"H'wag po maawa kayo , tama na po... Nanay, Tatay, Ate hu,hu,hu" Pawisan ang aking mukha .. sumisigaw sa labis na takot, ang bangungot ng nakaraan bakit paulit ulit akong dinadalaw ng masakit na ala alang iyon
"Jessica gising nananaginip ka na naman? eto ang tubig uminom ka muna ng mahimasmasan ka" abot ng tubig ni Tito David
"maraming salamat po" humihingal kong sabi "parang kailan lang sariwa pa din sa aking isipan ang bawat detalyeng dinanas ng pamilya ko " umiiyak kong yakap kay Tito David, mahigpit akong niyakap nito, dama nito ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ko sa galit
Alam kong habag na habag ito sa akin sa loob ng labing tatlong taon na paulit ulit kong napapanaginipan ang tagpong iyon, isa itong bangungot na palaging dumadalaw sa akin sa gabi.. isang bangungot na totoong nangyari sa buhay ko
"Tito tulungan mo ako, tulungan mo akong maipaghingantihan ang taong sumira ng pamilya ko" pagmamakaawa ko , marami itong sinasanay na tao upang maging ganap na Assassin nais ko din maging tulad ng mga ito bago humarap kay Melancio
"sigurado ka ba talaga?"nananantyang tanung nito
"oo Tito David sigurado ako" pangungumbinsi ko dito
"bweno nakita kong handa at pursigido ka na... simulan natin bukas ang iyong pagsasanay" nakakaunawang sabi ni Tito David
"talaga po ? pumapayag ka na?" tuwang tuwa yumakap ako dito
"oo dahil kahit na hadlangan kita alam kong hindi ka magpapapigil.. kaya naman napagpasyahan ko na ako mismo ang magtuturo sayo.." At tuluyan na itong umalis sa harapan ko
5am TIK TILAOK
Maaga akong gumising para sa gagawing paghahanda ng una naming pagsasanay ni Tito David, pagdungaw ko ng bintana nakita kong nagsisimula na din magsanay bumaril ang mga Assassin na tinuturuan ni Tito David
"mabigat ang taong kakabanggain mo bago ka maging isang Assassin marami kang pagdadaanang hirap" tapik ni Tito David sa balikat ko, na hindi ko namalayang nasa tabi ko na.
"handa po akong harapin ang lahat ng hirap mabigyan lang ng katarungan ang pamilya ko at mapatay ko lang si Melancio" determinadong sabi ko dito
"kung gayun .. simulan na natin wala tayong oras na dapat aksayahin... magpalit ka ng damit .. eto ang suotin mo" abot ni Tito David sakin
Mabilisan akong nagpalit ng damit (eto na ang katuparan ng paghihiganti ko) bulong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin nasa harap ko
"sakto lang pala ang damit na ibinigay ko sayo" sabi ng babaeng kalalabas lang sa cubicle
"isa ka din ba sa tinuturuan ni Tito David" tanung ko dito
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystery / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
