuli ang pulsuhan niya.




"Umalis kana dito! Wala akong oras sayo. Makakaalis kana dahil wala akong planong patulan ka"



Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito. Sawang sawa na akong pakinggan at pagmasdan ang kaartihan at pagpapansin nito sa akin. Ginagamit niya ang pagmumukha ni hailey para mahulog ako sa kanya. Hinding-hindi na niya ako maloloko pa dahil kahit magkamukha sila ay sobrang magka-iba ang ugali nila. At isa pa maamo ang mukha ni Hailey.



"What The F*ck France! What happened to you? I'm your wife then pinapaalis moko dito? You're so unbelievable!" Inis nitong binawi ang pulsuhan nito hawak hawak ko at kasabah na umalis ito sa lap ko.



"I said again. Wala akong oras sayo" Sabi ko na hindi siya tinitingnan. Inikot ko ang swivel chair patalikod sakanya.




"Pagsisisihan mo ito. Sa huli ikaw ang mismong magmamakaawa sa akin" Narinig ko na lamang ang pag-martsa nito palabas ng opisina ko.


*********************

SORRY SA WRONG TYPOS AND GRAMMAR.



DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND ADD RL. 💕



-Mhine_195

Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon