Chapter 47: CAMPING (PART I- KARLO KOCHÈ)

1.5K 33 2
                                    

Snow's Point Of View

"A camping we will go, A camping we will go" I can't believe it, pinayagan na talaga ako ni daddy na sumama sa camping, thanks to Lolo Jap

"Hi Ho the Derry-O, A camping we will go" masayang kantahan namin, katabi ko si Bea na panay ang pictures

"Couz, say cheese" ngumiti ako ng mapalapad saka nagwacky

"We'll pitch the tent right there, We'll pitch the tent right there" sa kabila namin ay sila Ryder at Crimson, tulog si Ryder at si Crimson naman ay kumakanta lang din

"Hi Ho the Derry-O, We'll pitch the tent right there" nasa unahan nila Crimson, sila Brennon and Kyross na kumakanta din

"We'll crawl into the tent, We'll crawl into the tent" nasa unahan naman namin si Miguel katabi si Teacher Mich, ang iba naming kaklase ay nasa likuran namin

"Hi Ho the Derry-O, We'll crawl into the tent" tinotoo ni daddy Mark na isama si Manong Arthur at si Manang Josie, nasa pinakalikuran sila ng bus

"We're having lots of fun, We're having lots of fun" napatingin naman ako sa lalaking nakangiti na kanina pa tumutug-tug ng gitara, ang fiancé ni Teacher Mich, kung alam ko lang dapat sinama ko si Daddy Ken, hmph

"Hi Ho the Derry-O, We're having lots of fun" ngumiti sa amin 'yung fiancé ni Teacher Mich, honestly hindi ko gusto ang fiancé ni Teacher Mich, mukha naman syang mabait pero di hamak na mas mabait naman si daddy Ken, atsaka mas magaling mag-gitara sa kanya si daddy Bryan, atsaka marunong ba sya magluto katulad ni daddy Ken? I guess hindi. Napalingon naman ako kay Bea na panay ang picture

"Bea, mamaya na yan. Mamaya maubusan na ng memory 'yang dslr mo" wika ko kay Bea sabay kuha sa camera saka ko nilagay sa aking bag

"Ano ka ba it's okay, marami pa kong extra dito atsaka, hello meron pa kong phone" winagayway nya sakin ang kanyang iphone, pinagsingkitan ko sya ng tingin, naputol lang ang tingin ko sa kanya ng biglang nilapit sakin ni Miggy ang isang malaking chichirya

"Gusto nyo ng chichirya?" tanong ni Miggy saka kami inabutan ng malaking chichirya

"Miggy, hindi masustansya ang chichirya, kaya ka tumataba e, I think your weight is not normal anymore, maybe it's abnormal or obese, something like that, so stop eating junk foods, its not healthy like g-r-r-r" napangiwe na lang kami ni Miggy sa mahabang lintanya ni Bea, kinuha ko ang chichirya saka nginitian si Miggy

"Don't mind Bea" bulong ko sa kanya

"Oh My Ghad! Couz hindi mo kakainin ang mga yan okay?! Hindi pwede, kung gutom ka, I have sandwiches on my bag" wika nya saka naghahalwat sa kanyang backpack

"Bea, minsan lang naman hwag mo lang akong isumbong" wika ko sa kanya saka nagumpisang dumukot ng chichirya

"Yeah, whatever! Look I think malapit na tayo" wika nya saka tumayo sa upuan nya saka sumilip sa labas

"Bea, sit properly baka mahulog ka" wika ng fiancé ni Teacher Mich, I just rolled my eyes

"Uncle Karlo, malapit na po ba tayo?" uncle Karlo? K? Infairness hindi mahilig si Teacher Mich sa mga letter K, una si daddy Ken then Karlo naman? Tumayo si Teacher Mich saka humarap samin

"Okay Kids, malapit na tayo, so ano nga ulit 'yung mga rules and regulations?" inisa-isa namin lahat ng mga rules at regulation, mga common lang naman, katulad ng hwag pupunta sa malayo, laging magpaalam kung iihi, bawal pumunta kung saan-saan and etc. Siguro pang sampung ulit na namin itong narecite

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon