CHAPTER 45 (ang pighati)

251 4 0
                                    

Pagkauwi ko ng Makati, Naglandasan ang kanina pang pinipigil na pag iyak... 1 month pregnant na si Charice, ibig sabihin halos kalalayo ko pa lang kay Bryan nagawa na agad akong lokohin nito... Pinahid ko ang luhang naguunahang maglandas sa akong pisngi ... Hindi ako dapat masaktan ng ganito kung meron man may kasalanan sa amin ni Bryan ako iyon sa kagustuhan kong layuan ito tuluyan ng mawawala ito sa akin kaya pala hindi na nito ako hinanap at kinulit dahil ngpapakasaya si Bryan sa piling ni Charice...

Sugatang puso ang nanahan kay Jessica ng pasimple niyang puntahan si Bryan, wala siyang planong makipagkita sa lalaki pero ang sutil niyang puso ang nag uutos sa kanyang alamin kung totoo ang lahat ng sinabi ni Charice

"kung totoo anu ngayon? hahabol ka?" bulong ng isipan niya

"oo, mahal ko siya" sigaw ng kanyang puso

"tanga, panu mo na maipaghihiganti ang pamilya mo!!!" hindi nagpatalo ang aking isipan.

Sa huli ginusto kong sundin ang dinidikta ng puso, handa na sana akong magdoorbell ng mapansin ko ang parating na sasakyan, nagtago agad ako, nakita kong lumabas si Charice at ang magulang nito dala ng mga katulong ang masaganang pagkain..

dumaan ang mga ito sa kanya, mabuti na lang at mabilis siyang nakapagkubli

Sinalubong ito ng mga magulang ni Bryan

"Mama, nandyan na ba sa loob si Bryan... nagdala kami ng mapagsasaluhan natin... gusto kong maging maayos ang lahat ng detalye sa kasal namin ni Bryan" maarteng sabi ni Charice

"pumasok muna kayo iha, sa loob natin pag usapan ang bagay na yan" sagot ni Mama Agustina, at inakay na ang mga panauhing nagsidating

Dinig na dinig naman ni Jessica ang sinabi ni Charice, tama nga ito... totoo ang lahat ng sinabi nito at bakit hindi? agaran ang pagpapakasal ng mga ito... Luhahang puso ang sumakob sa kanyang pagkatao, umalis na siya bago pa makita si Bryan... baka hindi niya mapigilan ang sariling hagkan at yakapin ito...

"maupo kayo" sabi ng Papa ni Bryan "mamaya lamang ay nandito na si Bryan"

Lumipas ang tatlong oras ay walang Bryan na dumating... hiyang hiya naman ang magulang nito sa di pagsipot ng anak

"pwede naman natin pag usapan ang set up ng kasal kahit wala ang anak ko" sabi ni Agustina

"gusto ko nandito si Bryan" mataas ang boses ni Charice

"Charice umuwi na tayo"sita ng Papa nito

"No Papa,, hihintayin ko si Bryan alam kong dadating siya" sigaw ni Charice na kinaigtad nina Agustina

"ilang oras tayo dapat maghintay sa lalaking yan... isa, dalawa o tatlo pa... uuwi na tayo ng Mama mo hindi ko na mapapayagan ang pambabastos samin ni Bryan" sigaw ng Papa nito

"kayo kapag hindi ninyo nilabas ang anak ninyo... sabihin niyo sa kanya na kahit saan siya magtago kapag hindi niya pinanagutan ang anak ko papatayin ko siya" sigaw ng Papa nito at nagmamadaling umalis kasama ang asawa at si Charice

"anung gagawin natin?" tanung ni Agustina sa asawang si Pablo "nanganganib ang anak natin"

"bakit naman kasi yang anak mo gagawa gawa ng kalokohan hindi naman pala niya kayang panindigan" galit na sabi ni Pablo

"Pablo hindi ko kakayanin kung mawawala satin ang anak natin, gumawa ka ng paraan para kumbinsihin ang anak mo na pakasalan niya na si Charice bago pa gumawa ito hindi magandang hakbang laban sa anak natin" nagmamakaawang sabi ni Agustina

"magaling siyang pulis....siya ang gumawa ng problemang to, matuto siyang resolbahin ang probleng kinahaharap.. Kinausap ko na siya dahil sa pakiusap na din ni Melancio, nakita mo ang kahihiyang binigay ni Bryan satin" sabi ni Pablo

"pero anak natin siya at tayong mga magulang sana ang unang dapat makaintindi sa kanya" sigaw ni Agustina

"malaki na siya, alam niya na ang tama at mali" umakyat na si Pablo sa taas ng bahay .. si Agustina naman ay naiwang nakatigagal sa sinagot ng asawa sa kanya..

Ilang saglit pa hawak na ni Agustina ang telepono , kausap niya sa linya ang dalawang anak na sina Jerson at Lester

"Mama tama naman si Papa, pero susubukan namin na kausapin si Bryan... titignan namin kung ano ang magagawa namin" sabi ni Jerson

"Mama magpahinga na kayo hindi makakabuti sa inyo ang labis labis na pagaalala, kami na ang bahalang kausapin si Bryan" pagtatapos ni Lester sa iba pang sasabihin sa Inang naghihysterical

-----

Si Bryan ng mga sandaling iyon ay nasa Pasig sa bahay ng matalik na kaibigang pulis wala siyang plano magpakita isa man sa mga kamag anak niya ... Habang nag aalala ang pamilya niya , siya naman ay mag isang umiinom ang alak... Hindi niya matanggap na pati ang Papa niya ay pipilitin siyang pakasalan si Charice, alam ng mga ito na kalokohan ang isang pagpapakasal sa babaeng walang ibang gawin kundi guluhin ang buhay niya ... Sa isang banda sinisisi niya si Jessica sa nangyayaring ito sa buhay niya kung hindi ito biglang umalis nang walang paalam hindi sana siya nagkakaganito. Ilang tungga pa ng alak at nasaid niya na ang laman ng bote... Limang araw siyang nagleave sa trabaho, at limang araw na din pabalik balik si Charice sa presinto para manggulo, wala siyang pakialam sa baliw na babaeng yun kahit na nabilog na nito ang ulo ng kanyang pamilya, hindi siya naniniwala sa mga tinahing kwento nito.. Alam niyang walang nangyari sa kanila at yun ang panghahawakan niya....

------

to be continue...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon