》》》Ken's Point of View
"Daddy mamaya, tunaw na po yang ID, grabeee wagas kong makatitig e?" napabaling naman ako sa batang nagsalita
"Kumain ka na lang dyan ng marami" sabi ko sa kanya saka napabaling ulit doon sa ID, kinuha ko ang cellphone ko saka sisinerch ko sa facebook 'yung pangalan nya
Mitch Collins, the girl who broke my heart, hmmm
Relationship: SINGLE nagpakurap-kurap ako single? As in single?
Tinignan ko naman 'yung mga pictures, same Mich na nakilala ko, halos wala namang nagbago sa itsura nya e, maganda pa rin.
"Boooo" muntikan ko ng malaglag ang cellphone ko, sinamaan ko ng tingin si commander
"Ano na naman ba ang problema mo commander?" dinuro nya ko gamit ang tinidor nya, hinawakan ko naman 'yung tinudor, baka mamaya maitarak nya pa sa mata ko
"Kumain ka na, anyway ang sarap talaga ng luto mo, Ken" hah! Ako pa! Basta gwapo Kenneth Lim ang pangalan!
"Syempre inspired si Daddy Ken e, nakita nya na 'yung kared-string nya sa school, si Miss Mich--" hindi ko na sya pinatapos saka sinubuan ng pasta, nginitian ko sya saka pinagdilatan ng mata
"Ang sarap ng luto ko, diba Snow?" napatingin naman ako kay Commander
"Oh my gosh! Nagkabalikan na ulit kayo ni Mich?" ito na nga ba ang sinsabi ko e, ang daldal naman ng batang to, sinamaan ko ng tingin si Snow, magpeace sign lang sya sakin saka pinagpatuloy ang pagkain, ngumiti ako ng mapait kay commander
After she left me, after nya magpunta sa America ngayon lang ulit kami magkita, ni hindi ko nga alam kung narecognize nya ko e, napabuntong hininga na lang ako, mukha namang masaya na sya e, tiningnan ko ulit ang profile nya
Nakamoved-on ka na ba Mich? Kasi kung oo, ako hindi pa
》》》Snow's Point of View
Hay. Why fall in love and be hurt when you can just eat and be happy? Tinignan ko lang si Daddy Ken na busy sa pagbrobrowse sa mga pictures ni Miss Mich, I really admire destiny, pagkatapos nilang magkalayo, heto sila and nagkita ulit. Pero at the same time naiinis din ako sa destiny, bakit pa nya pinagtatagpo ulit ang dalawang tao kung sa huli din rin naman sila ang magkakatuluyan? Sinasaktan lang ni destiny ang feelings ng mga tao, pinapaasa at pinaglalaruan, hays.
Hanga din ako kay daddy after sya iwan ni Miss Mich, hindi sya bitter like those others teenagers na kung makapagpost at makapagtweet sa facebook at twitter ng kabitteran ay akala mo, hindi na makakakita ng bago. Jusme sobrang dradrama, e balita ko ang hirap hirap magaral bakit hindi na lang iyon ang atupagin nila? Buti sana nakakaunlad ng bansa yung kabitteran nila. Hmp.
Nagpatuloy lang ng pagkwekento sakin si commander, kinukwento nya kasi sakin 'yung storya ni Miss Mich at ni Daddy Ken, masyado namang busy si Daddy Ken kaya siguro hindi nya napapansin na kanina pa kinukwento ni commander ang oh-so-dramatic-love-story nila. Mala-mmk nga e, send ko kaya storya nila kay Ma'am Charo?
"Tapos alam mo ba kiddo? May habulan portion pang nangyari sa airport, ang drama nga ng gagong yan e" oops ipaalala nyo nga sakin na nagsalita ng bad word si commander, hindi ako mahilig makinig ng love story ng iba pero as long as may kaugnayan naman ang mga daddies ko, sige na rin. Pagtyatyagaan ko na rin.
"Ang kaso nga lang, wala talaga e. Umalis pa rin si Mich" patuloy na pagkwekwento ni commander
"E bakit po kasi umalis si Miss Mich?" tanong ko kay commander saka sinipsip 'yung pineapple juice ko
"Ayaw kasi ng parents ni Mich kay Ken" napatango na lang ako, ayun na yun!
Mahirap talaga kapag ang kalaban mo na is ang pamilya mo, mahirap magpakaselfish, kaya siguro mas pinili ni Miss Mich 'yung pamilya nya. I understand her, may mga napanood na kong movies na ganyan rin ang nangyare pero sus, in the end sila din naman ang magkakatuluyan pero sa bagay hindi naman movie ang story nila, hindi ko rin pala masasabi, baka mamaya may iba na palang ni-link 'yung magulang ni Miss Mich sa kanya, yun nga lang kawawa naman si daddy Ken. Ang ibig sabihin lang talaga nun is wala talagang forever, so sad.
"Nakakalungkot nga e, kung makikita mo lang kung paano pinaglaban ni daddy Ken mo si Mich, grabe maiiyak ka" napangiti naman ako, commander is still a woman, may mga kilig rin pala tong nararamdaman, the first time kasi na I saw her ang masasabi mo kagad sa kanya is sya 'yung tipo na walang kilig sa katawan pero mali pala ako, sa bagay ayon nga kay grandmie looks can be deceiving.
"Ganun po talaga sa isang relasyon, lumaban nga po si Daddy Ken, pero pinaglaban po ba ni Miss Mich si daddy Ken? I guess hindi po. Alam nyo po kasi commander para po mag-work ang isang relationship, dapat po dalawang tao po yung lumalaban dahil kapag isa lang po yung lumalaban believe me susuko din 'yung isa, kasi nakakapagod, kaya sobrang sakit ang unbearable, ganern po commander. " mahabang paliwanag ko kay commander, tinitigan nya naman ako ng matagal, may mali ba sa sinabi ko? Tama naman diba?
"Lumaban si Mich, saksi rin ako doon" ngumiti naman ako kay commander
"Lumaban nga po sya pero hindi hanggang huli, kahit hindi ko pa sya nakikila, masasabi kong she's a weak girl, she's a type of girl or woman rather that can'decide on her own, maybe laging nakadepende sa magulang nya 'yung mga desisiyon nya kaya nag-give up sya kagad, kasi kung lumaban po sya edi sana sila pa rin po ngayon ni daddy Ken, edi sana hindi po sya umalis, edi sana hindi po sila nasaktan, edi sana masaya po sila ngayon ni Daddy Ken, pero ganun po talaga e, wala na tayong magagawa, nangyari na." sabi ko kay commander, napatingin naman ako sa phone ko at may message doon si mommy
From: Mommy
Hi sweetie, how are you? Behave ka ba kay yaya? I missed you. (:
Nagtype agad ako
To: Mommy
I missed you too, Mom, don't worry behave po ako kay yaya. I love you mom. Hugs ang kisses. ♡
-sentSorry sa pagsisinungaling ko mommy, hayaan mo paguwi mo sasabihin ko sayo lahat
"Hmm, nagtext ang mommy mo?" tanong sakin ni commander saka dumungaw sa cellphone ko
"Yup, nangangamusta lang po" sabi ko kay commander, saka napatingin ulit sa phone ko
From: Mommy
Great. Sige may work pa si mommy e, I'll call you later, okay? Take care sweetie, I love you more. :*
"Kiddo, masama magsinungaling, sabihin mo na sa mommy mo na nandito ka" huminga naman ako ng malalim bago nagsalita
"Pero commander, kapag sinabi ko kay mommy, hindi nya po ako papayagan" naguguilty na tuloy ako, feeling ko ang bad kong anak kay mommy
"Oh tapos na pala kayo kumain, tara na mamili ng gamit ni Snow" masayang wika ni daddy Ken, napatingin naman kami ni commander sa kanya
"Okay ka na po daddy Ken? Moved-on na agad?" tanong ko, napatawa naman silang dalawa ni commander
"Ikaw ang bata bata mo pa, kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo" sabi ni daddy Ken saka binuhat ako
"Niloloko mo naman kami e, siguro 65 years old ka na" dugtong nya pa, napasimangot naman ako do I look like 65 years old? Grabe naman!
"Daddy naman!" ngumuso ako
"Mukhang nabusog ka ah, bigla kang bumigat' napangisi na lang ako, ang sarap kasi magluto ni daddy Ken ng pasta and I can't believe na may sarili syang restaurant, infairness ang daming customers
Love•Hope•Believe
-RianneLJ
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---