CHAPTER 52 (ang kamatayan)

258 7 0
                                        

"H-I-N-D-I" sigaw ko ng makitang si Melancio ang tumayo at si Tito David ang tinamaan ng bala, hindi ako makapaniwalang nagawa nitong talunin si Tito David

Tumakbong palapit si Jessie kay David "Kuya wag mo kong iiwan, idilat mo ang mata mo" umiiyak na sabi ni Jessie "kay tagal kong pinanabikan na makita at mayakap ka"

"Hayop ka talaga Melancio, wala kang kasing sama" hagulgol kong paratang kay Melancio

"eto ang pinakamagandang araw na mangyayari sa buhay ko dahil kumpleto ang mga taong papatayin ko" lalo pang nilakas ni Melancio ang boses nito habang tumatawa

"Ninong Melancio itigil niyo na yan, kapag hindi niyo itinigil yan mapipilitan akong labanan kayo" sabi naman ni Bryan

"lumaban ka Bryan, simula ng mahalin at piliin mo ang babaeng yan itinakwil na kita kaya isasama kitang patayin"tumatawang sabi ni Melancio

-------

"Anung putok yun?" tanung ng kapit bahay ni Melancio

"parang galing sa bahay nina Mam Jessie, halika puntahan natin?" sabi ng isang lalaki

"naku pre mahirap makialam sa ganyan .. tumawag na lang tayo ng pulis baka madamay pa tayo" sabi ng isa

"napakaduwag mo talaga pare, pero sige tama ka, kawawa naman si Mam Jessie..madali tayo" sabi ng isang lalaki

------

"Tama na Melancio kung gusto mo akong patayin ako na lang wag mo ng idamay ang mga taong mahal ko, Ako ang nagkasala sayo, Ako ang nagsimula nito, Ako na lang ang patayin mo" matatag na sabi ni Jessie

"hindi pa ako nasisiraan ng bait para pakawalan ko ang mga ito, Papatayin din kita Jessie dahil ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako" sabi ni Melancio

"huwag mong isisi sa iba kung bakit ka naging hayop dahil matagal ka ng pumapatay ng tao" sigaw ko

"ha ha ha Matalino ka Jessica kaya isusunod ko kayo sa mga papatayin ko dahil hindi ako makakapayag na mabuhay kayo" humalakhak pa ito

"napakahayop mo Ninong hindi ko akalain napakasama mo, lahat pala ng pinakita mo kasinungalingan lamang" sabi naman ni Bryan

"Tumalikod kayo, tama na ang satsat,.. Tignan mo Jessie ang gagawin kong pagbaril sa anak mo" sabi ni Melancio

"wag maawa ka Melancio, wag ang anak ko" sigaw ni Jessie ng itutok nito kay Jessica ang hawak na baril. Isang putok at duguang bumagsak si Bryan iniharang nito ang katawan kay Jessica.. Nang itututok na ulit ni Melancio kay Jessica ang baril nagsidatingan ang mga pulis na tinawag ng mga kapitbahay

"Ibaba mo yan" tutok ng baril ng 5 pulis kay Melancio

"subukan niyong lumapit papatayin ko ang babaeng ito" sabi ni Melancio tinutok pang lalo nito ang baril sa leeg ni Jessie "walang susunod kung gusto niyo pang mabuhay ang babaeng ito tumabi kayo"

Nagawang makaalis ni Melancio dala ang sasakyan mabilis naman na sumunod ang mga pulis at rumosponde naman ang mga ambulansya para dalhin sa hospital si Bryan at Tito David

Mabilis din akong nakasakay ng sasakyan para habulin si Melancio.. "Hayop ka Melancio"

Pinaputukan siya ni Melancio ng makitang ginigitgit ko ang sasakyan nito.. "Hindi ako dumaan sa maraming pagsubok para talunin mo Melancio"

"Walangya kang babae ka"bumaril muli si Melancio.. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at iniharang sa daraanan nila Melancio, mabilis akong bumaba hawak ang baril na binigay ni Tito David sa akin, ang baril na pagmamay ari ng aking Ama ang kikitil kay Melancio

Bumaba si Melancio at Jessie

"papatayin ko kayong dalawa Jessica magkita tayo sa impyerno"

"mauuna ka" sabay tutok ng baril dito at bumagsak sa lupa "matagal pa kaming magkikita ni Kamatayan"

Tumakbo namang papalapit si Jessie kay Jessica, Nagyakap ang mag ina at patuloy sa paghagulgol hindi nila akalain na matatapos din ang paghihirap nila sa kamay ni Melancio

"Mam okay lang po ba kayo?" sabi ng mga Pulis na nagsidating

"opo, kamusta sina Bryan at Tito David" tanung ko sa kaibigang pulis ni Bryan

"patay na to ah" sigaw ng pulis

"mabuti naman po at walang tinamaan na vital organ sa kanila..." sagot ng Pulis

"Patay na si Melancio Mam, kailangan po muna kayong sumama samin sa pulisya para magbigay ng statement sa nangyari" sabi ng pulis na tumingin kay Melancio

"sasama po kami" sabi ni Jessie

------

to be continue...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon