Chapter 5: THE INTERROGATION

1.9K 55 0
                                    

》》》Charles's Point Of View

Anak ng tokwa! Alam kong gwapo ako pero hindi ko akalain na sa sobrang gwapo ko magkakaproblema ako ng ganito kalaki!

"Ano yon?" tanong samin ni Commander, nagkatinginan kaming lahat, parang bigla akong nanlamig

"Aso"

"Pusa"

"Daga"

"Multo"

Sinamaan nya naman kami ng tingin, kingina bigla akong pinagpawisan ng malamig

"Mga gago! Alam kong sigaw yun ng bata" pakiramdam ko tumakas na ang kaluluwa ko sa katawan ko

"hehehe ringtone ko lang yun" sabi ko sa kanila

"Ringtone? Ang huli kong natatandaan careless whisper ang ringtone mo" anak ng?! Pati ba naman yun alam nya, napakamot ako ng pisngi

"Aaaaaah" napasapo na lang ako ng noo? Ano bang problema ng pulubing yon? Bakit sigaw ng sigaw?

"Hehehe kapapalit ko lang ng ringtone kanina, teka sasagutin ko lang yung tawag" sabi ko sa kanila saka dali-daling nagtungo sa kwarto ni Pareng Mark, pagkadating na pagkadating ko ni-lock ko kagad ang pinto sisigaw na naman sana sya pero buti na lang maagap ang kamay ko at naitaklob ko kagad sa bibig nya

"Putspa! Ano problema mo pulubi? Diba sinabi na sayo kanina na hwag kang maingay! Anak naman ng tokwa! Oh-oh, mapapahamak kami dahil sayo!" sinamaan ko sya ng tingin

"Mmmm-mm" binitawan ko na 'yung bibig nya, pinaglakihan nya ko ng mata

"Eeew daddy Charles, ano bang hinawakan mo? Bakit ang baho baho ng kamay mo" sinamaan ko sya ng tingin

"Hwag na hwag mo kong matatawag na daddy, masyado akong gwapo para magka-anak ng katulad mo" sabi ko sa kanya, tumingala naman sya sakin, saka nagcross-arm

"Hah! Excuse me lang po, masyado rin naman po akong maganda para magkadaddy na katulad nyo po" sabi nya sakin at binelatan pa ako? Anak ng! Papano nya nagagawang sabihin yon sa harap ng napakagwapo kong mukha, isa itong malaking suntok sa aking kagwapuhan, tsssk

"Charles buksan mo ang pinto!" napalingon kaming dalawa sa pinto

"Anak ng patola! Tago-tumago ka" naghanap ako ng pwedeng matataguan

"Doon sa ilalim ng kama" turo ko sa kanya

"Ayoko nga, baka mamaya tabihan ako dyan ni Sadako" sinamaan ko sya ng tingin

"Hwag ka mag-alala, mas nakakatakot ka pa kay Sadako, kaya bilisan mo magtago. Kapag kami nahuli-huli ni commander malalagot ka talaga saking bata ka!"

"Ang mean mo! Isusumbong kita kay mommy" mas lalo syang nagmatigas

"Saka mo na ako isumbong, basta magtago ka muna"

"Charles Seltzer! Isa..." p*ta!

"Magtago ka na!" putspa nakakabanas ang batang to!

"A-Y-O-K-O, ang alikabok po kaya dyan sa ilalim, mabuti kung vinavaccum nyo man lang, mamaya masurot pa po ako dyan" ang arte naman ng pulubing to, binuksan ko ang closet ni Mark

"Pumasok ka na sa loob" utos ko sa kanya

"Ayoko nga baka mamaya makarating ako sa narnia" daming alam, napahawak na ko sa tungki ng aking ilong, nasstress ang kagwapuhan ko, langya!

"Dalawa..." hinila ko sya sa kama saka tinakluban ng kumot

"Tatlo" sabay bukas ng pinto

"Nasan na 'yung bata?"

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon