Chapter 4

6.2K 136 24
                                    

"Mauna na ako sainyo, may pupunta pa ako" sabi ni France bago sinarado ang pintuan ng office niya.


"Tignan mo yun puntahan natin siya para magbonding tayo tapos iiwan din niya pala tayo" nakabusangot na sabi ni Kurt.



"Magpapahangin lang ako. I want to be alone" sabi ni vince and I understand him since mawala si Hailey naging ganyan na siya.


Tumango na lang kami at tumalikod na si Vince. Nakapamulsa siyang naglalakad palabas ng office.


Hind ko expect maraming babae pala ang nagkakagusto kay france, akala ko yung nanay lang ni pearl ang kaagaw ni hailey. Marami pala. Sakit talaga sa ulo ang sobrang gwapo. tsk tsk.


"Ano naman kayang binabalak ni daniella at bumalik pa siya dito?" nagtatakang tanong ni kurt.


Napatingin naman ako kay kurt. Napataas ang kilay ko. Ano bang past nila ni france? Bakit ngayon lang siya nagpakita ulit?


"I don't know, Sa tingin niyo maniniwala kayo sa sinabi niya nangungumusta lang siya?" tanong ni steven kanina pang tahimik nakatingin sa labas ng office. Pinapanuod yung mga dumadaang sasakyan sa baba.



"Tara na nga tsaka na lang natin yan isipin kapag may ginawa nanaman move yang si daniella" sabi samin ni josh.

Isa isa kaming lumabas ng office ni france, Naisipan naming kumain sa restaurant. Tinawagan ko muna si Vince para ipaalam nandito kami sa restaurant.

Pinasok ko muna sa bulsa yung cellphone bago mabilis na tumalikod.


"Axel" Para akong kinilabutan sa malamig na pagkakatawag sakin. Pakiramdam ko nanginig yung mga kalamnan ko.


I cleared my throat bago humarap sa taong tumawag sa pangalan ko.


"Axel, I miss you" Malaki ang ngisi nito sa labi saka ako niyakap ng sobrang higpit. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at inayos yung pagkakasabit nung bag niya sa dress niya.


I stepped forward towards her while shooting death glares "What are you doing here?" I gritted my teeth, She just let out an evil grin then chuckled but still giving me glares.


"Aren't you happy to see me?" Nakabusangot niyang tanong sakin tapos hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Hindi ito ang una beses naming pagkikita.


Gulat siyang napatingin sakin ng bawiin ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak sa kamay niya. Magsasalita sana ako pero biglang may nagsalita nanaman mula sa likod ko.


"Bro kanina ka pa namin hinihintay sa loob" Sabi ni kurt saka ako inakbayan. "May chicks ka palang kaus---- HAILEY!!" Sigaw niya. Naramdaman ko ang mga tingin ng tao sa paligid dahil sa sigaw ni kurt.

Walang pag-alinlangan sa pagyakap ni kurt kay hailey sinuklian din niya ito ng yakap pabalik. Nagsilabasan na din yung dalawang nasa loob.
Gulat din sila sa kanilang nakita.



"Si Hailey yun diba?" Tanong sakin ni vince na kakarating lang pinapanuod yung mga kumag nakayakap sa kanya. Tumango ako saka ibinalik muli ang tingin kay hailey.



"Pero bakit parang hindi ka masayang nakita siya?" Tumingin din ako sa kanya "Bakit hindi ka din masayang buhay siya?" Pakiramdam ko parang may mali. Sana lang talaga mali itong nararamdaman ko. Nginitian ko na lang siya ng pilit at lihim akong nanahimik.



"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Sinong kumuha sayo? Anong nangyari sayo sa apat taon mong pagkawala?" Sunod sunod tanong ni kurt kay hailey, Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inasal ni kurt. Binatukan naman siya ni steven.


Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon