Chapter 40

3.4K 82 1
                                    

HAILEY POV

"Hindi pa pala ako nakakapag-pakilala sayo kanina" Sabi nito habang nag-mamaneho. Kumain muna kami sa labas bago kami umuwi sa bahay nila. Nandun daw iba niyang mga kapatid kaya wag daw akong matakot sakanya. Isa pa kasal na daw ito.



"I'm Ethan Zae Sanchez. Just call me Zae" Nakangiting pagpapakilala niya. "And you are?"




"Ummm. Rezaih Hailey Sanchez. Hailey for short"



"Hailey? Magandang pakinggan" usal nito kaya napatingin ako sa gawi niya. Nakangiti pa din siya.




Hindi nalang ako sumagot at tumingin na lamang sa labas ng bintana nang kotse ni Zae habang tinatahak namin ang papunta sa kanila. Pumikit ako habang inaalala ang mga nangyari sakanila. Kung hindi siguro nakapagpreno si France ay baka parehas kami ngayon nasa hospital. Mabuti na lamang hindi ganun kalala ang nangyari samin.




Kailangan ko siya lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Hindi na alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Kasalanan ko din ito dapat hindi ko na siya hinayaan magdrive dahil marami siyang iniisip, dapat nagpasundo nalang kami sa pinsan niya.




"Hey" tawag niya sakin, napalingon ako sa driver seat kung saan nakaupo si Zae "We're here" agad akong napalingon sa bintana at nasa labas na kami nang bahay nila.



"Relax ka lang kapag sinigawan ka nang asawa ko. Baka kasi pagkamalan ka niyang mistress ko. Selosa kasi ang asawa ko" Sabi niya at tumawa ng malakas.




"Paano kapag inisip niya talagang kabit moko? Anong gagawin mo?" Biro kong tanong sakanya.



"Edi parehas tayong mapapalayas nang bahay HAHAHA.. Joke lang may tiwala sakin ang asawa ko. Halika kana" Nauna siyang bumaba nang sasakyan. Binaba niya yung mga maleta namin ni France compartment nito at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila.


May nakita akong dalawang lalaki nakaupo sa sofa sa sala. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita ang mukha. Hinila naman ako ni Zae papalapit sakanila.


"I'm back!" Sigaw niya sa kanila. Dahan dahan naman lumingon yung dalawa tumakbo yung isa at niyakap ng mahigpit si Zae.


Ang gwapo nila, Lahi ba nilang magagandang lahi? Sa tingin ko mas matanda sila ng konti sakin, Sa kanilang apat na magpipinsan yung isang lalaki nakatingin lang sa dalawang nagyayakapan yung gwapo.


Pwedeng pagpantasyahan ko muna yung pinsan mo France?! Hehe Mahal naman kita e. Pagpapantasyahan ko lang siya hahahaha.



"Hoy tama na yan! Mga bakla talaga kayo! Hi!" Sabi ning lalaki yung sinasabi kong pinakagwapo sa kanilang apat. Tumingin siya sakin at ngumiti. Grabe! Kung isa lang ako sa mga fan niya baka hinimatay na ako kanina pa.



Ngumiti ako sakanya ng biglang may nagtakip ng kamay sa mata ko.



"Hoy! Wag niyo nga gamitan ng killer smile niyo si Hailey lagot kayo kay France kapag nalaman niya ito" Narinig konh tumawa ng malakas yung dalawa.



"Where he is? Don't tell me Frère, (Brother) is he the one you took to the hospital? ?" Tanong nung may dimples na katabi ni kuya pogi hahaha..



"Yes. Pupuntahin siya mamaya. Kailangan munang magpahinga ni Hailey kakarating lang nila dito"




"Tapos ganito agad ang bungad" Napayuko naman ako sa sinabi nung may dimples. Ano ba mga pangalan nila? Hindi ba uso dito ang magpakilala muna?



Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon