Snow's Point Of View
Nakakapagtaka lahat ng kinikilos ni daddy Bry, simula ng nagpunta kami ng hospital para syang wala sa sarili, muntikan nya pa ngang hindi ibaba si Ryder sa harapan ng love house e
"daddy okay lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya
"Weh? Hindi nga? E bakit po ang tahimik nyo? Ano po bang results ang kinuha nyo?" bigla naman syang namutla
"Tungkol nga pala sa pagpunta natin sa hospital, sana sa atin lang to, hwag mo na ipaalam kila Charles" positive, my fishy talaga
"Bakit po? Paano po kapag tinanong ako nila daddy? Anong sasabihin ko po? Atsaka ang sabi ni teacher Mich, Honesty is the best policy" napakamot sya ng ulo sa sinabi ko
"Ako ang bahala, ang kelangan mo lang gawin ay hwag kang umimik, ako ang bahala sumagot ng mga katanungan nila kapag dumating sila dito" kahit confused na confused ako sa kinikilos ni daddy tumango na lang ako
Nanood lang ako ng tv ng biglang sumulpot si daddy Charles sa unahan ng tv
"Bulaga! Bubwit! Namissed mo ba ang napakagwapo mong daddy?" tanong sakin ni daddy Charles sabay Jake Cuenca pose habang may hawak sya ng isang box ng pizza sa kaliwa nyang kamay at isang supot naman ng mcdo fries sa kanan, napataas ako ng kilay, sumulpot naman mula sa likuran nya si daddy Shawn na may dala-dalang siyam na coke floats. Tinitigan ko lang silang dalawa habang kumekembot sa harapan ko, bigla namang may nagtakip ng mata ko
"Anong ginagawa nyo? Ang lalaswa nyo, tumigil nga kayo sa pagsayaw dyan, mga mukhang unggoy naman" boses ni daddy Xenon, sabay tanggal ng kamay sa mata ko, hinalkan nya ko sa noo, tinitigan ko lang sila
"Bakit ang tahimik mo ngayon, bubwit?" tanong sakin ni daddy Shawn saka tumabi sakin, ganun na rin si daddy Xenon at daddy Charles
"May problema ba?" tanong ni daddy Xenon
"Inaaway ka ba ni madam Margarette? Binugahan ka ba nya ng apoy?" pinaghahampas nila daddy Xen at daddy Shawn si daddy Charles sa tanong neto
"Gago!" napataas naman ako ng kilay ng biglang nagmura si daddy Shawn baka akala nila nakakalimutan ko na 'yung agreement , nagpeace sign naman sya sakin, humalubaba lang ako saka sila tinitigang tatlo
"Bakit hindi ka umiimik? Napipi ka na ba?" napabuntong hininga naman ako saka sinilip ang kwarto ni daddy Bryan
"Sabi kasi ni daddy Bryan hwag raw akong umimik e" nanlaki naman ang mata ko saka napataklob ng bibig, sabay sabay naman silang napakunot ng noo saka ako pinagtaasan ng kilay
"Bryan!" tawag ni daddy Xenon, lagot na ko nito
"Problema nyo?" tanong ni daddy Bry pagkalabas ng pinto
"Sabi mo raw kay Snow, hwag umimik bakit?" ako lang ba ang nakapansin na ang OA ng pagkakatanong ni daddy Shawn, may pagluhod pa sya habang sinasabi 'yung "bakit?", baliw talaga sila daddy
"Sabihin mo sa amin bubwit, saan ba kayo galing? Kanina pa namin kayo inaantay pero wala pa rin kayo kaya bumili muna kami ng mga pagkain" litong lito na ko pero ang tama ang paniniwalaan ko, sasabihin ko kila daddy
"Galing po kami sa GreenHills General Hospital" kitang kita ko ang pagsapo ng palad ni daddy Bry sa noo nya
"Sorry daddy Bry, alam kong secret lang natin pero--"
"Secret?! Naglilihim na kayo sa amin? Pagkatapos ng pinagsamahan natin? Maglilihim lang kayo? You don't trust us Bry?" and that's it! Sinapok na ni daddy Bry si daddy Shawn na kanina pa nagdrama ng nagdrama
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---