Ken's Point Of View
So tama nga 'yung hinala ni Commander, si Winter White at si Amanda ay iisa, WOAH just WOAH! Paanong nangyari 'yun? Napatingin kami kay Bryan at kay Bayaw, sinamaan namin ng tingin si Bryan at pinaghahampas namin ni Shawn
"Aray! Mga gago! Pusanggala tumigil nga kayo" bago kami tumigil humirit pa kami ng hampas sa ulo nya, at thanks kay Charles at sinipa nito ang pwet ni Bryan
"Loko ka! Alam mo na pala ang totoo hindi mo pa sinasabi sa amin, akala ko magkakaibigan tayo mga dude? Mga taksil kayo" asik ni Shawn at binigyan ulit ng bigwas si Bryan
"Teka bakit ako ang pinagtutulungan nyo? E si Pareng Mark ang nakakaalam ng lahat, pinakausapan nya lang ako na hwag daw muna sabihin sa inyo! Isa pang sipa Charles at dadagukan kita!" bulyaw sa amin ni Bryan, tumigil naman si Charles sa pagsipa
"E kasi kung si Pareng Mark ang pagtutulungan namin, masakit ang ganti, kaya ikaw na lang! Atsaka grabe ka tol kung wala ka bang tiwala sa amin? mas mabuting maghiwalay na tayo! F.O!" pagdradrama na naman nitong si Charles
"Kaya pala kahinahinala ang kilos mo, Bryan" iling-iling na wika naman ni Shawn
"E 'yung result? 'Yung DNA test ni pareng Mark, legit ba yun?" tanong ko naman, kasi diba, negative raw. Nginisian naman kami ni Bryan
"Sa tingin nyo?" binigyan ko sya ng kotong sa ulo
"Ulol! Sabihin mo na nga! Para naman hindi kami magmukhang tanga!" wika ko sa kanya at sinipa sya sa pwet
"Sa ngayon, hindi na mahalaga kung sino ang tunay na ama ni Snow, ang problema natin ay si Amanda" napatingin naman kami kay Xenon na ngayon lang nagsalita
"I think bro, kelangan mo ng sabihin kay Amanda ang totoo, lalo na ngayong nasa panganib si Snow" wika nito kay Bayaw
"Tama si Xenon bayaw, may karapatan si Amanda malaman ang totoo" pag-sangayon ko sa sinabi ni Xenon, kapag mas tumagal pa 'to paniguradong mas malaking gulo ang mangyayari, nasan ka na ba bubwit?
"Paano ko masasabi kay Amanda ang totoo kung nasa panganib si Snow?!" galit na wika nya sa amin, teka hindi naman namin sya inaaway, si bayaw talaga palaaway
"Teka lang dude, relax" wika naman ni Charles na may pagtapik pa sa likod ni bayaw, teka pabida lang 'tong unggoy na to e, palibhasa inihian nya 'yung sofa sa bahay
"I'm afraid..." sabay sabay kaming napalingon sa kanya, mas mahinahon na sya ngayon kumpara kanina
"I'm afraid na kapag sinabi ko kay Amanda ang totoo, I might lose them again, this is bullshit!" sinipa nya 'yung bato sa harapan nya, na kamuntik-muntik pa kong tamaan, palaaway talaga 'tong si Bayaw
Ano ba dapat sabihin namin? Siniko ko si Charles, pinagdilatan nya naman ako ng tingin, napatigil na lang kami ng biglang nagrinig ang cellphone ni Pareng Mark na sira ang tempered glass, nagkatinginan kaming lima
Snow's Point Of View
Napahikab na lang ako saka dahan dahang bumangon, teka umaga na ba? Nasan na ba kami? Inikot ko ang paningin ko sa paligid, katabi ko sila Bea na wala pa ring malay ganun na rin sila Kyross. Mabaho sa paligid, amoy kalawang, tatayo na sana ako pero nakatali ang mga paa at kamay ko, gosh si Mr. Kochè nga pala, napapikit ako ng mariin, teka ang backpack ko?
"Bea, Cindy, wake up" sinipa-sipa ko 'yung mga paa nila
"Gosh couz, inaantok pa ko, I'm so tired pa kaya, remember Mr. Koch--OMG!" napaupo agad sya at pinaglakihan ako ng tingin, pati si Cindy nagising na rin
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---