CHAPTER 36 (ang hinanakit)

257 6 0
                                        

Walang imik sa byahe si Bryan habang nagmamaneho ng sasakyan, Alam kong dinibdib nito ang pag uusap nila kagabi... Sinabayan ko na lang ito sa pananahimik, nagpokus na lang ako sa magagandang tanawing nakikita sa labas ng sasakyan...

Masama naman ang loob ni Bryan sa muling pagtanggi ni Jessica sa alok niyang kasal, hindi niya ito maunawaan kung bakit ganun na lamang ang pag ayaw nito sa kanya, dama naman niya ang pagmamahal nito sa bawat yakap at halik na kanilang pinagsasaluhan. Sinulyapan niya si Jessica na panay ang linga sa bawat dinadaanan nila, nakangiti ito na lalong kinainis niya....

Nagulat ako ng biglang huminto ang sasakyang sinasakyan nila ni Bryan, Nang tignan ko si Bryan matiim ang pagkakatitig sa akin

"what?" tanung nito sa aburidong boses

Nang hindi nito matagalan ang pagkainis sa pananahimik ko, lumabas si Bryan at panay ang buntong hininga, sinipa nito ang sasakyan

"anu bang problema mo" hindi na nakatiis na sumunod ako sa paglabas

"ikaw" sigaw nito "lahat na lang ng gusto ko ayaw mo" pagpapatuloy nito. Mabuti na lamang at walang ganung sasakyan ang dumadaan, kung hindi baka akalain ng mga tao na nababaliw na sila, dahil sinadya nito na sa gitna ng daan hihinto ang sasakyan

"ano ba ang gusto mo" di padadaig na sigaw ko

"alam mo kung ano ang gusto ko" lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat

"hilingin mo na ang lahat, wag lang ang kasal... kung ayaw mong pumasok sa sasakyan.. maghahanap na lang ako ng taxi"buong paninindigang sabi ko

Nakipagsukatan ako ng tingin kay Bryan, hindi ito nagpadaig kaya nagsimula na akong maglakad... Binilisan ko pa....

Lalong hindi nagustuhan ni Bryan ang ginawi ni Jessica, Nang makita niyang lumakad na ito palayo nabahala siya, Nang hindi na makatiis sumakay siya sa sasakyan at mabilis na pinaandar

Dinig naman ni Jessica ang pagdating ng sasakyan ni Bryan

"sumakay ka na, malayo pa ang lalakarin mo kung pipilitin mong maglakad" sinabayan ng sasakyan nito ang paglalakad ko

"mind your own business" mataray na saad ko

"kapag hindi ka pa sumakay bubuhatin kita" pananakot nito

"e di buhatin mo" napipikon ng wika ko

Lumabas ito at sa pagkagulat ko pinasok ako nito sa sasakyan

"ibaba mo ko" nagkakakawag na palo ko sa dibdib nito, hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha saking mga mata. Nang mapansin ni Bryan ang pamamasa ng suot nitong polo, lumambot ang mukha nito at masuyo akong hinalikan sa noo

"sorry sweety, hindi ko sinasadyang saktan ka" patuloy ang pagpahid nito ng luha sa aking mga mata

Pinaandar ni Bryan ang sasakyan, Nang makarating sa bahay ni Jessica, mabilis na bumaba ito ng sasakyan at pumasok sa bahay...

Nagmaniobra naman ng sasakyan si Bryan, hindi niya muna susundan sa loob ang dalaga, gusto niya munang pagpapahingahin si Jessica....

Pagbukas ng ilaw ni Jessica, isang panauhin ang kanyang nakitang nakaupo sa sala

Si Tito David

-------

to be continue...

Maging hadlang kaya sa pagmamahalan nila si Tito David?

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon