Pinakatitigan ko ang folder na hawak ng isa kong kamay, binasa ko ang detalyeng kinalap ko at ni Tito David tungkol dito..
Name: Miguelito Sajavedra
Age: 53
Add: Tondo Manila
Sinubukan kong tawagan si Tito David . . ayon sa nakalap konh impormasyon madalas na pumupunta ito sa batam-batang kabit nito.. Madalas na dun nagpapalipas ng magdamag
"Hello Tito David sisimulan ko na ang pagpapatay kay Miguelito kailangan ng mabura ito sa mundo" nasa sasakyan ako ng mga oras na yun at papunta sa bahay ng kabit ni Miguelito
"mag iingat ka, tumawag ka agad sakin.. maraming mga tauhan ang nakaescort dito .. hwag kang magpapahalata kung anu man ang mangyari tumawag ka agad sakin" pagpapaalala nito
"Maraming salamat" at pinutol ko na ang tawag
Mabilis akong nakarating sa bahay ng kabit ni Miguelito, napansin kong nandun ang sasakyan na pag mamay-ari nito, maraming tauhan ang nakabantay sa paligid ng bahay
Sinuot ko ang mukha na pinagawa ni Tito David sa paris para matakpan ang aking mukha.. Hindi aakalain ng kahit sino na maskara lamang ang nakalagay sa mukha ko.. Malayo sa bahay ni Miguelito pinark ko ang dalang sasakyan, Dala ang bote ng perfume na may lamang pampatulog na may lason nagkubili ako sa likod ng puno ng mangga.. Kung bibilangin ang mga taong nakapalibot sa bahay nito mga 7 o 8 lamang maaari kong mapabagsak ang mga ito kahit na lumatad ako pero mas nanaisin kong walang magiging sagabal sa gagawin kong Misyon
Mabilis na dumaan ako sa likod , nakita ko ang lalaking pasipol sipol habang naninigarilyo.. Nang mapalapit ito sa akin mabilis kong inispray an ng pabango na agad ding nagpagbagsak dito.. Mabilis ko itong kinubli sa pinto ng Cr kung san ako nakapasok..
Dahan dahan akong lumakad papasok ng kusina..Nang mamataan ko ang dalawang lalaking pumasok sa bahay madali akong nagkubli sa likod ng pintuan ng kusina.. Nakita kong may hawak na beer ang lalaki tiyak na kukuha ito ng yelo sa kusina .. Hinintay kong makapasok ito sa loob ng kusina , Nang ganap na itong nakapasok mabilis kong sinara ang pinto at inispray an ng pabango.. Hinintay ko pa ang isang kasama nito bago ako lumabas sa kusina , lumipas pa ang sampung minuto bago ito sumunod narinig ko ang pagrereklamo nito
"Walangya tyong tyaong to inuchusan lang kumuha ng yelo hindyi na bumalik" lasing na sabi nito "tignan mo at nachuchulog na sa yapag" sinubukan pa nitong gisingin ang kasama nito
Kaya naman ng pagtayo nito . Siya namang harap ko dito at mabilis na inispry an ito sa mukha.. Nang matiyak kong wala ng buhay ang mga ito .. mabilis ko itong nilagay sa CR
Ingat at sigurado ang galaw ko ng pag akyat sa taas ng bahay.. Sinilip ko pa ang mga lalaking nasa labas na nag iinuman na inispray an ko na rin ng pabango
Nang makarating na ako sa taas ng bahay , Narinig ko ang boses sa kwarto ng isang lalaki at babae na sa tantya ko ay sina Miguelito at ang kabit nito
Kumatok ako ng 3 beses bago lumabas ang babae. Nagtago agad ako sa malaking paso na nakalagay sa hall way
"sino ba yan? tanung ni Miguelito "pumasok ka na dito honey" sigaw nito sa babae
"honey tignan mo mga bodyguard mo nakatulog na sa kalasingan" sabi ng babae . Nakita kong sumilip si Miguelito sa pintuan.. Nakita kong napailing ito
"pumasok ka na sa loob!, pupuntahan ko lang ang mga siraulong tauhan ko" naiiling pa ding wika nito
Dirediretsong bumaba si Miguelito at isinara na ng kabit nito ang pintuan.. Tamang tama sa gagawin kong pagpapatay kay Miguelito , sa tingin ko hindi na dapat pang madamay ang kabit nito sa gagawin ko sa lalaki
Nang nakababa na ito sa hagdan , at lumigid sa pasilyo papunta ng sala.. mabilis ko ng sinundan ito hawak ang patalim sa kanang kamay ko.. gamit ang kaliwang kamay pinatay ko ang ilaw na nagpadilim sa kabahayan.. Narinig kong tinatawag ni Miguelito ang kabit nito ... Nangangapa ito sa dilim ng marinig ko ang kaluskos nitong papalapit na harapan ko sinaksak ko ito at duguang bumagsak sa katawan ko ang katawan nito..
Binuksan ko na ang ilaw , tinignan ang walang buhay na lalaking nasa harapan ako.. dahan dahan ko itong binaba para hindi makagawa ng ingay.. Nang masigurado na wala na itong buhay mabilis na akong umalis ng bahay
Sakay ng tinted kong sasakyan hinubad nya ang suot na maskara.. May ngiting gumuhit sa labi ko... Muli ay pinasibat ko na ang sasakyan. Nagtagumpay na naman ako sa misyon..
----------
to be continue
thanks po sa mga sumusuporta para mas lalo kong pagandahin ang bawat eksena .. sana nag enjoy kayo
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Misteri / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
