CHAPTER 23 (ang pagtakas)

287 6 0
                                        

Mabilis na nakapagtago si Rainne sa mga halaman malapit sa dagat bitbit bitbit ang mga batang wala pa ring malay... Pinilit kong gisingin ang mga ito, malaking katangahan ang isulong ko ang buhay sa panganib pero hindi ko matitiis ang pamilya ni Senior Ismael na pinapatay ng walang ginagawa.. Babalik sana ako para makiusap sa mga ito na manghihiram ng pera para sa pambili ng gamot ng aking itay , nang marinig niya ang sigawan at iyakan ng pamilya nito,. Nagkubli siya sa puno kung saan sila naroroon ng mga bata ngayon, buhat sa malayo nakita niyang ginahasa at pinagbubugbog ang pamilya nito.. Nang makita niyang nilapag lang ng mga tulisan ang magkapatid , kumuha siya ng tyempo para makalapit sa tent na kinaroroonan ng magkapatid.... Nang bumalik ang mga ito sa mag asawa na patuloy na pinahihirapan .. Nagkatitigan sila ni Senior Ismael at sa hangin binulong niyang itatakas niya ang magkapatid.. Nang sumigaw si Senior Ismael na lalong nagbigay ng galit sa mga tulisan, hindi na napansin ng mga ito na nakatakas na sya kasama ang mga anak nito... Nang makalayo na sila, narinig niya ang 4 na putok na galing sa mga tulisan.. Binilisan niya pa lalo ang lakad ng matiyak niyang alam na ng mga tulisan na tinakas niya ang dalawang bata..

"mga anak gising" sabi ni Rainne

Masakit ang katawan ni David ng magising pero si Daisy ay patuloy pa din sa pagtulog.. Hindi kinaya ng murang katawan nita ang pagbugbog kaya hindi na nila ginising ito... Palapit na ng palapit sa kanila ang mga tulisan

"Ate Rainne, ililigaw ko sila, tumakas na kayong dalawa ni Daisy, sabihin mo sa kanyang mahal na mahal ko siya" sabi ni David sa pagitan ng pagluha

"sabay sabay tayong aalis dito.." matatag na sagot ni Rainne

"Ate Rainne nakikiusap ako sayo, itakas mo ang kapatid ko.. nasisiguro kong hindi nila kami bubuhayin magkapatid kaya kailangan ko silang linlangin" matatag at siguradong sabi ni David

"mag iingat kang mabuti, hihintayin ka namin sa terminal ng bus papuntang manila" sabi ni Rainne

"opo, kung sakali man na hindi na ako makabalik .. umalis na po kayo" sabi ni David " pagbilang ko po ng tatlo lalabas ako at magtatago kayo .... pagsunod sakin ng mga tulisan, tumalilis na din po kayong paalis" buo ang loob na sabi ni David

ISA... DALAWA... TATLO

Takbo paroon parito ang ginawa ni David, nakita niya sumunod ang mga lalaking tulisan sa kanya... Nang makita naman ni Rainne na sumunod ang mga tulisan kay David , mabilis na umalis ito sa pinagkukublihan at patakbong hinarang ang sasakyan na parating, mabilis silang sumakay ng truck at nakiusap na ibaba sila sa terminal papunta ng manila,..

Sige pa rin sa pagtakbo si David, sugat sugat ang katawan niya sa mga matutulis na sangang natatamaan niya pero hindi niya pinansin yon ang mahalaga ay maligaw niya ang mga humahabol sa kanya, Malayo na ang kanyang natatakbo ng di niya na napansin ang mga humahabol sa kaya alam niyang naligaw niya na ang mga tulisan, dalangin niya na lamang na nakaligtas si Daisy at ang babaeng tumulong sa kanila... Dahil sa panghihina unti unti siyang napaupo at nawalan ng ulirat..

-----

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon