Snow's Point Of View
"Couz are you sure about this?" pinagsingkitan ko sya ng tingin
"Aigoo Bea, stop being coward" wika naman ni Cindy, sya ang may hawak ng flashlight namin
"Hey nerd! I'm not a coward, gosh nasan na ba kasi si Uncle?" hinila ko silang dalawa saka nagtago sa puno
"Cindy patayin mo ang flashlight" bulong ko kay Cindy
"Why? Nakita mo na si Mr. Karlo?" tinignan ko si Mr. Karlo na kalalabas lang ng kanyang tent at may kausap sa phone, malayo-layo ang location namin sa kinatatayuan ni Mr. Karlo kaya I'm sure hindi nya kami mapapansin
"Papasok na sya ng gubat, tara sundan natin" magproprotesta pa sana si Bea, sinamaan ko na sya ng tingin
"Bakit naman kaya sya pupunta sa loob ng gubat ng mga ganitong oras?" takang tanong ni Cindy
"Kaya nga natin sya sunusundan diba? Gosh common sense naman" maarteng wika naman ni Bea, kahit talaga kelan hindi magandang magsama ang dalawang 'to, narealize ko lang kanina sa tent, atsaka hindi rin sila marunong tumahimik, hay.
Nakakapit sa laylayan ng damit ko ang dalawa, hinayaan ko na lang sila, palapit kami ng palapit kay Mr. Karlo Kochè kaya mas nagiging malinaw ang mga pinagsasabi nya sa kausap nya.
"Yeah, he's really like his father, parehas matigas ang bungo" sino bang tinutukoy nito?
"Its look like hindi nadadala ang Collins na yon?" ako dapat 'yung magugulat kaso mas OA pang mag-react ang mga kasama ko, kaya dali-dali kong tinakpan ang mga bibig nila
"Ano? Hwag idamay ang bata? Nagpapatawa ka ba? Dahil sa magulang ng batang yan, bumagsak ang kumpanya natin, nakalimutan mo na ba ang ginawa ng mga White sa kumpanya natin? Hwag mong sabihin nahulog ka na sa babaeng yan?" nagkatinginan kaming tatlo pero hanggang ngayon hindi ko pa rin tinatanggal ang kamay ko sa mga bibig nila
"Konsensya? Dude, ngayon ka pa ba makokonsensya? Mababalik na natin sa dati ang kumpanya, at babagsak na rin ang mga Collins, don't disappoint me, Kian" sa tingin ko, lahat ng mga narinig ko ay sapat na at hindi na namin kelangan gumamit ng bug ni Cindy, nang makalayo si Mr. Kochè saka ko lang tinanggal ang kamay ko sa kanilang bibig, nilalawayan na naman kasi ni Cindy e, walang manners talaga nito
"Confirm" mahinang wika ni Cindy
"Couz anong ibig nyang sabihin sa hindi na nadadala ang Collins na yon?" pagmimimick ni Bea sa boses ni Mr. Karlo
"Lahat ng nangyari sakin, pagkidnap sa Mall, pagpadala ng patay na pusa, sya lahat ang may kagagawan" mahinang wika ko, umupo muna ako sa ugat ng puno
"Oh My Gosh, sa tingin mo Snow, sinong kausap nya sa phone kelangan natin 'to sabihin kay Uncle at kay Papsi?" umiling agad ako
"Kapag sinabi natin, hindi sila maniniwala, sinong maniniwala sa mga 6 years old na bata?" wika ko na sinangayunan naman ni Cindy
"Tama, dapat pala ni-record natin, para may proweba tayo" wika naman ni Cindy
"Cindy can you hack, Mr. Karlo's phone?" tanong ko kay Cindy, imposible man sa isang katulad nya pero I have a feeling that she can, tumango naman sya
"Maalam ako, nakita ko si daddy dati na may hinack din e" nagkatinginan kami ni Bea
"Hoy Cindy, magtapat ka nga samin, Hacker ba ang papa mo? Or Scammer?" sinamaan nya naman kami ng tingin
"Reporter ang Daddy ko no?! Dati kasi nung college sya kumuha rin sya ng IT, kaya alam nya 'yung mga ganitong bagay, so as her daughter napasa nya lang sakin 'yung skills nya" asus ang dami nyang nasabi tinatanong lang naman namin kung hacker or scammer ang tatay nya, dami ring alam nitong si Cindy e
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---