Sampung minuto pa lang nakakalipas ang sasakyan naman ni Bryan ang nagpark sa tapat ng bahay nina Melancio
"o iho kauuwi lang ng Girlfriend mo" sabi ni Ninang Jessie
"po? galing si Jessica dito" hindi makapaniwalang tanung nito,.. Dalawang linggo ng hindi nagpaparamdam sa kanya ang babae... Magmula ng mangyari ang gabing pangungulit niya ay hindi niya na nakita kahit na ang anino nito, Binigyan niya ito ng isang araw na mag isip, pero hindi niya aakalain na ganun kabilis itong magpasya na iwanan siya... Kung talagang ayaw nito sa kanya, so be it... kakalimutan na lamang niya ang nararamdaman kay Jessica pero ang hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong pumunta sa bahay ng kanyang Ninong at Ninang...
"may sinabi po ba siya sa inyo" tanung ko sa mga ito
"wala naman, basta ang sabi niya busy ka daw kaya hindi ka nakasama sa kanya... sayang at kung maaga aga ka lang dumating , tiyak na naabutan mo siya" sabi ni Ninong Melancio
"susubukan ko po siyang habulin" mabilis na siyang sumakay at pinaandar ang sasakyan... bawat sakay ng taxi ay inaaninag niya ang mga pasahero pero bigo siyang makita si Jessica .. Napagpasyahan niyang bumalik na lang sa bahay ng Ninong niya...
Nakita ni Jessie sa side mirror ng sinasakyang taxi ang pagtanaw ni Bryan sa mga pasahero ng taxi, pumara siya sa tabi bago pa tuluyang makita siya ni Bryan kaya naman ng silipin nito ang sinasakyan niyang taxi kanina ay wala na siya.., hinintay niya munang umalis ito bago pumara ng taxi....
------
"inabutan mo ba?" tanung ni Ninong Melancio
"hindi po Ninong, si Ninang" tanung ni Bryan
"ayun biglang sumakit ang ulo at gusto na daw magpahinga" sagot nito
"baka po may nararamdaman si Ninang" tanung ko
"hindi, umaarte lang yun... alam mo naman at nagmenopause na" tumawa pa ito
"sigurado po ba kayo?" tanung ko
"oo naman, anu ba ang sadya mo at napadalaw ka?" tanung nito
"kailangan ko ng kainuman Ninong" sagot ko
"mukhang may problema ka, halika pag usapan natin... pero nandito si Charice nasa kabilang kwarto kaya okay lang ba sayo na magpalipas ng gabi" sabi nito
"okay lang Ninong... siguro naman at natapos na si Charice sa kabaliwan niya nuon sakin" sagot ko
Bumaba si Charice sapagkat nahulimigan ko ang boses ng dalawang lalaking nag uusap, pagsilip ko si Bryan ang kausap ng aking Tito Melancio "aba at ang pagkakataon naman"
"tara dun tayo sa sala mag inuman" yaya ni Melancio
Lasing na lasing si Bryan habang kaagap niya si Melancio, naglabas siya ng sama ng loob sa babaeng inibig niyang lubos pero sa di malaman na dahilan ay pinagtaguan siya
"Wala siyang kwentang babae Ninong sobrang sakit ng ginawa niyang pag iwan sakin, walang explanasyon bigla siyang dumating at umalis sa buhay ko ng ganun lang kabilis" sagot ko sa lasing na boses
"sabi ko na sayo ang mga babae manloloko yan, kapag nalaman nilang mahal na mahal mo sila saka ka nila iiputan sa ulo" paluray luray din ang lakad nito.. Nang makapasok na siya sa loob ng kwarto, nakalimutan niyang isara ang pintuan... Yun naman ang hinihintay na sandali ni Charice para isagawa ang plano pipikutin niya si Bryan para mapasakanya ito...
--------
to be continue...
Magtagumpay kaya si Charice sa plano nito kay Bryan, tuluyan na kayang maagaw nito ang pag ibig kay Jessica
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Misterio / SuspensoBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
