Chapter 14: DEAD OR JUST FEVER?

1.7K 57 3
                                    

Xenon's Point of View

Napatingin ako sa orasan, it's already 1:00 am

"Kuya, dito ka tutulog?"  tanong sakin na nakakabata kong kapatid

"Hindi, actually uuwi na rin ako ngayon, atsaka bakit gising ka pa? may pasok ka pa bukas ah" sinarado ko ng ang laptop ko saka inilagay ko na sa bag

"Kuya, ala-una na kaya,  dito ka na matulog" umiling lang ako sa kapatid ko

"Mira, kelangan ko umuwi sa bahay, atsaka tumawag ka na lang sakin kapag may kelangan ka, bantayan mo lagi si mama" tumango lang sya sakin saka nagtungo na sa kwarto nya

Pagkababa ko naabutan ko ang asawa ni mama

"Oh? uuwi ka pa? dito ka na lang matulog" umiling na lang ako sa kanya saka nagderetso sa pintuan

"Alam kong hindi mo pa rin ako mapapatawad, pero son maniwala ka, mahal na mahal ko ang mama mo" kinalma ko ang sarili ko bago ko sya hinarap

"Hwag na hwag mo kong matatawag na son, dahil 'yung tatay ko matagal ng namatay!" tumalikod na kagad ako sa kanya, kahit kailan hindi ko mapapatawad ang ginawa nya samin lalong lalo na sa ginawa nya kay mama, hindi ko alam kung bakit hindi magawang iwan ni mama ang lalaking yun, sa kabila ng kagaguhang ginawa nya kay mama, hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit nagtitiis pa si mama at ang kapatid ko sa lalaking yun

Hinagis ko sa likod ng kotse ang bag ko, bigla namang tumunog ang cellphone ko

From: Unknown

Hi daddy! Good Mornight, anong oras po kayo uuwi?"

-Pretty Snow :)

Napakunot naman ang noo ko, bakit gising pa ang batang yon, atsaka saan naman nun nakuha ang number ko, magtetext na sana ako ng may sinend na naman sya sakin, this time picture ng mga ugok na nakahiga sa sahig na sala, may sinend pa sya sakin, picture nilang dalawa ni Paxton, si Paxton nakaasong ngiti habang may hawak hawak na root beer, at 'yung bubwit naman nakangite rin habang may hawak ng baso ng gatas. Nagtipa kagad ako ng reply

To: Unknown

Bakit gising ka pa? Matulog ka na, on the way na ko.

-Sent

Pagkabukas ko ng pinto, unang-una kong naabutan ang mga ugok na tulog tulog sa sahig na sala, nagderetso kagad ako sa kusina

"Cheers" sabi nung bubwit at nakipagtoss pa kay Paxton

"Cheers para sa torpeng katulad ko!" sambit naman ni Paxton, napalingon naman kagad sakin 'yung bubwit

"Ow! Hi daddy Xenon!" kumaway pa sya sakin, sinamaan ko naman sya ng tingin, nilapitan ko 'yung gung-gung saka binatukan

"Aray! dude! Para san naman yon?" tanong nya sakin habang hinihimas 'yung ulo nya

"Bakit hindi mo pa pinatutulog si Bubwit?"

"E ang kulit e, kanina ko pa pinatutulog ang sabi iintayin daw kayong dalawa ni Mark" sambit nya sakin, kumuha rin ako ng root beer sa ref

"Bubwit, alam mo ba kung anong oras na? Matulog ka na sa kwarto mo" napasimangot naman sya

"But--" pinutol ko na ang sasabihin nya

"No buts, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog ka na" matigas na sambit ko sa kanya, tinaas nya naman ang dalawa nyang kamay

"Okay po! Kalma lang! Ang puso po daddy Xen! ang puso!" sinamaan ko naman sya ng tingin bago sya nagtatakbo palabas ng kusina, napatingin naman ako kay Paxton

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon