CHAPTER 32 (ang paghahanap)

251 6 1
                                    

Samantala si Tito David naman ay nasa Zamboanga Del Sur, ayon sa nakalap niyang impormasyon at sa taong tumawag sa kanya para ibalitang buhay pa ang kapatid niyang si Daisy, sampung taon na nagtago sina Rainne sa kamay ng mga tulisan, nalaman pala ng mga ito ang ginawang pagtakas sa kanila... kaya pala nawala ang mga ito ng sampung taon sa panghuhunting sa kanyang kapatid

Kumatok siya sa barong barong bahay na kinalakihan ng kapatid niya...Lumabas ang isang matandang lalaki na sa edad 76 years old.. ito na pala ang naging asawa ni Rainne at eto din ang lalaking tumawag sa kanya sa telepono

ayon dito nagkaron ng amnesia si Daisy dahil nga sa bata pa ito at ayaw ng ipaalala ni Rainne ang sinapit ng pamilya nila, nagawang ilihim nito ang malupit na dinanas ng pamilya nila sa tulisan...Nagpalit lipat ng bahay ang mga ito, inako at pinalaking parang anak na ni Rainne si Daisy... Sa Zamboanga na din nakahanap ng asawa si Rainne, sinubukan din daw siyang hanapin nito pero nabigo ito, sa takot na makita ang mga ito ng tulisan ay nanahimik na lamang mamuhay ang mga ito kasama ang asawa ni Rainne

Dun na nagdalaga ang kanyang kapatid, dahil likas sa mukha nito ang kagandahan at makinis na balat ... marami ang nanligaw dito, pero naging mailap ito ... Hanggang sa may grupo ng mga kalalakihan ang nag abang kay Daisy upang gawan ito ng masama... muntik ng magtagumpay ang mga ito, mabuti na lamang at nakita ni Rainne at mabilis na humingi ng saklolo, nabulabog ang mga nagtangkang manghalay kay Daisy... Dahil sa pangyayari, unti unting nagbalik sa ala ala ni Daisy ang nakaraan nito , pati na ang pagpatay sa magulang niya at ang pagkakawalay nito sa kapatid ...

Mula ng araw na nalaman nito ang sinapit ng magulang at kapatid, palagi na lamang umiiyak sa kwarto si Daisy palagi nitong binabanggit si Kuya David, hindi na din naging palalabas ng bahay ang dalaga at palaging malayo ang tingin sa kawalan

"anu ba talaga ang nangyayari sa batang yan" tanung ng Asawa ni Ate Rainne na si Tito Sonny. Nag aalala na talaga ito sa kalagayan ni Daisy

Pinagtapat nga ni Rainne ang sinapit ng pamilya nito... Kaya naman wala silang ginawa mag asawa kundi unawain ito sa lahat ng bagay... "Ilang linggo pa at nagpaalam ito na luluwas ng batangas para hanapin ang nawawalang kapatid, hindi namin ito napigilan kaya hinatid namin siya mag asawa at nagpaiwan na sa lugar na yun si Daisy dahil sinabi ng isang babaeng napagtanungan namin na pumunta ka daw dun para hanapin si Daisy... Pagkatapos nun nang balikan namin ulit siya wala na siya sa batangas, hindi nila alam kung san napadpad si Daisy... Nawalan na kami ng balita tungkol sa kanya, sinadya niya na din hindi na makipagkita at makipag usap samin..." Pagkkwento ng Lalaki

"maraming salamat sa pagpapalaki niyo sa kapatid ko, naging napakabuti niyo sa kanya" sabi ni David

"matutuwa si Rainne kung nabubuhay lamang ito, matagal niya ng hiniling na magkita kayong magkapatid at sana patnubayan kayo ng maykapal" nangingiyak ito

"eto po ang konting pera, makakatulong po ito sa inyo lalo na at nag iisa na kayo" abot ni David ng sobre

"hindi ko na kailangan ng pera, konti na lamang ang nalalabi sa buhay ko... sinunod ko lamang ang huling habilin ng yumao kong asawa" sabi nito

Inabot ko pa din ang pera sa lalaki "maliit na bagay lang po ito, kumpara sa pagpapalaki ninyo sa kapatid ko, tanggapin niyo na po ... para kahit papano po ay makapagpasalamat ako" saad ko "kung may kailangan po kayo alam niyo na kung saan ako tatawagan at kung sakali man na bumalik si Daisy dito pakisabi po na hinahanap ko siya, ibigay niyo po ang address ko sa Manila" habilin niya dito

"salamat, sobra sobra ito... hindi ako humihingi ng kahit na anung kabayaran sa pagkupkop namin kay Daisy, dahil napasaya niya kaming mag asawa" tuluyan ng umiyak ang matanda "kapag muli kayo nagkita sabihin mo kay Daisy na mahal na mahal namin siya"

----------

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon