Chapter 13

4.3K 107 10
                                    

HAILEY POV

"Mommy, is there something wrong?" Tanong sa akin ni Rain nang mapansin niya na medyo natigilan ako sa paglalakad papasok sa office ni Ranz.

"Oo nga bessy" Pagsang-ayun naman ni Xiantal "Anyari sayo?"

"Nothing" sabi ko, umiling na lang sila saka naglakad ulit. Dahan dahan ako tumingin sa likod ko at tiningnan yung lalaking lumabas mula sa office ni Ranz. Siya yung lalaking kasama ni Rain nung hinahanap samin siya. Anong ginagawa niya dito? Magkakilala sila?

Tumalikod ako kaagad nang mapansin kong paharap siya saakin. Mukhang naramdaman niya yatang may nakatingin sakanya pero tumalikod din ito agad at pinagpatuloy paglalakad niya.

Bumalik ang tingin ko dito. Ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na tinig mula doon. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba siya. Gusto ko sanang magpasalamat sakanya sa pagbantay kay rain. Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko ay hindi ko siya tinawag. Napailing na lamang ako. Babalik pa naman siguro siya dito.

"Oh? Anong nangyari sainyo? Bakit nandito padin kayo sa labas?" tanong ko kina Xiantal pagkadating ko sa harap nang office ni Ranz. Napalingon ako ng may marinig akong nagbabagsak mula sa tapat namin.


"Pagdating kase namin dito bessy, Nagwawala na sa loob si Ranz" Mahinang sabi ni Xiantal.


Napatingin ako sa salamin sa office ni Ranz. Nagwawala nga siya, lahat nang mahahawakan niya ay hinagis niya ito kung saan saan. Hindi tuloy namin alam kung papasok kami sa loob habang nagwawala siya lalo na pinagbawalan niya kaming lumabas ng bahay pero dahil nangungulit sakin si Rain pinagbigyan ko na siyang mamamasyal kami sa office ni Ranz.

May naramdaman akong may tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako.


"Sa susunod na lang tayo bumalik dito bessy, Mukhang badtrip yung asawa mo" Bumuntong hininga na muna ako at tumingin ulit sa loob kung nasaan si Ranz. Tumigil na siya sa pagwawala.


Tumango na lang ako sakanila saka hinawakan sa kamay si Rain palabas. Sumakay ako sa kotse sumunod naman si Xiantal at Rain. Pinaandar yon ng mabilis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon.  Ang balak lang kasi namin magstay sa office ni Ranz hanggang sa umuwi siya pero mukhang wrong timing kami.

Mga nakaraan araw napapansin ko si Ranz may nililihim saakin. Minsan ay pinagbabawalan niya pa kaming lumabas ng bahay kahit hanggang sa gate lang. After ko kasing ikwento sakanya yung nagtanong saming lalaki naging weird na siya kulang na lang ay ikulong na niya ako sa loob ng bahay para lang hindi ako makita ng tao.


"Bessy, Where are we going?" rinig kong tanong ni Xiantal mula sa likod ko. Tiningnan ko siya sa salamin, nakahiga sa lap niya si rain at natutulog.


"Hindi ko alam" sagot ko, Sinimangutan naman niya ako at inirapan pa. "May malapit na park dito. Duon muna siguro tayo magpalipas ng oras"

"Ang boring naman yan bessy" walang gana niyang sagot pero bigla itong pumalakpak "Well, Malapit na din naman yung house ng pinsan ko dito. Bisitahin na lang natin sila, I'm sure miss na ako nun" Ako naman yung napasimangot sa sinabi niya, mukhang siya lang yung matutuwa e at ako naman yung maboboring. Hayaan na nga pagbigyan ko nalang. Tinuro naman niya sakin yung daan papunta sa pinsan niya. Hanggang sa tumigil kami sa isang malaking kulay asul na bahay. Tinapik tapik niya muna si Rain upang magising na ito at bumaba ng sasakyan para magdoorbell duon sa bahay.


"Nasaan po tayo mommy?" mahinang sabi sakin ni rain habang naghihikab pa. I smiled at her. Ang cute niya talaga.


"Nandito tayo sa house ng pinsan ni Tita Xiantal mo. Fix your hair baby para makababa na tayo" Sabi ko. Sinunod naman niya ito kaya lumabas na kami nang sasakyan saktong pagbukas nung gate.


Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon