Snow's Point Of View
"Goodbye Snow, see you" kumaway na lang ako kay Bea habang tumatakbo sya papunta sa sundo nya
"Nasan na ang sundo mo Snow?" tanong sakin ni Miguel, close na kami e, since pumasok ako kanina, kinausap na nila ako ng kinausap
"Hindi ko pa rin alam e, siguro natraffic" wika ko sa kanila, hinila ko ang de gulong kong bag at umupo sa waiting shed, tumabi naman silang kima sakin
"E kayo bakit di pa kayo uwuuwi? Nasan ang sundo nyo?" tanong ko sa kanilang lima, kapag sinabi kong lima sila Miguel, Kyross, Crimson, Brennon and Ryder
"Wala pa rin ang sundo ko e" wika ni Miggy saka nagkamot ng ulo, ang chubby ng cheeks ni Miggy tapos ang pula pula pa, ang sarap kurutin, nahahawaan na siguro ako ni Daddy Paxton, pinisil ko ang cheeks ni Miggy, hindi naman sya nagreklamo, kaya dinutdot ko ng dinutdot, napatingin naman ako kay Brennon
"Nakikisabay lang ako kila Miguel, magkapit-bahay lang naman kami e" tumango na lang ako
"Eh kayong dalawa, wala pa ba kayong sundo?" tanong ko kila Kyross at Crimson
"Nagpapabili pa ko sa sundo ko ng maraming lollipop, para bigyan ka, ang sabi ng daddy ko, kapag daw may crush ka, maging sweet daw ako, kaya bibigyan kita ng lollipop marami naman kaming pambili e" napangiwe na lang ako sa sinabi ni Kyross
"Ako naman, nandyan ng ang sundo ko, kaso hindi ka pa nakakauwi e, kaya iintayin ko na lang din ang sundo mo, dahil nga mas gwapo ako sa papa ko, iintayin ko munang makasakay sa sa kotse mo, moves yun ng gwapo e" napakunot ang noo ko, si daddy Charles ba ang tatay neto? Wala e, kinabog si daddy
"E ikaw Sandwich Stealer, bakit di ka pa nauwi?" tanong ko sa kanya, kanina pa yan tahimik sa tabi ni Brennon
"Tinakasan nya na naman siguro ang sundo nya" wika ni Miggy
"Tinakasan?" takang tanong ko
"Laging mag-isang umuuwi si Ryder sa love house, ayaw ng may kasabay e" wika naman ni Brennon
"Bakit?" pinagtaasan nya naman ako ng kilay
"Bakit ka ng bakit? Ano bang pake mo, ugly bunny? Nasaan na ba ang sundo mo? Bakit ang tagal-tagal? Dadating pa ba yon?" kinagat ko naman ang braso nya
"Awww, bakit ka ba nangangagat? Tingnan mo bumaon 'yung ngipin mo" pagiinarte nya
"E bakit ba mas naiinip ka pa kesa sakin? Hindi naman ikaw ang susunduin ah" iling-iling na wika ko sa kanya
"Tsk, antagal tagal naman, kaya di ako makauwi e" aba? Sino bang may sabi na tumigil sya dito? Abnormal talaga ng isang to
"Bubwit!" napalingon ako sa tumawag nakita ko si daddy Bryan na hingal na hingal
"Sorry traffic" wika nya
"Okay lang po daddy" dinala ni daddy ang bag ko saka napalingon kila Miggy
"Hello po" bati nilang apat as usual maliban na naman kay Ryder, galit yan sa tao e
"Sino ang mga yan?" taas-kilay na tanong sakin ni daddy Bryan
"Ah si Miggy po daddy, si Brennon and Ryder at si Crimson and Kyross, mga kalaro po namin ni Bea" isa-isa ko silang pinakilalala
"Ah, sige mauna na kami sa inyo mga bata" aalis na sana kami ni daddy nang bigla akong tawagin ni Kyross
"Snow, lollipop for you" inabot sakin ni Kyross ang isang bungkos na lollipop na milkita
"Salamat dito Kyross, ba-bye senyo" binuhat ako ni daddy Bryan
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---