Snow's Point Of View
"Couzzz" nageecho sa buong mansion ang napakalakas na sigaw ni Bea, nagtakbo ako papuntang kwarto saka nagtalukbong ng kumot, narinig ko namang bumukas ang pinto, napasimangot naman ako dahil hindi ko pala nalock ang pinto
"Couz, get up! Let's play" nanatili akong tahimik, maya maya ay yumugyug na ang buong kama kaya napabangon na ako
"Snow! C'mon!" napakamot na lang ako ng ulo
"Bea, will you stop jumping?" wika ko sa kanya, tumigil naman sya ng pagtalon saka tumabi sakin
"Takas tayo" wika nya, nanlaki naman ang mata ko
"Takas?" tanong ko sa kanya
"Yup, punta tayo sa park, mas maraming bata doon" wika nya saka nilock pa ang pinto ng kwarto
"Ganito ang plano" hininaan nya ang kanyang boses saka may nilabas sa kanyang back pack na parang mapa
"Saan mo naman nakuha yan?" tanong ko sa kanya, lumapit ako sa kanya saka tinignan 'yung mapa
"Hiniram ko kay papsi" wika nya, pinagsingkitan ko sya ng mata, hiniram? Imposible.
"Hiniram ba talaga?" ngumuso naman sya
"Okay! Okay talo na ko, honesty is the best policy nga pala, so yup kinuha ko to sa office ni papsi, pero don't worry isasauli ko rin to sa kanya" wika nya, this is the blueprint ng buong mansion, paano nya naman kaya nakuha ito?
"Dito si papsi nakapwesto kanina" wika nya, nilagyan nya ng "x" 'yung pwesto ng papsi nya, tumango ako sa kanya, kasama nya kasi si Uncle Keds papunta dito
"Tapos nandito naman nakapwesto si Uncle Mark" wika nya saka nilagyan nya ng "x" yung pwesto ni daddy Mark na medyo malapit kay Uncle Keds
"Tapos nandito si Lola Marga at Lolo Jap" wika nya, saka nilagyan ang mga lokasyon kung saan nakatayo kanina sila lolo
"May sampung guards na nakapalibot sa buong bahay, obviously hindi tayo makakadaan sa front door kasi malapit doon sila papsi, kung sa backdoor naman tayo dadaan, may dalawang guards na sasalubong satin" halatang saulong-saulo nya na ang buong bahay
"May tatlong guards sa main gate, may isang guard malapit sa pool at sa both sides naman ng mansion ay may tig-dadalawang guards at sa may parking lot may isang guard and may isang driver rin which is driver nila lola Marga" habang ineexplain sakin ni Beauty kung gaano karami ang nagbabantay para imposible na kaming makatakas dito, wait bakit ba kelangan naming tumakas? Mamaya mapagalitan pa ko ni daddy Mark, pero ang boring naman kasi dito e, makikisakay na lang din ako sa trip ni Beauty, kung mahuli kami, edi mahuli, we will fearlessly face our consequence pero kung hindi naman edi much better.
"Ang problema lang natin, is kung paano tayo makakalabas dito sa kwarto mo na hindi nila mapapansin" wika nya sakin, inilibot ko naman ang tingin ko sa buo kong kwarto, nahagip na aking mata ang bintana, tumayo ako saka lumapit doon, binuksan mo iyon at tinignan kung gaano kataas ang pagbabagsakan namin kung sakali dito kami dadaan
"Oh My Goodness Couz, don't tell me dyan tayo dadaan?" hindi makapaniwalang wika nya sakin, bigla syang pinamutlaan, nginisian ko lang sya
"Exactly" wika ko sa kanya, lumapit sya sakin saka sinilip ang pagbabagsakan namin
"Geez! Gusto mo bang mag-suicide couz? Oh please I have so many plan pa para sa future ko, I want to live pa, and please lang hwag kang tumalon dyan dahil kapag tumalon ka dyan and then namatay ka hindi ako patutulugin ng konsesya ko, so please maawa ka sa life mo and also I want you to know, that I love you, maging rabbit ka man " ang OA, at maging rabbit man ako? Aba! Binaliwala ko na lang ang pagdradrama nya
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---