Nagising siya sa pangangalaga ng Matandang Lalaki, maraming nakalagay na dahon sa ulo at katawan niya.. Pinilit niyang bumangon pero pinigilan siya ng Matandang lalaki..
"Marami kang tinamong sugat, anung ginagawa ng batang tulad mo sa gubat na maraming mababangis na hayop, nabugbog ng husto ang katawan mo" sabi ng Matanda "ako nga pala si Teofilo natagpuan kita sa kagubatan, muntik ka ng lapain ng Leon mabuti na lamang at natagpuan kita agad at nakuha kong paalisin ito"
Pinili na lamang manahimik ni David sa tinuran ng Matandang Teofilo.. Nang maalala niyang hinihintay siya ng kapatid sa terminal ng bus , pinilit niyang tumayo
"kailangan ko pong puntahan ang kapatid ko, hinihintay nya ko sa terminal ng bus" pakiusap niya sa Matandang Teofilo
"Isang linggo ka ng walang ulirat, kailangan mong magpagaling, may mga tulisan na naghahanap sa dalawang bata.. Nasisiguro kong isa ka sa mga yun, kilala ko ang grupo ni Abdullah wala silang sinasanto.. Kaya magpagaling ka muna dahil tiyak na nasa kagubatan pa ang mga tulisan hinihintay nila na makita ka para patayin" sabi ng matandang lalaki
"paano ang kapatid ko, pinatay na nila ang magulang ko, pati ang kapatid ko mawawala pa sakin" patuloy sa pag iyak ni David
"makakabuti sayo na magpalakas, at kapag okay ka na, magmamasid ako sa kagubatan para mailabas kita sa lugar na ito" sabi ng Matanda
"bakit po hindi niyo ako tinuro sa mga tulisan?" tanung ni David
"katulad ng sinabi ko, malupit ang grupo ni Abdullah, kahit mga walang muwang na katulad mo ay papatayin niya at yun ang di ko mapapayagan na mangyari, kung iniisip mong panu kita naitago sa kanila ng hindi nila inaakalang nandirito ka, hindi sila basta basta makakapasok ng pamamahay ko... Dadaan muna sila sa bangkay ko" sabi ng matanda
Nahiwagaan si David sa tinuran ng matanda, kung tama ang dinig niyang muntik na siyang lapain ng mabangis na Leon kung hindi ito maagap na dumating ay malamang ay patay na siya.Panu nito napaalis ang Leon
"uminom ka muna ng mainit na sabaw" nilapit nito sa bibig niya
"ang pait po" dinura niya ang ininom na sabaw
"isang halamang gamot yan na mabisa sa pagpapatuyo ng sugat sa labas at loob ng katawan" sagot ng matanda
"hindi ko po kayang inumin yan" sagot niya sa Matanda sabay iwas ng bibig sa mangkok
"pilitin mo bata, dahil ito ang makakatulong sayo para mabilisan kang gumaling at mahanap ang kapatid mong nawalay sayo" sabi ni matanda
Nang maalala ang pamilya at ang kapatid na si Daisy, mabilis niyang nilulon ang mainit init at mapait na sabaw.. masuka suka siya sa lasa..
--------
Lumipas pa ang isang linggo halos dalawang linggo siyang nagpagaling sa bahay ng Matanda ng mapagpasyahan niyang hanapin na ang kanyang kapatid
Masukal na daan ang tinahak niya, Ayon sa matanda kokonti lamang ang mababangis na hayop sa parteng ito ng kagubatan, Nakarinig sila ng ingay galing sa isang mabangis na hayop,.. Naglalaway na pinagmasdan sila ng Leon .. takot na takot na kumapit siya sa Matanda samantalang nang pagmasdan niya ang Matandang Lalaki parang balewala lang nitong tinignan ang Leon
Mabilis ang galaw ng matanda, ni hindi niya na napansin ang biglang pagkalugmok ng Leon sa lupa, napatay nito sa isang iglap ang Leon,.. Panu nito yun nagawa? hindi na lamang siya nagkumento at nagpatuloy na sila sa paglalakad..
-----
to be continue ...
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystery / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
