Snow's Point of View
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan si daddy Shawn na pilit na ginigising si daddy Charles na nakahilata sa sahig
"Tumabi ka dyan iho, at ako ang gigising sa gagong yan" wika ng tatay ni Miss Xara, tinaas nya ang magkabilang manggas ng polo nya saka akmang susuntukin si daddy Charles
"Tatang!" tumakbo kagad ako kay tatang at hinawakan ang kamay neto, masyadong hot
"Kalma lang po!" napangiwe na lang sa amin 'yung doktor, nagdadalwang isip pa nga sya kung tatawag sya ng security guard or kung normal lang talaga sa amin ang ganito
"Daddy Shawn tumawag po kayo ng nurse" wika ko kay daddy Shawn habang tinatapik tapik ko ang pisngi ni daddy Charles
"Tumabi ka nga dyan bata, hwag ka ng tumawag ng nurse ako na ang magbubuhat sa gagong 'to" wika ni tatang kay daddy Shawn, tumabi ako at binigyan ng daan si Tatang, padabog nyang bunuhat si Daddy Charles kulang na lang ay ihagis nito sa couch si daddy Charles, napangiwe na lang kaming lahat
"Ako na lang ang kakausap sa doktor, at mukhang hindi mapapakinabangan ang gagong 'to" wika ni Tatang at sumama sa doktor, naiwan kami ni daddy Shawn at ng nanay ni Miss Xara
"Pasensya na kayo kay Zoro" wika sa amin ng nanay ni Miss Xara
"Nakita kasi niya kung gaano nasaktan at naghirap si Xara simula nung nagkahiwalay sila ni Charles" bigla namang sumingit si daddy Shawn
"Nako, madam naiintindihan po namin si Sir Ferrer, tingnan nyo naman po ang mukha ng ungas na yan, mukha pa lang hindi na katiwa-tiwala" mahina kong siniko si daddy Shawn
"Nagbibiro lang po" dugtong nya pa
"Alam ko namang mabait ang batang ito" wika ni Madam at tumingin kay Daddy Charles
"Mabait?! Anak ng?! Anong pinakain ng unggoy na yan kay Madam?" rinig kong mahinang bulong ni Daddy Shawn, pinagsingkitan ko sya ng tingin, inggitero lang talaga 'tong si daddy, kunyare pa
"Natutuwa ako na sila pa rin ang nagkatuluyan" wika ni Madam at medyo naluluha-luha na, napatingin ako kay daddy Shawn na hindi na nakaimik
"Oh ano daddy, inggit kayo? Wala kasi kayong lovelife" sinamaan nya ko ng tingin saka kinurot ang pisngi ko
"At alam kung ganoon din ang nararamdaman ni Zoro" wika nya saka hinawakan ang pisngi ni Miss Xara
"Mukhang nagkakamali ho kayo madam, e halos patayin na nga po ni Sir Ferrer ang gung-gung na yan" natatawang wika ni daddy Shawn
"Naalala nya lang kung paano nasaktan noon ang anak namin, at normal lang iyon sa isang ama, alam nyo ba dati, twing bumibisita si Charles sa bahay, tuwang-tuwa si Zoro at palaging tinatanong kay Charles kung kelan na ba ang kasal, kung may plano na ba si Charles sa magiging future nila, at kung ilan ang gustong maging anak, at marami pang iba, botong-boto kasi si Zoro kay Charles dati, kaya nga nagulat na lang kami nang biglang sabihin sa amin ni Xara na naghiwalay na silang dalawa ng batang ito, wala syang sinabing dahilan, umalis sya sa bahay at pumunta sa US, naiintindihan namin sya ni Zoro na kaya umalis ay para magmoved-on kay Charles, simula noon ay nagalit na si Zoro kay Charles, nabugbog pa nga ni Zoro ang batang ito noong bumisita sya sa bahay at tinanong kung nasaan ang anak namin, hindi namin sinabi sa kanya na nasa US ang anak namin, dahil iyon ang pinagbilin sa amin ni Xara" inabutan ng tissue ni daddy Shawn si Madam kumuha naman ako ng tubig sa water dispenser
"Tubig po madam" nginitian nya ko saka tinanggap ang tubig
"Naawa na nga ako sa batang ito, dahil palagi syang pumupunta sa bahay at inaantay si Xara na bumalik, sinabi ko sa kanya na hayaan at kalimutan nya na lang ang anak namin, sinabi nya lang na hindi nya kaya" biglang tumulo ang luha ni Madam kaya hindi na umalis si daddy Shawn sa tabi nito dahil sya 'yung may hawak ng tissue hahaha ang kyot
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Seven Daddies
Humor-my seven stubborn daddies. All rights reserved 2016 Written by: RianneLJ Date started: Aug 08, 2016 Date finished: ---