Shawn's Point of View
Napasapo ako ng noo sa pinaggagawa ni bubwit, ang tigas talaga ng ulo, papano sya nakalabas ng kotse? At pano sya nakapasok dito? Sumasakit ang ulo ko! Isa pang alalahanin ay hindi ko makita kung nasaan si Erin.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Justin pinsan ko, ang vocalist ng bandang TREDICETo: Gagong Justin
Bro, pakibantayan si Snow, hwag mong iiaalis ang tingin mo sa kanya, kung hindi malalagot ka sakin
-sentTinawagan ko ang number ni Erin
"Hello"
"Kayo po ba ang susundo sa kanya nasa table 1 po sya nasa unahan po" tinahak ko ang sinabi ng babae, at doon nga nakapwesto si Erin at nakaub-ob na sa pwesto nya
"Erin" tumunghay naman si Erin saka ngumise sakin, tumayo sya, halatang may tama na sya, dahil muntikan na syang matumba
"Shawn, dumating ka" bigla syang yumakap sakin
"Shawn... thankyou" huminga ako ng malalim
"Hush, Erin" hinaplos ko ang kanyang buhok
"Ang sakit na kasi, hindi ko na kaya" napatingin naman ako sa ibang table, halos lahat ng tao ay nakatayo at nakikakanta sa kanta ni Snow, hinawakan ko ang balikat ni Erin
"Give up on Bryan, Erin" umiling lang sya bigla
"Hindi pwede, mas lalong hindi ko kaya" mariin ako napapikit
"Then what? Palagi ka na lang ganyan?! The heck! Naman Erin! Hanggang ngayon ba naman, hindi mo pa rin naiintindihan?"
"I love him, Shawn I love him"
"I don't get you, Erin, you keep saying that you love that bastard, tapos iiyak-iyak ka ngayon? You're unbelievable!" tinignan nya ko ng mabuti
"Hindi mo naman kasi ako naiintindihan e, hindi mo alam 'yung nararamdaman ko"
"You don't get me too" iling na wika ko sa kanya
"Hindi mo rin ako naiintindihan" sabi ko sa kanya habang umiiling
"What?! Hindi kita naiintindihan kasi hindi mo ipinaiintindi sakin" napabuntong hininga na lang ako, suko na ko Erin, suko na ko sayo.
"Tara na Erin, ihahatid na kita" hinawakan ko ang kamay nya, hinila nya naman pabalik ang kamay nya
"No! Shawn! Dito lang ako"
"Uuwin na tayo, Erin, hwag mong subukan ang pasensya ko" mariing wika ko sa kanya
"Shawn please"
"Erin mahal kita. Dati pa lang mahal na kita. Bago pa kayo magkakilala ni Bryan, mahal na kita. And the day when you'll finally understand me... will never come, dahil wala e, si Bryan pa rin ang pipiliin mo kahit na ako ang laging nasa tabi mo, si Bryan pa rin, kahit anong gawin ko si Bryan pa rin, si Bryan na lang palagi Erin, I'm tired Erin, tao rin ako napapagod. So Erin please umuwi na tayo dahil nag-aalala na sayo ang parents mo" halatang gulat na gulat sya sa mga sinabi ko, napailing na lang ako saka hinila sya palabas
"Hindi mo kelangan sagutin ang lahat ng sinabi ko, Erin" wika ko sa kanya bago ko tinawagan ko ang number ni Justin
"Justin, ilabas mo na sa bar si Snow, uuwi na kami" ilang minuto ang lumipas ay karga-karga na ni Justin si Snow, palabas
"Pinsan, hindi mo sinabi sakin na may anak ka na pala" hindi makapaniwalang wika ni Justin saka ibinaba si Snow, sinamaan ko sya ng tingin, hindi ko pinansin ang sinabi ni Justin
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---