Chapter 25: FIRST DAY

1.7K 53 1
                                    

Paxton's Point Of View

Kagwapuhan ko na lang ba ang maganda sa morning? Bakit ba kasi wala si commander? Ang aga nya naman umalis. At bakit ba ang sakit sa tenga ng makabasang pinggan na boses ni bubwit?

"Daddy naman e! Ayoko nga pumasok sa school!" napapikit ako sa matinis na boses ni bubwit at may pagpadyak pa ng paa, poor ears =_=

"Bakit ba ayaw mong pumasok sa school?" tanong ni Xenon na halatang naiirita na

"E kasi po ang baduy po ng uniform! Atsaka ang init pa" nagmana talaga sa unggoy na si Charles ang batang to

"Bagay naman sayo ang uniform mo ah, mukha kang rabbit na may uniform" sinamaan namin ng tingin si Charles

"Tingnan nyo yan! Si daddy Charles na mismo ang nagsabi na mukha akong rabbit" pinagsasapok namin si Charles

"Bakit totoo naman ah"

"Subukan mo pang umimik Charles" pagbabanta ni Bryan

"hayyy Daddy hindi ko na kelangan pa pumasok sa school, alam ko na ang mga ituturo doon ng mga teachers" wika nya samin habang pinangigilan nya ang name tag na ginawa ni Charles

"Alam mo bang ang daming bata ang gusto makapag-aral tapos ikaw na nga tong may oppurtunity na makapasok ayaw mo pa?" Wow just wow kay Shawn pa talaga nanggaling ang mga katagang iyon? napasimangot naman sya

"Edi sila po ang pag-aralin nyo" anak ng?! Napasapo na lang ako sa noo, ang tigas ng ulo nya

"Believe me daddy, kung kayo ang nasa sitwasyon ko mas pipiliin nyo na magtrabaho na lang kesa mag-aral" sambit nya at nagpapadyak

"Mahalaga ang pag-aaral Snow, atsaka maganda ang magiging adviser mo, maniwala ka sakin" wika ni Ken, palibhasa si Mich ang magiging adviser ni Snow

"Alam ko naman po na napakahalaga ng pag-aaral pero argggh mga daddy naman e! Magkakaroon ako ng maraming assignments, maraming projects, magagawa ng speech at ng essay, magsosolve ng problems sa math, equations, algebra, trigo, at marami pang nakakasakit ng ulo kung saan dudugo talaga ang utak ko, magkakaroon ako ng mga periodical exams, quizzes, long test na 1 to 60 tapos short test na 1-40 tapos puro identifications at essay, magbabasa ng story tapos may mga sasagutang tanong kung sino ang mga tauhan, antagonist, protagonist, buong plot, setting, moral lessons, author purposes at maraming maraming activities, magagawa ng thesis, ng mga plates, ng report, tapos magpapaliwanag kung bakit humihina ang ekonomiya ng bansa, pag-aaralan ang mga patay ng tao at kung ano ang mga inambag nila sa mundo, ang mga pambansang hayop, pambansang laro, pambansang bulaklak at maraming pang iba mga pambansa, mga presidente ng Pilipinas, mga scientist, inventors, kung saan nagmula ang tao, mga stars, planets, sun, buong solar sytem, different systems in our body, digestive sytem, circulatory sytem, nervous system, skeletal system at maraming pang system sa ating katawan plus nerve cells, platelets, red blood cells, white blood cells, ibat-ibang cells, DNA, mga ibat-ibang hayop, eco sytem, mga halaman, different disease, physical activities katulad ng mga sports, badminton, volleyball, basketball, soft ball, soccer at ibat-ibang laro kung saan ako pagpapawisan, mga sayaw, at napakamarami pang ibang pag-aaralan daddies, hindi ko lahat maisa-isa sa inyo sa sobrangggg dami! At mababawasan na 'yung oras na makakasama ko kayo, remember two months lang ako dito at meron na lang akong 3 weeks and 1 month. Tapos most of my time sa school ko pa iaalay! Huhuhu pumayag na lang po kasi kayo na dito na lang ako sa bahay, behave lang naman po ako e! I promise! Please! Pretty pretty me please." sa sobrang haba ng sinabi nya napanganga na lang kami, una ng nagsalita si Shawn

"Bubwit, kinder ka pa lang at yang mga sinasabi mo, sa highschool at college mo pa mapag-aaralan" napaupo kami sa sofa, ngumuso naman sya

"Kahit na. Pano na lang kapag pumasok ako sa school, pagkakaguluhan po ako doon, dahil maganda ako, tapos maraming maiingit at aawayin ako! Huhuhu balita ko pa naman maraming bully sa school, pano na lang ako mga daddy?" kuhang-kuha nya talaga ang ugali ng unggoy na si Charles

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon