Snow's Point Of View
Hindi ko alam kung kelan pa nahilig magpunta si daddy Bry dito sa love house, ano bang ginagawa namin dito? Kelangan ko pang makausap sila mommy at daddy, sa totoo lang mas makulit pa si Daddy Bry kesa kila daddy Shawn
"Daddy! Paano kung hindi sila magkaayos? Paano kung umabot pa to sa korte, baka igigil ni mommy na kelangan sa kanya ako nakatira, tapos si daddy naman hindi makakapayag sa gusto ni mommy, kasi gusto nya sa mansion ako kasama nya, pero usually naman sa ina napupunta ang mga anak nila, paano na ko? Saan ako lulugar?" biglang nanlaki ang mata, oh my goodness
"Or worst baka sampahan kayo ni mommy ng kasong kidnapping? Shocks bakit ngayon ko lang yun naisip? Diba tumakas lang ako sa amin? Alam kaya ni mommy na ako ang may pasimuno ng lahat ng 'to? Halaa daddy mga magagaling pa naman ang abugado namin! Si Atty Dizon atsaka si Atty Marasigan! Shocks! Magaling sa gigilan ang mga yon, kaya kung ako sa inyo daddy humanap na kayo ng attorney, may irerecommend ako sa inyong attorney, sabi ni Cindy, attorney daw yun ng papa nya, ano nga ba yung surname nun? Ah si Atty Guevarra! Tama! Tama! Don't worry daddy, ijujustify ko kayo, ang kaso baka hindi na ko palapitin sa inyo, shocks! Sabi na e dapat inisip ko munang mabuti ang lahat bago ako tumakas noon sa Batangas, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana--" natigil naman ako sa pagsasalita nang biglang pinitik ni daddy ang noo ko
"Hwaah daddy Bry? Bakit mo ko pinitik?" ngumuso ako sa kanya, tinakluban ko naman ang noo ko, baka mamaya mapitik na naman
"Anong kaso ang pinagsasabi mo? Atsaka attorney? Saan mo ba napupulot yang mga pinagsasabi mo bubwit? Kanina ka pa ha, diba sabi ko naman sayo labas ka na sa away ng mga magulang mo, wala ka bang tiwala sa kanila?" napabuntong hininga naman ako, mukhang triggered na si Daddy Bry, di na nga ako iimik
Sinalubong kami ni Sister Therese, kasama nya si Ryder, busangot ang mukha nya habang nakatingin kay Daddy Bry
"Mr. Decker, napabisita po ulit kayo?" napataas naman ako ng kilay, napabisita? Atsaka ulit? Palagi bang pumupunta dito si daddy? Bakit outdated na yata ako sa kanya?
"Sinamahan ko lang po si Snow, gusto raw makipaglaro kay Ryder" kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi ni daddy Bry? Makipaglaro? Duh? May problema ang parents ko tapos sasabihin ni daddy makikipaglaro ako?
"Ah ganun ba, sige na Ryder doon na kayo sa playground, naku sir gusto nyo po ba mag-tsaa? Tuloy po kayo sa loob" ngumiti lang sakin si daddy at sumama kay Sister Therese papasok sa loob ng orphanage
"Bunny..." taas kilay ko namang nilingon si Ryder
"May kelangan tayong pagusapan" seryosong wika nya sakin, nagkibit balikat na lang ako, sumunod lang ako sa kanya, umakyat sya sa tree house? Ay kelangan talaga sa tree house pa? Papahirapan pa kong umakyat, pero dahil wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya, umakyat na lang din ako, baka mamaya may ligaw na namang aso at bigla na naman akong habulin, nagulat ako pagakyat ko nandoon din si Crimson at si Cindy
"Hi Snow" tumabi ako kay Cindy, at nakiindian seat din
"Anong ginagawa nyo dito? Ayos na ba kayo? Buti pinapayagan na kayo ng magulang nyo umalis ng bahay nyo" wika ko sa kanila, hindi ko pa nabibisita si Bea pero ang balita ko hindi daw sya gaano nagsasalita
"Safe naman dito sa love house at isa pa may kasama akong bodyguard" wika ni Crimson, tumango ako sa kanya lumingon naman ako kay Cindy
"Nasa hospital ang magulang ko, masyadong busy sa kakambal ko kaya, di na nila mapapansin kung wala ako sa bahay, don't worry nagpaalam naman ako sa kapitbahay namin, sya na lang bahala magsabi kay yaya" wika nya naman at bumaling sa laptop na nasa harap nya, napatingin naman ako kay Ryder
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---