(A/N: Let's support our Fiona aka "commander" first time nya magkapoint of view so kelangan nya talaga ng suporta natin. *sabog purple hearts sa paligid* PS: Happy Reading Everyone from Commander Fiona)
Fiona's Point Of View
Nandito kami sa simbahan at kanina pa ko kinukulit ni Paxton kung ano daw 'yung secret na sinabi ko kay Snow, ang buong akala ko ay sinabi na ni Snow kay Paxton ang lahat ng sinabi ko sa kanya.
"Kapag hindi ka pa tumahimik Paxton, babatukan na talaga kita" pagbabanta ko sa kanya
"Babe naman" sinikuhan ko sya, kung wala lang talaga kami sa simbahan ay malamang kanina ko pa nagulpi ang isang to, kanina pa sya bumabe ng bumabe, nakakairita lang, mabuti sana kung ako lang ang tinatawag nyang babe pero nalaman ko na iyon din pala ang tawag nya sa mga babae nya. Hayst, anong tingin nyo kay Paxton good boy? E isang dakilang malandi din naman ang isang yan.
That's the reason kung bakit hindi ko pinapatulan ang mga pinagsasabi nya sakin, alam kong hindi lang ako ang sinasabihan nya ng mga nakakakilig na salita, alam kong hindi lang ako, marami kami.
Tandang tanda ko nung college pa kami sa sobrang dami ng babae na napaiyak nya ay hindi ko na mabilang bilang, hindi ata lalampas ang isang araw na walang babaeng iiyak sa kanya.
Aaminin ko na kung ako din naman ang mga nasa kalagayan ng mga babaeng yun ay maiiyak rin ako, sya kasi 'yung tipo na malandi na pa-fall, sasabihan ka ng sweet na salita tapos ikaw naman si tanga aasa, pagkatapos kapag nahulog ka na sa kanya saka ka nya iiwan, ganun! Ganung tipong lalaki si Paxton, hindi ko nga alam kung bakit sa dinaramirami ng lalaki sa mundo sa kanya pa ko nagkagusto.
Tumahimik na sya ng nagsimula ang mass. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin, papano kung si Paxton ang tunay na ama ni Snow, anong magiging reaction ko? Ang sagot hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung masasaktan ako o ano, pero sa loob ko umaasa pa rin ako na hindi sya ang ama. Nang natapos na ang mass nagyaya si Snow na pumuntang market market, dahil nauuto ni Snow si Mark ay agad na itong sumangayon, kaya sumama na rin kami, buti na lang talaga at hindi na ulit nagtanong si Paxton sa akin dahil kapag talaga ako naasar, gugulpihin ko talaga sya. Wala akong balak sabihin kay Paxton ang lahat ng sinabi ko kay Snow, mananatili yung sikreto basta hindi iyon sasabihin ni Snow. Naramdaman ko na lang na may humawak ng kamay ko.
"Commnader naiihi ako" wika sakin ni Snow, tumigil naman sila Paxton
"Saan namin kayo iintayin?" tanong ni Xenon
"Umuna na lang kayo sa Timezone" sambit ko sa kanila saka hinila si Snow sa comfort room
"Wait lang commander ha!" pumasok agad sya sa cubicle at hindi na ko pinagsalita pa
"Commander natatakot ka po ba?" wika nya, napakunot naman ang noo ko
"Natatakot saan?" takang tanong ko
"Natatakot magmahal." napatigil naman ako sandali
"Ikaw ang bata bata mo pa, puro pagmamahal na kagad ang iniisip mo" wika ko sa kanya, naghilamos ako ng mukha saka tinitigan ko ang sarili ko sa salamin
"Ano bang masama sa pagmamahal? Bakit ba hindi ko pwedeng isipin ang mga ganung bagay?" napangiti na lang ako bigla, naiimagine ko kasi 'yung nakakunot nyang noo, ang cute.
"Kasi bata ka pa" narinig kong nagflush na sya, pinunusan ko na rin ng towel ang mukha ko, pagkalabas nya kitang kita ko ang nakakunot nyang noo
"Ano naman kung bata pa ako? Kelangan ba maging legal pa 'yung age ko para isipin ang 'pagmamahal'? Ganun ba yun commander, atsaka 12 years na lang naman ah, malapit na ko mag-18." nakasimangot na wika nya sakin, kaya napatawa ako
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---