HAILEY POV
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko ng dahil sa sobrang liwanag. Sa unang mulat ko ng mata ay malabo at blurred ang nasa paligid ko. Nakarinig ako ng mga ingay sa paligid, boses nila Vince. Ang iba naman ay umiiyak.
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina sa bahay. Ang mga dugo at masakit na ulo at tiyam ang bumalik saaking isip. Yung mukha ni France na galit na galit sakin dahil sa pagsama ko kay Ranz tas yung pagtulak niya sakin sa babasagin na lamesa sanhi nang pagdugo ko.
Ang baby ko...
Agad akong nagmulat ng mata at bumungad sakin si France na umiiyak. Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Base sa pag-iyak niya alam ko na ang resulta, pero pinilit ko padin itinanong sakanya baka nagkakamali lang ako ng iniisip.
"Kamusta ang anak ko?" Tanong ko sakanila. Lumapit sakin si France. Kasama niya sila Vince, Ranz, pati mga barkada ni France. Sabay sabay silang yumuko sakin walang ni isang sumagot sa tanong ko.
"Bakit ayaw niyo akong sagutin? Kamusta ang anak ko? France kamusta anak natin?" Tanong ko ulit habang hawak niya ang braso ko. Yumuko siya "Hailey, Our baby is G-Gone" Tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako.
"Noo.. That's not true" Bulong ko sabay hinaplos tiyan ko.
Tila nabingi ako sa kanyang sinabi, Wala ng pumapasok sa isipan ko kundi ang sinabi lamang ni France. Ramdam ko nagbibiro lamang siya. Alam ko nandito pa ang anak namin. Ramdam ko siya.
"Patay na yung bata Hailey" ulit na sabi sakin ni France. Nag-umpisa na maluha ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. Hindi totoo yung sinabi niya. Nagsisinungaling lang ito.
"Nooo! Hindi patay ang anak ko!" Singhal ko. Naramdaman kong yumakap siya sa akin may sinasabi ito pero hindi ko maintindihan. Hinila ko ang mga kamay ko sakanya at pinangtakip sa mga tenga ko at nagsisigaw.
"HINDI TOTOO YAN BUHAY PA ANG ANAK KO!" Tinulak ko palayo mula sakin si France saka pinilit inaalis yung dextrose. "MGA SINUNGALING KAYO!" Sigaw ko
Pinipigilan nila akong tanggalin yung dextrose. Itinulak ko si Vince at Ranz na naging dahilan para tumalsik sila sa sahig. Tiningnan ko sila ng masama.
"Ano ba Hailey! Wala na nga anak natin! Bakit ba hindi mo ipaaok diyan sa kokote mo!" Napatigil ako sa pag-alis ng dextrose.
"France, hindi nakakatulong yung sinabi mo sakanya lalo mo lang pinalala" rinig kong bulong ni Kurt sakanya.
Sobra nakong nasaktan ni France. Halos binigay ko ang buong buhay ko sakanya pero sa huli, ako yung naiwan na durog. Masakit na makita siyang may kasiping na iba pero tiniis ko alang alang sa anak namin pero ngayon wala nang bata umuugnay sa relasyon namin mas mainam hiwalayan na siya. Umabot sa puntong nagmamakaawa siya na hindi ko siya iwan pero hindi nako nagpatinag pa.
---
"Our Baby is G-Gone Hailey!" Paulit-ulit na namang salita neto sa isip ko, ngunit hindi tulad kanina, galit na siya habang ibinubulong sakin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey