Chapter 41: JEALOUS

1.5K 39 3
                                    

(A/n: walang kokontra, tanggap ko ng lame ako gumawa ng ganitong scenario so sorry na agad hahaha. Enjoy reading)

Fiona's Point of View

Nakahalumbaba ako sa tapat ng laptop ko ng bigla akong hampasin ni bakla

"Ano na namang problema mo?" tanong ko sa kanya sabay hikab, ano bang oras na ko nakatulog kagabi? Letche naman kasi, may unggoy na gumugulo sa utak ko kahapon

"Anong nangyari sa inyo ni Sir Paxton?" inismiran ko sya saka pinagtaasan ng kilay

"Anong klaseng tanong yan? Atsaka bakit na naman ba namention ang pangalan ng ugok na yon?" sinarado nya bigla ang laptop ko saka inikot nya ang upuan ko paharap sa kanya

"OMG positive!" wika nya ng parang shock na shock, abnormal talaga ng baklang to

"Anong positive ang pinagsasabi mo? Gusto mong sapak?" inirapan nya lang ako saka tinuro ang mata ko

"Iyan, iyan ang ebedensya na hindi kayo ayos ni Sir Paxton" sabay trace pa sa eyebags ko na limang kilo ata, nakakabwiset ang ugok na yon, hindi ako pinatulog lagi na lang nagflaflashback sakin 'yung nangyari sa park

"Anong connect? Ginawa ko lang 'yung report na sinasabi ni Ma'am Arevalo" pagsisinungaling ko sa kanya, alangan namang aminin ko na ang ugok na yon ang dahilan, hwag na lang uy, baka araw-araw na kong lokohin ng baklang to

"Asusss, hwag ako! kami ni Cristine ang gumawa ng report, kaya hwag kang sinungaling, dahil lalo lang lumalaki ang pimple mo sa ilong" isa pa tong tigyawat ko, kagagawan talaga to ng ugok na yon

"So ano ba kasing nangyari? Bakit di ko na nakikita dito si Sir Paxton? May third party ba? Sino? 'yung ahas ba na si Alvina?" third party? Ahas?

"Walang nangyari okay? Atsaka ikaw bakla ha! Isa pa at masasampulan kita" pagbabanta ko sa kanya

"Di mo na ko masisindak sa mga linya mong yan, magkwento ka na kasi" wala akong nagawa sa kadaldalan ng baklang ito, dahil kahit anong pilit kong hindi magsalita ay pilit nya naman akong pinapakwento kaya ayun kinuwento ko sa kanya 'yung nangyari sa park, at alam nyo ba kung anong ginawa nya sakin? Ayun nakatanggap ako ng maraming hampas, anak ng tokwa naman oh! Anong tingin nya sakin tabla? Aba, kapag talaga nagkapasa ako sa mga hampas ng baklang to, doble ang ibabalik ko

"Ginto na nga ginawa mo pang bato, ano ba namang klaseng babae ka bes? Binusted mo ang nagiisang Paxton Vergara aka ang Hunk ng CEC? Alam mo ba ang daming babae ang nagkakandarapa sa kanya tapos ikaw, ikaw na si Fiona Marquez, binusted mo lang? Ganon na lang yon? Grabe ito, dis is rong, beri beri rong, hindi ko to matatanggap" inirapan ko lang sya saka binuksan ulit ang laptop ko

"Ewan ko sayo, balik na tayo sa trabaho baka makita pa tayo ni Ma'am Arevalo"  wika ko sa kanya, sinarado nya naman ulit ang laptop ko

"Umiiwas ka na naman sa topic, wala si Ma'am Arevalo, nasa meeting kaya hwag kang ano dyan!" pati 'yung iba na nasa department na to nakiusyoso na rin samin dahil sa kalakasan ng boses ng baklang ito

"Oh ano ka ngayon? Di makatulog sa gabi sa kakaiisip, hay naku ang pabebe mo naman kasi, juskems natanda ka na Fiona, aba kelangan mo na mag-asawa!" sinamaan ko sya ng tingin

"Excuse me, I'm just 24, masyado pa kong bata para mag-asawa" pinagtaasan ko sya ng kilay

"Sa panahon ngayon 24 years old may mga anak na, e ikaw? 24 na wala pang jowa" aba, gusto ba ng away ng baklang ito?

"Wow! Nagsabi ang may jowa, e kamusta naman ang lovelife mo aber? Tek na to, bigwasan kaya kita dyan" napangiwe lang sya sa sinabi ko

"Oo na! Hindi mo na kelangan pa ipamukha sakin, bakit ba napunta sakin ang topic? Nililigaw mo lang ako no? Pwes hindi mo ko malilinlang, so bakit ba kasi? Wala ka bang nararamdaman man lang kay Sir Paxton na sobrang hawt! Rawr!" don't tell me, pinagpapantasyahan rin ng baklang ito ang ugok na yon?

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon