Chapter 61: THE PLAN

3.1K 80 117
                                    

》》》Paxton's Point Of View

"Magkano ang pusta mo, Charles?" tanong ko kay Charles, hawak-hawak ko ang papel habang inaantay kung magkano ang pusta nya

"1k" mayabang na wika nya saka ngumisi, aba mukhang yumayaman na ang isang to ah

"E kayo?" umayos naman ng upo si Xenon, at mukhang sobrang pinakaiisip kung magkano ang ipupusta

"Ang yabang mo Charles, saan ka mo naman nakadekwat ang 1k mo?" ngumisi lang sya at naglapag ng isang libo

"Anong dekwat? Kaswesweldo ko lang mga gago! Atsaka siguradong sigurado ako na warak ang kama ni Pareng Mark! Rawrrr" binato ko sya ng remote

"Hahaha gago!" inilista ko ang 1k nya

"Totoo naman! Ilang taon din naging tigang si pareng Mark, kaya yata yun laging masungit, tigang na tigang sa sex life" binato naman sya ni Xenon ng lata ng root beer

"Bunganga mo, unggoy!"

"Oh sige pupusta ako sa pusta ni Charles, magkakaroon na ng kapatid si bubwit, 5k" natatawang wika ni Xenon, sabay lapag ng pera, ang yayabang ng mga to ah, gumagalante, ano bang pinagkakaabalahan ng mga to ngayon? Sinulat ko ang 5k sa tabi ng pangalan ni Xenon

"Yayabang nyo! Ha! Sakin din naman mapupunta ang mga pera nyo!" nakangising wika ni Shawn

"Wala ka pa ngang pusta tapos sayo agad? Ano bang pusta mo?" tanong ko naman sa kanya

"Hindi sila magkakabalikan, anak ng tokwa walang poreber! Mga gago kayo palibhasa masasaya kayo sa mga lintek nyong lovelife! 8k ang pusta ko mga gago! Hmmm May bago na naman yata akong pambili ng sapatos" mayabang na wika nya sa amin, humagalpak naman kami ng tawa

"Alam mo Shawn, honey... tumingin ka lang sa napakagwapo kong mukha at makikita mo ang forever" babakla-baklang wika ni Charles, humagalpak kami ng tawa

"Palibhasa walang jowa na pagkakagastusan, sa sapatos na lang daw nya ibubuhos ang kanyang pagmamahal, langya bro hampasin kaya kita dyan ng amplaya" natatawang wika ni Ken

"Dahan dahan sa pusta Shawn, baka maiyak ka lang sa huli" natatawa ko namang wika, baka kung nagkataon, lugi na nga sya sa lovelife pati ba naman sa pustahan? Kawawang nilalang

"Hah, bakit gaano ba kayo nakakasiguro na walang iba si Amanda, anim na taon yun mga gung-gung! Six years!" ang bitter ng unggoy na to

"Dahan dahan sa pananalita Shawn Fleming, kung malas ang lovelife mo hwag mong idamay ang lovelife ni pareng Mark! Masyado kang mapait men! MAPAITTT! Atsaka may Snow na sila kaya sigurado akong magkakabalikan na sila!" ang laki kaya ng ipinusta ko, apat na libo rin yun

"Hindi nyo rin masasabi, bakit kayo ba si Amanda? Kayo ba si Pareng Mark?" ngumisi na lang ako kay Shawn, palibahasa walang lovelife

"Dahil mabait akong kaibigan, dadamayan ko si Shawn, pupusta ako ng 700, alam ko namang talo si Shawn kaya 700 lang ilalapag ko, for cooperation yan mga bro" wika ni Ken at naglapag ng pitong daan, amputs? Bat nagsayang pa ng 700 daan ng gagong to? Pang-gasolina din to, dibale na sakin rin naman yan mapupunta, tinitigan ko yung lista

Gwapong Paxton- 4k
Unggoy na Charles- 1k
Gagong Xenon- 5k
Hari ng Orangatan- 8k
Gago the second (Ken)- 700

Bale kami ni Charles at Xenon ang magkakampi, tapos si Shawn at Ken naman ang magkakampi, kung mananalo kami paghahatian naming tatlo ang pera nila Shawn at Ken na 8, 700, kung sila naman ang mananalo na mukhang imposible mangyari, sa kanila naman mapupunta ang aming 10k aba! Malaki laki din, pero imposible naman na sila ang mananalo, kaya kampante pa rin ako, bibilhan ko ng bagong sapatos si bubwit kapag kami ang nanalo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Snow White and Her Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon