Chapter 37: AMANDA FERRER

1.7K 35 0
                                    

Snow's Point Of View

"Snow, iha, gumising ka na" hinila ko lang ang yellow kong comforter at itinaklob ko ito sa buo kong mukha

"Snow, hwag mo na kong pahirapan, mahigpit na ipinagbilin ni Evans na pakainin ka ng breakfast, kaya sige na bumangon ka na please" mas hinigpitan ko lang ang hawak ko sa aking comforter

"Manang, wala po akong gana" nakasimangot kong wika kahit hindi nya ito kita, simula nang inihatid ako ni daddy dito  kahapon sa kanyang "mansion", iniwan nya rin ako agad dahil may emergency daw sya sa kanyang "opisina", nakakapagtampo, and now iniwan nya ko kasama ang tatlong yaya, yes tatlo isa na doon si Manang Josie na nakaassign sakin ngayong umaga, sana doon na lang ako sa bahay nila daddy Ken, nakakabagot naman dito e, sobrang laki ng bahay mas malaki pa sa bahay namin sa Batangas, tapos sila yaya lang ang nakakausap ko, hmph.

"Dumating na ba si daddy?" tanong ko kay manang saka bumangon, mukha kasing iiyak na sya kapag hindi pa ko bumangon

"Hindi pa sya umuuwi" wika nya sakin habang inaayos ang kama ko, napasimangot naman ako, so hindi pala sya umuwi kagabi? Buti na lang saturday ngayon wala akong pasok, miss ko na kagad sila daddies? Ano kayang ginagawa nila ngayon? Sigurado akong mga tulog pa sila, malelate na naman sila sa kanilang mga trabaho, napangiti na lang ako nang bigla kong naimagine ang mga mukha nila daddy na tulog na tulog tapos mga nakanganga pa with matching tulo laway. Pft hahaha.

"Alam mo iha, alam kong mahirap maintindihan may mga bagay--" hindi ko na sya pinatapos

"Kasi po may mga bagay na kelangan isakripisyo para sa ikabubuti ko, tama po ba manang?" ngumiti naman sakin si manang saka pumalakpak pa

"Tama! Alam mo naman pala e, ginagawa lang yon ng daddy mo para mabigay lahat ng kelangan mo" napanguso naman ako, hindi naman yon kelangan gawin ni daddy e, wala pa ngang proof na sya ang tunay kong daddy, duh. Tinulungan ko na lang din si manang sa pagaayos ng kama ko, matanda na kasi si manang Josie, halatang sumasakit na ang mga tuhod neto.

"Ako na po ang bahala dito manang, maalam po ako" wika ko kay manang naalala ko tuloy na ako lagi ang nagtitiklop ng mga kumot nila daddy, pinabayaan naman ako ni manang saka pinagmasdan

"Naks, ang bait naman ng alaga ko, o sya pagkatapos mo dyan, bumaba ka na ha, kakain ka pa ng breakfast, hwag kang mag-alala, dadating mamaya dito si Beauty para may kalaro ka na" napakunot naman ang noo ko, si Beauty? Napasapo ako ng noo, ay oo nga pala "couz" ko nga pala sya, binigyan ko lang ng hilaw ng ngiti si manang para kunyare excited rin ako, pagkalabas ni manang, humiga ulit ako sa kama ko, nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, kanino kayang kwarto ito? Para kasing pambata tong kwarto? Parang ginawa talaga ito para sakin, maraming laruan, stuff toys tapos may mga story books rin sa mini shelf, puro rainbow at kung ano pang-makukulay na gamit. Kinuha ko 'yung phone ko sa drawer agad akong nagtext kay mommy, baka mamaya mataranta na naman si mommy at magdrama na naman sakin

To: Mommy

Good Morning Mommy, I love you and I miss you so much. Eat your breakfast.

Nagselfie ako saka ko sinend kay mommy. Pakatapos nun ay bumaba na rin ako. Naabutan ko si manang na nagtitimpla ng gatas, ngumiti sya kagad nang nakita nya ko

"Hay Hindi talaga ako makapaniwala na may anak na si Evans" wika nya, napansin ko na kanina nya pa tinatawag na Evans si daddy Mark

"Manang bakit po Evans ang tawag nyo kay daddy?" tanong ko sa kanya saka umupo sa harap ng hapagkainan, nakita kong kumunot ang noo nya

"Mas sanay kasi ako syang tawagin Evans atsaka sya na rin ang nagsabi sakin na Evans ang itawag ko sa kanya" wika nya, nakatayo lang sya sa tabi at pinagmamasdan akong kumain, ngayon ko lang napagtanto na Mark Evans Collins pala ang buong pangalan ni Daddy

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon