HAILEY POV
"Mommy, hindi po ba talaga ako pwedeng maiwan dito?" Tanong ni rain sa akin habang nag-aayos kami ng gamit niya. Hindi natuloy kanina yung pagpunta namin sa park dahil umalis si ranz pero kinagabihan pinagsabihan niya kami na mag-empake ng gamit dahil may pupuntahan daw namin yung lola ni ranz sa laguna at duon na din mag-bonding.
"I don't know rain, Hindi ko pa nakakausap ang daddy mo. Iinform ko na lang yung teacher mo tommorow na hindi ka makakapag-exam bukas. Okay ba yun?" Kahit medyo labag sa loob niya ay tumango na lamang ito.
Napatingin kami kay Ranz nang tumikhim ito at tiningnan ang relo niya.
"Nakapag-ayos na ba kayo?" tanong nito
"Ilang araw ba tayo sa laguna?" tanong ko sa kanya habang inaayos yung gamit ni rain sa isang malaking pouch. Pinagsiksikan ko na din yung mga gamit ko para isang bag na lang dadalhin ko para hindi gaanong hasle. Hindi ko nga alam kung anong gagawin namin sa laguna at bakit namin pupuntahan yung lola niya. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil hindi ko sila matandaan baka mapahiya lamang ako doon.
"Uuwi din tayo agad kaya kahit dalawa o tatlong pares ng damit lang dalhin niyo" sabi nito saka humarap kay rain na nakaupo sa gilid ng kama "Nakausap ko na ang teacher mo kanina rain, kaya wag kana mamoblema diyan" nakangiting sabi kay rain napaangat ng tingin siya ng tingin sa ama niya at masayang siya tiningnan nito.
"Wala ka na bang nakalimutan?" Umiling ako sa kanya lumapit ito samin at kinuha yung bag mula sa kama. Sumunod kami sa kanya nang lumabas siya ng kwarto ni rain.
"Hija, ito pala pagkain niyo habang nasa byahe kayo. Medyo malayo ang byahe niyo baka gutumin kayo" sabi sa akin ni manang may hawak na basket. May nakalagay duon iba't ibang lutong ulam at may kasama na ding junk foods. Nakangiting inabot ko kay manang yung hawak niyang basket.
"Naku nagabala pa kayo manang pero maraming salamat po dito. I'm sure magugutom talaga mga kasama ko kung malayo ang byahe namin. Sige po aalis na po kami" nakangiting sabi ko. Tumango naman ito, kaya nagumpisa na akong maglakad palabas nang bahay.
Nag-umpisa na kaming magbyahe. Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng kotse, Pero kahit ganon ay nagugustuhan ko ang katahimikan na bumabalot samin. Malaya kong napapagmasdan si ranz. Parang sinalo niya lahat ng kagwapuhan, hindi nakakasawa tiningnan ang mukha niya mas inaaakit ka pa nito habang pinagmamasdan mo siya ng matagal. Napansin ko siyang tumingin sa akin marahil naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya agad kong iniwas ang tingin ko at pinagmasdan na lang yung ipad niyang nakalagay sa dashboard.
"Do you want to listen to my playlist hailey?" Napatingin ako sa kanya nang magtanong siya.
"A-ang tahimik kase parang gusto kong makinig ng music para hindi ako mabagot" sagot ko. Ako lang kase walang ginagawa, yung phone ko kasi nakalagay duon sa bag namin ni rain at nilagay naman ni ranz sa compartment ng kotse.
Tiningnan muna niya ako ng mabuti bago naisipan ibigay sakin yung ipad niya. Masaya naman akong inabot yun. Nabuksan ko naman agad yung password niyang nilagay yung birthday namin ni rain. Bumungad sakin yung picture namin dalawa ni rain na magkayakap na natutulog parang noong isang araw lang ito nung tinabihan ko si rain sa kwarto niya. Nagkalkal muna ako ng mga pictures namin sa gallery puro pictures namin ni rain minsan may pictures pa kaming stolen at natutulog. Mabuti na lamang magaganda ang shots niya samin. Hahaha. Nang magsawa ako kakatingin sa pictures namin ay pumunta na ako sa music.
Sandali akong nag-scroll down. I scroll down once more until i found the song looks different. Parang korean siya pero ginawang English version yung nakalagay title. Nang dahil may pagkacurios ako ay pinindot ko yuon para pakinggan.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
Ficción GeneralBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey