Chapter 45: I WANT TO BE...

1.5K 37 2
                                    

Snow's Point Of View

"Once upon a time there was an island where all the feelings lived together. One day there was a storm in the sea and the island was about to get drowned."

          Habang nagkwekwento si Teacher Mich, nagdradrawing lang ako sa notebook ko, kelan kaya babalik si daddy Paxton, dalawang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin sya bumabalik, kaya tuloy parang laging highblood si commander, atsaka malapit na rin ang birthday ko, gusto ko kompleto kami, kaso bago ata ako magbirthday kelangan ko na ulit bumalik sa Batangas, baka kasi umuwi na sila Grandmie, baka pagalitan ako kapag hindi nila ako nadatnan sa mansion, ang iniisip ko lang ay kung paano ako makakabalik, alam ko namang hindi ako papayagan nila daddy, mas lalong naging mahigpit si daddy Mark sakin, sa lahat ng pupuntahan ko lagi na lang akong may kasamang bodyguard. Hayst. Napatingin naman ako sa drawing ko, nilukot ko ito saka nagdrawing ulit ng panibago, hays gusto ko ng umuwi, inaantok lang naman ako dito sa school e.

"Every feeling was scared but Love made a boat to esacape. Every feeling boarded the boat only one feeling was left. Love got down to see who it was. It was EGO. Love tried and tried but Ego wasn't moving. Meanwhile the water was rising too."

          Napatingin naman ako kila Bea na mukhang enjoy na enjoy sa pagkwekwento ni Teacher Mich, the story is all about Love and Ego, ilang beses na iyan nakwento sakin ni grandmie to the point na mamemorize ko na ang buong kwento, muntik ko ng makalimutan mahilig magkwento si Grandmie, nakakamiss tuloy bigla sila grandmie? Ang sungit sungit naman kasi ni Madam Margarette buti na lang si Lolo Jasper, mabait. Kay Bea lang mabait si Madam Margarette, hindi pa rin kasi sya naniniwala na anak ako ni daddy Mark, hindi ko naman sya masisi e, totoo naman na hindi talaga ako anak ni daddy Mark, naalala ko tuloy 'yung narinig ko kila daddy Bryan, ang pinagtataka ko lang, si Amanda ba at si Mommy ay iisa? Atsaka bakit kilala sya ni daddy Bryan? Atsaka napapadalas na rin ang pagpunta ni daddy Bryan sa hospital, nakakapagtaka lahat ng kinikilos nya, sinusundan kasi namin ni daddy Charles twing uwian ko, dahil pati raw sya naghihinala na rin. Wala namang nababanggit samin si daddy Bryan kapag nasa bahay, normal lang sya gumalaw.

"Snow" hindi kaya may nililigawan si Daddy Bryan sa hospital? Si Miss Luna? Pero kay Daddy Xenon yun diba? Atsaka diba jowa nya si Ate Erin, ang komplikado naman? Teka kelan pa ko naintriga sa lovelife ng iba? Kelan pa ko naging Boy Abunda?

"Snow White" speaking of ate Erin, ang tagal nya ng hindi bumibisita sa bahay ah, kamusta na kaya sya?

"Snow White are you listening?" hindi kaya break na sila ni daddy Bryan? Kaya ba si Miss Luna naman ang nililigawan ni daddy Bryan? Pero hindi naman namin nakikita na magkasama si Miss Luna atsaka si daddy Bryan e, sasama pala ako minsan kay Daddy Bryan, feeling ko may kakaiba talaga sa kanya lately

"SNOW WHITE!" napatingin naman ako kay Teacher Mich, na titig na titig sakin

"Po?" tanong ko, napatingin naman ako sa mga kaklase ko na nakatingin sakin

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sakin ni Teacher Mich, saka lumapit sakin saka hinipo ang noo ko

"Hehehe okay lang po ako" wika ko kay Teacher Mich saka sya nginitian

"Are you listening?" tanong nya naman sakin saka ako pinagsingkitan ng tingin

"Op-opo naman po" wika ko kay Teacher Mich, geeez minsan talaga kahit mukhang angel si Teacher Mich nakakatakot rin, ganito ba talaga ang tipo ni daddy Ken? Speaking of daddy Ken, wala na kong update sa lovelife nya ah, nakapagmoved on na kaya sya?

"Sige nga, kung nakikinig ka nga, saan tumigil ng pagkwekwento si Teacher Mich?" tanong naman sakin ni Ryder, akala ko bati na kami? Bakit ako pinahahamak ng isang to? Hindi ko na isasauli ang sapatos nya! Bahala sya magpaa forever grrr Hmph. Inisip ko naman kung saang line tumigil si Teacher Mich

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon