Charles's Point of View
Pinaghahampas namin si Paxton, anak ng tokwa talaga ang hinayupak na to! Hindi ko alam kung papano nya napaniwala ang gwapong katulad ko sa kalokohan nya, tanga rin no? Puso nasa tyan? Ang gago talaga
"Aray! Kingina mga dude, malay ko ba, hindi ako doctor!" singhal nya samin saka ginantihan kami ng hampas
"Gago!" sambit naman ni pareng Xenon
"Okay, that's enough mga daddies!" awat samin nung bubwit
"At ikaw bubwit matulog ka na" sambit ko sa kanya, magaalas-tres na at mulat na mulat pa rin ang bubwit na to, kapag nalaman to ni commander, tyak lagot na naman kami sa kanya.
"Pero hindi pa nagagamot ang mga sugat ni daddy Mark, atsaka maalam po ba kayo mag-alaga ng may sakit?" tinitigan ko ng mabuti si Snow
"Kinukwestyon mo ba ang kakayahan namin bubwit? Basic lang samin ang mga ganitong bagay, kaya ikaw matulog ka na, at kami ang malalagot kay commander kapag nalaman nun na nagpuyat ka" binuhat na sya ni Bryan
"Matutulog ka na" rinig naming wika ni Bryan, pagkaalis nila, nagkatinginan kaming lahat, at nagsimula na kaming mag-panic, langya hindi pa kami nakakapag-alaga ng may sakit, nasanay kami na si commander ang mag-aalaga
"What the?! Anong gagawin natin mga bro?" tumayo si Ken at umikot sa buong salas
"Kelangan na ba nating operahan si pareng Mark?" tanong ko sa kanilang lahat, at nakisali na rin kay Ken sa pag-ikot sa buong salas, kunot na kunot naman ang noo ni Paxton habang hawak-hawak ang mahiwaga nyang sthetoscope, na kanina pa nakatapat sa tyan ni pareng Mark
"Bumabagal ang heartbeat nya mga tol" sambit nya samin, sinamaan namin sya ng tingin
"Umiiral na naman ang kagaguhan mo, kelan pa napunta sa tyan ang puso?" sambit naman ni Xenon
"Wala tayong magagawa guys, kelangan na nating gamitin ang ating special skills, okay team! Ihanda ang operating room" sambit samin ni Shawn, nagkatinginan kaming lahat saka tumingin kay Pareng Mark, okay we need to do this! Para maisalba ang buhay ni Pareng Mark, para sa future!
"Paabot ng cotton buds bro" sambit samin ni Bryan, inabot ko sa kanya ang cotton buds
"Langya! Ayusin mo ang pag-ayos ng flashlight bro" tagaktak na ang mga pawis namin habang inooperahan si pareng Mark
"Bumababa ang blood pressure nya" sambit sa amin ni Paxton na nakasuot ng mask at gloves, ganun din kami, nakasuot lahat ng mask at gloves, feeling ko nga lalo akong gumwapo e? Wink
"What? Marunong ka ba gumamit nyan bro?" tanong ko sa kanya, habang tinuro yung kakaibang gamit na hawak-hawak nya
"Anong tingin mo sakin bro?"
"Gago" bigla nya naman akong sinamaan ng tingin
"Kingina mo bro"
"Guys concentrate" sambit samin ni Xenon na syang may hawak ng flashlight
"Pagkatapos ano ng gagawin?" tanong ni Ken, kakatapos lang namin lagyan ng alcohol ba yun? Basta nilagyan namin ng alcohol 'yung mga sugat ni pareng Mark, feel ko nga mali 'yung ginagawa namin e, kanina pa kasi ngumiwe ng ngumiwe si pareng Mark, pero hindi naman nagigising, masyado atang malakas ang tama.
"Baka dapat ng lagyan ng band-aid" sambit samin ni Shawn, kumuha kami ng tig-iisang band-aid at isa-isa naming nilagay sa bawat sulok ng mukha ni pareng Mark
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---