》》》Shawn's Point Of View
"Hello daddies! Look may dala kaming pizza!" napaangat naman ako ng tingin sa bagong dating, automatic na tumingin ako doon sa dala-dala nilang pizza
"Nandito na 'yung bubwit mga bro" pinaghahampas ko kila Charles at Paxton na natutulog sa sahig
"P*ta rinig namin bro" sambit sakin ni Paxton at ginantihan ako ng hampas
"Narinig ko 'yun daddy Paxton, amina po ang 100 pesos nyo and daddy Shawn, Snow po ang pangalan ko, S-N-O-W po hindi po bubwit" sabi nya sakin saka nilapag 'yung dala nyang pizza sa maliit na table namin, agad agad kong tinanggal ang tali neto
"Bubwit ka pa rin sa paningin ko, na may dalawang malaking ngipin sa harapan at may dalawang malaking tenga" sambit ko sa kanya, pinagsingkitan nya naman ako ng mata
"Rabbit po ang tinutukoy nyo daddy, RABBIT po hindi po BUBWIT" sabi nya sakin, napatingin naman ako sa mga kasama ko na nagpipigil ng tawa, sige sana mabulunan kayo mga gago!
"Nabago na" sabi ko sa kanya saka dumampot ng pizza
"Nasan si commnader at si Ken?" tanong ko sa kanya
"Nagdedate pa" sabi nya saamin
"ANO? DATE? ABA'T ANG GAGONG YON, INAAGAWAN AKO" sigaw ni Paxton, aga syang tumayo at tinaas ang manggas ng suot-suot nyang polo, aish nagsabi ang hindi gago, e magkakauri naman silang lahat
"Pusanggala ka tol! Lakas mo sumigaw" wika ko sa kanya, saka binato ng hot sauce
"Hay naku! Daddy Paxton 200 pesos na, akin na po multa nyo, mamaya magkalimutan pa tayo, edi lugi ako" anak ng?! May future ang batang to, magaling magnegosyo e, kumuha naman ng 500 daan sa wallet si Paxton
"Oh ayan dinagdagan ko na, sabihin mo lang sakin kung saan pumunta ang unggoy na Ken na 'yun at si commander" nagkatinginan naman kami ni Charles, at nakita kong napairap 'yung bubwit
"Hahaha ano tingin mo bro, papatulan ka ni commander? hahaha kawawa ka naman" natatawang wika ni Charles kaya napatawa na rin ako
"Hah! Di hamak naman na mas gwapo ako kay Ken, at si Ken, bilbil lang ang meron dun, ako merong abs take note absss, 8 packs mga bro!" pagmamayabang samin ng mokong, nagkatinginan ulit kami ni Charles saka humagalpak ng tawa
"Hindi abs hanap ni commander, PAGKAIN dude, e ikaw ni hindi ka nga marunong magluto e, noodles na nga lang iniiga mo pa, hahaha ginawa mong dry noodles" natatawang wika ko sa kanya, nagapir naman kami ni Charles
"Sa ngalan ng pag-ibig ko kay comman--"
"Ano na namang katarantaduhan ang pinagsasabi mo Paxton, tulungan mo nga kami ni Ken" napatingin naman kami sa pintuan kung saan maraming dala si Ken at si Commander
"Nag-grocery kayo?" tanong ni Bryan na kagigising lang galing kwarto, at agad sinilip ang mga dala-dala ni commnader, isa pa din 'tong ungas e, magaling lang kapag may grocery, sarap sipain
"Hindi dude, basura lang yan, pinulot nila sa daan" sabi ko kay Bryan, sinamaan nya naman ako ng tingin
"Thanks sa credit card ni pareng Mark, pinahiram nya samin" sambit samin ni Ken nagkatinginan naman kaming lahat
"Kay Mark na pera ang pinambili nyo ng lahat na to? Kay pareg Mark as in kay Pareng Mark Evans Collins? Seryoso kayo? Imposible" sumangayon naman ako sa sinabi ni Paxton, napakalaking imposible, naranasan nga naming magutom dahil hindi kami pautangin ni pareng Mark ng pagrocery, kahit gwapo kami este ako lang pala ay nawawalan din kami ng pera, paminsan-minsan
"Oo basta para daw kay Snow, okay lang daw, pero syempre dahil napakabait kong kaibigan, nagsingit ako ng mga chichirya para sa atin!" nagkatinginan ulit kami tapos saka napatingin doon sa bubwit na ngayon ay nakadekwatro habang nanonood ng tv
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---