Fiona's Point Of View (commander pov)
Madaling araw na madaling araw nakatanggap ako ng tawag galing sa presinto, ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa ng mga ungas? Habang nagmamaneho ako, bumalik sakin ang lahat ng nangyari kahapon, his eyes, his dark brown eyes. After I left him in the park nagderetso ako kay papa at sa kanya ko lahat binuhos ng problema ko, problema ko sa feelings ko, problema ko kay Paxton. Wala kong ginawa buong gabi kundi umiyak, at mas napaiyak lang ako sa opisana nang nalaman ko na hindi sya pumasok. Ano bang dapat ko gawin? Nang narinig ko na kasama sya sa presinto hindi na ko mapakali. Pagkadating ko sa presinto, sinamahan ako nung isang police sa lugar kung nasaan sila Shawn, at halos mapaupo na ko sa sahig sa naabutan ko.
Tuwang-tuwa si Ken habang nakikipaglaro ng unggoy-ungguyan sa mga preso. Si Shawn naman nagseselfie habang sa likod nya ay may nagmamasahe at sa kaliwa't kanan nya ay may dalawang lalaki nagpapaypay. Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid. Wala roon si Paxton. Akala ko ba...
"Commander!" napalingon sakin si Shawn, na mukhang nabuhayan ng loob
"Hulog ka talaga ng langit" wika nya sakin, pinagismiran ko naman siya
"LIM AT FLEMING, MAKAKALAYA NA KAYO!" labag man sa kalooban ko, ako na ang nagpyansa sa dalawang ugok na to, pasalamat sila at mabait pa ako, oo mabait pa ko sa lagay na to, kung pwede ko lang silang pabayaan doon ay nagawa ko na. Kahit naman papaano ay may mga pinagsamahan rin kami ng mga ugok na to.
Pagkalabas nila ng presinto pinagbabatukan ko sila
"Aray naman commander! Ang hilig mo talaga manakit ng gwapo" inismiran ko si Shawn, nagawa nya pang magmahangin?
"Ano ba nanaman kasi ang nangyari? ang lalakas ng loob nyo mag-inom, tapos mga wala naman pala kayong pambayad!" pinaghahamapas ko ulit sila
"Tama na commander, umuwi na lang tayo, sa bahay ka na matulog" wika ni Ken, sumakay sila sa kotse ko, ang kakapal talaga ng mukha ng dalawang to, napabuntong hininga na lang ako, sumakay na ko sa driver seat
"Akala ko ba kasama nyo si Charles at si..." napatigil naman ako ng pinagsingkitan nila akong dalawa ng mata
"At sino commander?" mapangasar na tanong sakin ni Shawn, sinamaan ko sya ng tingin, tumikhim muna ako bago umimik
"At si ano...si ano...si ano basta 'yung isa nyong gagong kaibigan" sumipol sipol naman si Ken, pasalamat sya wala kong hawak ngayon, kung meron malamang kanina ko pa sya nabato
"Alam mo commander, kunyare ka pang ayaw mo, gusto mo din naman pala" kung hindi lang talaga ako nagmamaneho malamang kanina ko pa sinabunutan ang dalawang to, parang nagsisi tuloy ako na tinulangan sila, dapat pala hinayaan ko na lang silang mabulok sa presinto, nakakabwiset e
"Hahaha si Charles hindi na namin alam kung saan nagpunta, nagising na lang kami sa bar wala na sya at si ano naman si pft si Paxton na gago naman, may sumundo sa kanyang chicks" kumunot naman ang noo ko sa winika ni Shawn
"Chicks?" nagtawanan naman silang dalawa sa likod at nag-apir pa, kung pwede ko lang ibunggo itong kotse ko, nabunggo ko na, pinagloloko na naman ata ako ng mga ungas na to
"Bago ka dumating kanina may sumundo na kay Paxton, hindi pamilyar samin 'yung babae pero sa tingin namin kaclose nya naman si Paxton, ang sweet nga nila kanina e" pagkwekwento ni Ken, mas lalong kumunot ang noo ko, pagkatapos nyang mag-tapat sakin may iba na kagad sya? Ibang klase. Teka e ano naman sakin kung may iba na sya? Mas mabuti nga yon e, para hindi nya na ko kulitin, pero hindi nya naman ako kinukulit e. Napabuntong hininga naman ako. Dear mind, please stop it. Kahapon pa kayo e.
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---