(A/n: haba ng title no? Haha halo-halo kasi ang chapter na 'to, so yun lang enjoy reading! Suhweggg!)
Bryan's Point Of View
"Salamat po sir sa paghatid, sobrang nag-alala ho talagang lahat kami dito kay Ryder, sana po ay mahuli na ho ang may sala" ngumiti lang ako sa isa sa mga staff ng love house
"Oh paano ba yan bata, una na ko, magpahinga ka muna" wika ko kay Ryder saka ginulo ang kanyang buhok
"Hindi ako pagod tanda, hindi ba ako pwedeng sumama sayo? Nakakabagot dito sa love house, atsaka kapag umalis ka din naman dito, tatakas din ako" napataas ako ng kilay, umupo ako para maging magkalevel kami
"At saan ka naman pupunta?"
"Sa hospital, dadalawin ko si Auntie, diba sabi mo buntis sya, sigurado akong nag-aalala yon sakin, kaya isama mo na lang ulit ako tanda" napatingin ako sa staff na sumalubong sa amin
"Naku sir, kausapin nyo po muna si sister" tumango ako saka sumama doon sa babae
"Hwag ka ng tatakas, kakausapin ko lang si sister" tumango sya sakin saka ako nginisian
"Ang bait mo talaga tanda"
***
"Tanda, ayos ka lang ba?" napalingon ako sa kanya
"Oo naman, bakit?" napatingin ako sa traffic light, napahawak ako sa noo ko, tangina medyo masakit ang ulo ko
"Nagiging kulay puti na ang labi mo at dumudugo ang ilong mo, tapos sasabin mo sakin ayos ka lang? Nababaliw ka na ba tanda?" lumapit sya sakin at pinunasan nya ng tissue ang ilong ko, nanlaki naman ang mata ko
"Tanda..." kinuha nya yung bote ng tubig at inabot sakin, itinabi ko kagad ang kotse
"Sh!t" kumuha kagad ako ng maraming tissue at pinunas sa ilong ko, tangina, hwag ngayon, napalingon ako kay Ryder na kunot na kunot ang noo na nakatingin sakin
"Ayos lang ako, hwag ka mag-alala, siguro pagod lang ako" itinaas nya ang manggas ng polo ko
"Bakit ka may malaking pasa dyan tanda?" tanong nya sakin, tinaggal ko naman ang kamay nya na nakahawak sa manggas ko
"Wala ito" wika ko sa kanya saka nagiwas ng tingin, tangina bakit ako kinakabahan sa isang bata?
"Sinungaling ka tanda, may sakit ka." hindi iyon tanong, statement yon, seryoso ang pagkakasabi nya sakin na parang may napagtanto sya sa mga oras na 'to
"Nahahalata ka na ni Bunny at lagi nyang kinukwento sa amin ang mga napapansin nya sayo, hindi ako kasing talino ni Bunny, pero hindi naman ako sobrang bobo para hindi makahalata" napakunot ang noo ko
"Nakakahalata? Anong mga kinukwento nya?" bakit hindi ko alam, si bubwit?
"Nagsimula ang lahat noong sinama mo kami ni bubwit sa hospital, sabi nya sakin may hindi ka raw sinasabi sa kanya, ilang beses ka na nyang nahuli na dumudugo raw ang ilong mo, at nagkakapasa daw ang katawan mo kahit hindi ka naman nabubugbog, palagi ka raw maputla at medyo nanghihina ka na raw, simula noong nagpunta tayo sa hospital marami raw nagbago sayo, hindi ako marunong magbasa pero sapat na siguro itong ebedensya para mapatunayan ngang may sakit ka" pinakita nya sakin 'yung bote ng gamot na iniinom ko, kumunot ang noo ko saka inagaw iyon kaagad sa kanya
"Saan mo 'to nakuha?" galit na tanong ko sa kanya
"Nahulog mo iyan sa abandonadong building, hindi ko mabasa ang mga nakasulat dyan dahil hindi pa ko masyadong marunong magbasa pero nakakasigurado ako ng hindi iyan simpleng vitamins, pinakita ko iyan sa nurse na nagcheck up sakin, marami syang sinabi sakin pero may nabanggit sya tungkol sa isang cancer, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng cancer pero hindi yon maganda pakinggan, kaya tanda, magtapat ka nga sakin may cancer ka ba?" napabuntong hininga ako, sa tingin ko hindi ko na ito matatago pa, nakakatawang isipin na hindi ako nahalata ng mga gung-gung pero nahalata naman ako ng mga bata, bata pa talaga, napailing na lang ako, nilingon ko si Ryder saka ginulo ang buhok nya
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---