》》》Xenon's Point Of View
Napanganga naman ako sa sinabi nung batang pulubi kay commander, matatanggap ko pa kung si Shawn lang ang tinuturo nya pero bakit ako nadawit dito? Bigla namang tumingin saamin si commander, with matching taas pa ng kilay! P*ta, nasa panganib na naman kami! Anak ng tokwa! Sinapok ko ang ulo ni Shawn
"Hoy gago! Umamin ka na nga, na anak mo ang batang yan" sinamaan nya ko ng tingin
"Umamin nga kayong pito sa akin, sino sa inyo ang tunay na ama ng batang to!?" una nyang tinignan si Ken
"Phew! Commander kalma! preservative ako, atsaka strict ang parents ko kaya imposible na maging ako" sabi ng loko ng may pagtaas pa ng kamay, tumingin naman si commander saakin
"Masyado akong busy atsaka 6 years na akong hindi humahawak ng babae, kaya imposible rin na ako" bigla naman akong binato ni Charles ng unan
"Gago! Kaya pala nakita ko kayo ni Stacey sa kwarto mo! Wag kami dude!" sinamaan ko sya ng tingin, pinagsingkitan ako ng mata ni commander saka kay Paxton bumaling, nakahinga ako ng maluwag, alam nyo yung tingin na parang nakakapatay, ganun yung tingin ni commander parang invisible knife, korni man pakinggan pero mala-ganun talaga sya makatingin
"Oh cmon commander? Ako? Ama ng batang yan? Alam mo namang loyal ako sayo babe" sabi nya at may pagkindat pa kay commander, bigla naman syang hinampas ni commander ng walis tambo na hindi ko alam kung saan galing, lumingon naman sya kay Charles
"Alam kong gwapo ako pero kahit saang anggulo ko pa tingnan, malabo talaga na maging anak ko ang batang yan" binato ko ng unan si Charles, nakakabanas kasi 'yung dahilan nya
"Wala akong kilalang Winter White, atsaka bakit ba ako nasasangkot sa kagaguhan ni Shawn, hoy! Gagawa-gawa ka ng anak tapos hindi mo pinapanagutan! Anong klaseng ama ka dude?" sabi naman ni Bryan na syang sinagayunan ko, tumikhim naman si commander saka seryosong tumingin kay Mark
Nagkibit balikat lang sya at humikab ng napakalakas saka lumabas ng kwarto
"Sa tingin mo bro, posible kayang si pareng Mark ang tatay ng batang yan?" tanong samin ni Ken at may pagturo pa sa batang kasalukuyang kinakausap ni commander
"Papano mo naman nasabi? E malinaw na malinaw na si Shawn ang tatay"
"Isa pang imik Xenon, at lilipad sa mukha mo ang kamao ko" nginisian ko lang sya, pikon ang gago!
"E kasi, kanina pa syang tahimik, at wala man lang violent reaction" sabi pa ni Ken na mukhang nag-iisip
"Pero papano naman mangyayari yun, maniniwala pa ko, kung si Shawn ang pinagsusupetsyahan mo e, pero si Mark malabo talaga pre" sabi naman ni Paxton at wala pa isang segundo nakabingo na si Shawn ng suntok sa mukha nya
"Putspa ka Shawn!" sinamaan nya lang kami ng tingin saka nagwalk-out ang mokong
"Atsaka may inaantay yun diba? Si Amanda?" sambit naman ni Bryan
"Anim na taon ng umalis si Amanda! Malay mo may naka-toot na pala si Mark tapos ayun si Snow ang kinalabasan" wika ni Charles, loko talaga ng gung-gung na to! anong naka-toot? Isip talaga ng gagong to, parang munggo, bukod sa maliit, berdeng berde
"Ganun ba?" napabaling naman kaming lahat kila commander at doon sa bata na kasalukuyang umiiyak, the f? Don't tell me...
"Dito muna sya titira, hanggang hindi pa natin alam kung sino at nasaan ang tatay nya, atsaka pumayag ka na daw Paxton" sabi ni commander sa amin kaya napalingon naman kaming lahat kay Paxton! the f*ck?!
"Pumayag ka dude?" napasapo na lang ako ng noo
"Napilitan ako mga dude! Binalackmail nya ko, hindi raw sya magtatago hanggang hindi ako pumapayag kaya ayun napilitan ako" tsss wala rin namang saysay ang pagtatago namin sa kanya, wala! Nahuli rin sya ni commander, nakatanggap pa din kami ng hampas at pamatay na tingin
"So from this day dito muna sya titira, and don't worry boys bibisita ako araw-araw dito, para tulungan kayo sa pagaalaga sa kanya" sabi nya sa amin saka nagpaalam na dahil may aasikasuhin pa raw sya, nagkatinginan naman kaming lima, ganun na lang ba yon? Ganun na lang ba yun kadali? Damn!
"Anak ng pusanggala! Narinig nyo ba 'yung sinabi ni commander? Bibisita daw sya dito, araw-araw?Hah?! Narinig nyo ba yun mga dude? Narinig nyo ba? ARAW-ARAW! araw-araw yun mga dude, edi ibig sabihin martial law na naman ang sistema ng bahay natin!" sabi samin ni Ken na may paghahampas pa samin, binato sya ng unan ni Bryan
"May tenga kami dude! Malamang narinig namin! Pustpa ang OA mo bro!" singhal sa kanya ni Bryan
"Ano ng gagawin natin sa batang yan?" napatingin naman kaming lahat kay Snow na nakatingin saaming lima, huminga ako ng malalim bago magsalita
"Wala na tayong magagawa naandito na, 'yung bata, patirahin na lang natin" sabi ko sa kanila saka sumandal sa inuupuan ko, ayaw daw padala ng presinto, ayaw bumalik sa kanila, alangan namang itaboy namin to sa labas?
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Xenon?" sambit naman sakin ni Bryan, nagkibit balikat lang ako saka pumikit, tangina medyo inaantok pa ko
"Patitirahin natin? Tapos ano? Tayo ang magaalaga? P*ta! Hindi bahay ampunan ang bahay na to Xenon!" galit na sambit nya samin, napasilip naman ako sa bata na nagsalpak ng headphone sa tenga saka tumalikod sa dereksyon namin, meron talagang kakaiba sa batang yun
"Anong gusto mong gawin natin bro, paalisin natin 'yung bata?" sabi naman ni Paxton
"Papano kung totoo nga yung sinasabi nya bro, na isa sa ating tatay nya, papano kung ikaw? Hindi mo ba naisip na posible nga 'yung mga sinasabi nya? Nakakaawa naman kung palalayasin natin" sabi naman ni Ken kay Bryan, sinenyasan ko si Paxton na ilabas muna ang bata, lumapit naman si Paxton kay Snow at mukhang may sinabi at sabay na silang lumabas
"Damn this si bullsh*t" inis na sigaw ni Bryan at dumapa sa kama ni Mark
"Baby sitting for two months, seryoso kayo?" dugtong nya pa
"Wala tayong magagawa, pumayag na rin si commander" sabi naman ni Charles, bumukas ang pinto at niluwa noon si Shawn, Paxton at si Mark
"Dito muna titira ang bata" malamig na wika sa amin ni pareng Mark, nagkatinginan naman kaming lahat
"Sya si Pareng Mark. Magaling mag-desisyon si Pareng Mark. Tularan si Pareng Mark!" sinamaan namin ng tingin si Charles
"Gago!" singhal ko sa kanya
"Gago man sa inyong paningin, aba wala akong magagawa paningin nyo yan e! Basta alam ko sa sarili ko na gwapo ako! Gwapo ako!" binato sya ni Ken ng tambo at saktong sa mukha ito tumama, napailing na lang kaming lahat, saka isa-isang lumabas sa kwarto
"Wala naman tayong magagawa, kapag si Pareng Mark ang nagdesisyon, tapos na kagad ang usapan, kapag hindi sumang-ayon edi walang bahay" bulong nya pa sakin, hindi ko pinansin ang sinabi nya, napatingin lang kami sa bata na nakangise na nakaupo sa sofa
"Hello mga daddies! So ano na? Payag na kayo?" masayang tanong nya samin, napabuntong hininga ako saka ngumiti sa kanya
"Bakit bata, kapag ba sinabi naming hindi kami payag, aalis ka na dito?" tanong ni Bryan ngumiti naman sya ng malapad saamin
"Syempre hindi! Sabi ng grandmie ko 'Don't give up easily! Try and try until you die' so yes or no man po ang sagot nyo wala na po kayong magagawa, pipilitin ko po kayong lahat hanggang sa pumayag kayo" sagot nya samin, bigla namang pumalakpak si Ken
"Ibang klase talaga mga dude! Ang taas ng confident ng batang to, parang si Charles, hindi kaya si Charles ang tatay ng batang to" napatingin naman kaming lahat kay Charles, bumuntong hininga naman sya na parang sumusuko
"Oo inaamin ko, anak ko sya. Anak ko si Snow White" seryoso nyang wika, nagkatinginan kaming lahat! Anak ni Charles?
Love•Hope•Believe
-RianneLJ
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---