》》》Snow's Point of View
Hahaha gosh!
"What the!" kung nakakamatay lang talaga ang tingin kanina pa ko namatay dito
"Hahaha Daddy Shawn ang cute mo hahaha mukha po kayong constipated" okay, hindi ko na talaga kaya, napaupo na ko sa sahig at napahawak sa aking tummy
"Hahahaha I kennat" napahawak na ko sa aking bibig para hindi ako makahalakhak pero no effect, ang cute cute talaga
"Ikaw na pulubi ka! Diba sabi ko sayo umuwi ka na! Bakit ba ang kulit kulit mo?" tumigil na ko sa pagtawa saka tumingin sa kanya, okay mukhang nagalit ata si daddy, natriggered ko ata
"Daddy Shawn, kalma! Nawawala ang gwapo mo, kalma lang!" sabi ko sa kanya, nakita kong pumikit sya ng mariin, gigil na sya
"Stop calling me daddy! You're not my daughter! And you will never be my daughter" mariin na wika nya sakin, nginitian ko lang sya saka hinawakan ang kamay nya, ang ganda na sana nung lines nya kaso hello? Wala kami sa movies, atsaka gasgas na yung linyang yon e, wala na bang bago?
"Oops correction, not YET, may proseso naman po ang lahat, kaya daddy Shawn hwag ka muna magsasalita ng hindi tapos, sige ka baka someday kainin mo yang mga sinasabi, atsaka malay nyo po, ikaw pala po talaga ang daddy ko, wala po ba kayong nararamdamang lukso ng dugo? Or something?" Ayon kasi sa napapanood ko sa mga movies slash teleserye, may mga luksong dugo silang term na ginagamit, na parang instinct, malay natin umepekto, tinanggal nya ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya, hayyy ito ba 'yung tinatawag nilang rejection? Hayst! Bakit ba parang ayaw na ayaw nila sakin? Ang ganda ko naman! atsaka malinis kaya ako 101.99 percent.
"Uuwi ka na sa inyo or tatawag pa ko ng securities para dalhin ka sa presinto?" OA, security agad? Agad? Itinaas ko ang dalawa kong kamay, na parang sumusuko
"Daddy mamaya na yang mga securities na sinasabi mo, diba may hinahabol pa po kayo? What is her name nga po ulit? Erish? Erin?" nakita kong napasapo sya ng ulo kaya napangiti ako ng malapad
"Ako! Ako! Ako! Alam ko kung nasaan si Ate Erin!" sabi ko sa kanya saka tumatalon-talon
"Hindi ko kelangan ng tulong mo bata" napataas naman ako ng kilay, ay mapride? Hindi nya ba alam yung kasabihan na "Ang pride pinanglalaba hindi inuugali" kaloka naman nitong si daddy halata namang nag-aalala na sya ayaw pa magpatulong.
"Sige ka, nakita ko pa naman po sya kanina na umiiyak tapos may nakaitim pa po na lalaki na nakasunod sa kanya, tsk tsk, tsk narinig ko pa naman po sa kanto na may mangrerape dito" nakita kong kumunot ang noo nya, totoo naman talaga 'yung sinabi ko e, maliban na lang dun sa nakaitim na lalaki thingly
"Saan mo ba sya nakita?" Hah! I won, bibigay din pala, kelangan pang takutin
"Tara na po daddy, ituturo ko sa inyo kung saan nagpunta si Erin este ate Erin" pinasakay nya ko sa kotse nya saka nilagyan ng seatbelt
"Pagkatapos neto, ihahatid na kita sa inyo" sabi nya sakin
"Okay po!" masayang wika ko sa kanya, haler? Daddy po ang kelangan ko hindi hatind, nakapagbyahe nga ako dito ng magisa e
"Nasan na 'yung mga gamit mo?" tanong nya sakin, oops nakalimutan ko palang sabihin sa kanya
"Nailagay ko na po sa compartment nyo" mahina syang napamura saka dali-daling bumaba sa kotse
"WTF! You! Little kid!" napakamot ako ng noo, may nagawa na naman ba akong hindi maganda? Nilagay ko na nga yung gamit ko sa compartment ng kotse nya para hindi na sya mahirapan na maglagay
》》》Shawn's Point of View
Kung alam ko lang kung saan nagpunta si Erin, ay hindi ko na papasukin pa ang batang to dito sa kotse ko
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---