CHAPTER 15 (ang paghaharap)

357 7 0
                                    

Maagang akong gumayak sa dadaluhang party , ngayon ay araw ng kaarawan ng asawa ng mortal kong kaaway.. nagpaganda at nag ayos ako ng todo gusto kong maging napakamaganda sa piningin ng mga ito, dahil sisiguraduhin ko sa mga susunod na araw , ang mukhang ito ang kikitil sa buhay ni Melancio ang pamilya nito

Nakita ko sa mata ni Bryan ang paghanga, mabilis akong nilapitan nito at hinawakan sa kamay

"parang ayoko ng tumuloy, napakaganda mo sweety" tumingin si Bryan sa mga mata ko

"bakit naman?" balewalang tanung ko, alam ko ng maganda ako pero higit pala ang kasiyahan kapag si Bryan ang nagsabi nito sa akin, Kung tutuusin simple lang ang suot ko, itim na dress na hapit sa katawan ko na nagpalutang ng kaseksihan ko, nilugay ko ang mahaba at tuwid na buhok, at ang matangos kong ilong at mahabang pilikmata ang mas lalong nagbigay ng kagandahan sa akin

"baka marami akong makaaway" tumatawang sagot nito, naramdaman kong humigpit ang hawak na kamay nito sa akin

"hwag ka pong mag alala , ikaw lang ang titignan at sasamahan sa araw na'to" ngumiti ako ng ubod ng tamis

"alam ko at hindi din ako papayag na may lumapit sayo, i love you sweety" niyakap pa ako nito bago pumasok sa kotse

"i love you too" tugon ko

----------

Halata sa kilos ng mga taong inimbitahan sa party na mayayaman at may kaya sa buhay ang mga nagsidalo ... Pero hindi ako dapat mag alinlangan sapagkat taglay ko ang gandang hindi basta maaaring ignorahin, halos lahat ng kalalakihan at kababaihan ay naiingit sa aming dalawa. Kita ko ang pagmamalaki ni Bryan habang naglalakad kami papalapit sa magulang nito..

Lumapit ang magulang ni Bryan sa kanila, nakipagbeso beso siya sa Mama nito at kinamayan naman siya ng Papa nito

"kamusta iha? you look beautiful in your dress" nakipagbeso beso ito sa akin na ginantihan ko din naman

"thank you po Mam, kayo din po, napakaganda mo" balik ko ng papuri dito

"call me Mama, dapat masanay ka na" tumatawang sabi nito

"Ma mamaya na lang po yan, babatiin muna namin si Ninang para naman din makilala nila si Jessica" hinila nito ang kamay ko

"Sige po, magkita po tayo ulit mamaya" ngumiti ako dito bilang pamamaalam

"Sige iha at makikipagchikahan muna ako sa mga kaibigan ko" nakita kong nilapitan ito ng babaeng kaedad nito

"Nilalamig ang kamay mo" sabi ni Bryan

"epekto siguro ng lamig dito sa labas" kinuha ko ang kamay dito at kiniskis, maagap naman na kinuha ulit nito ang kamay ko at kiniskis nito sa kamay nito, naramdaman ko ang init na dumaloy sa katawan ko, kung anu yun ay hindi ko maipaliwanag.. <pero isa itong babala babala na baka tuluyan akong magmahal>

"lalo kang gumanda kapag namumula ang mukha mo" papuri nito sa akin, hindi na yata ito naubusan ng paghanga sa akin

Sa wakas ay nakalapit na kami kay Jessie at Melancio na may taong kinakausap.. Nag excuse ang mag asawa at hinarap kami

Pagkagulat ang bumadha sa mukha ni Jessie ng mga sandaling iyon.. bakit hindi? kahawig niya ang babae nung kabataan niya, pero napakaimposible ng kanyang iniisip

"what a lovely surprise iho" sabi ni Melancio

"Ninong girlfriend ko po" pagpapakilala ni Bryan

"magandang gabi po" nakipagkamay siya dito

Kumislap naman ang mga mata ni Jessie at niyakap ako

"Jessie hindi na nakahinga ang Girlfriend ni Bryan" tinapik si Jessie ni Melancio

"pasensya na kayo, masaya lang ako na sa wakas may nagpatibok na ng puso ng Inaanak ko" pagpapaliwanag ni Jessie

"Narinig mo yun Sweety" umakbay pa si Bryan sa Ninang nito "kaya mahal na mahal ko tong Ninang ko palagi akong binibuild up"

"Napansin ko nga" ngitngit na ngitngit ang kalooban ko, ang walangyang si Melancio ang tawa nito ay parang hinugot sa ilalim ng lupa, nakakapangilabot.. pinilit kong ngumiti sa tuwing nagbibiruan ang mag Ninong

"kailan naman ang kasal ?" narinig kong tanung ni Melancio

"Ninong hindi pa namin napag uusapan yan, pero sigurado naman ako na si Jessica na ang ihaharap ko sa altar" sinserong sabi nito

"next time na magkakaroon ng okasyon dapat ay kasalan na" tumatawang sabi ni Melancio, pinili ko lang na manahimik

"napag uusapan yan Ninong" bumaling ang tingin ni Bryan sa akin, at katulad ng gusto nitong isagot ko tumango na lang ako bilang pag sang ayon dito..

Hindi ko malaman ang dahilan ng matagal na pagtitig ng Jessie sa akin, parang pinagaaralan ang mukha ko.. Hindi ko maiwasan mailang at palihim na punasan ang mukha

"Bryan ikuha mo na ng makakain si Jessica, huwag na huwag mong gugutumin ang Girlfriend mo at baka matauhan" nagbibirong saad ni Melancio

"hindi mangyayari yun Ninong, bubusugin ko ang sweety ko sa pagmamahal" umakbay ito sakin bago ako igayak sa mga pagkain nakahain

Pagkaalis nila ni Bryan naulinigan kong nagtatalo ang mag asawa

"anu nangyari sayo? nakakahiya ang ginawa mo, wala ka na ba talaga sa katinuan mo? ayusin mo ang sarili mo nakakahiya sa mga tao" pinisil pa ni Melancio ang balikat ni Jessie, hindi nito mapigilan umaray sa sakit

"masaya lang ako para sa kanila" ngiwi ang boses ni Jessie

"ang sabihin mo naiinggit ka dahil kung nabuhay ang anak mo malamang nakaedad ng girlfriend ni Bryan" sadistang saad nito

Bago pa tuluyan tumulo ang luhang nagbabadya sa mata nito ay mabilis ng tumalikod si Jessie at pasimpleng pumasok ng bahay..

Nakasunod ang tingin ko kay Jessie nakita kong nagpahid ng mata ang matandang babae, nakaramdam ako ng di mapaliwanag na lungkot ng bumadha sa mukha nito ang sakit. Hindi ko na lamang sinabi kay Bryan ang napuna, nakangiti akong humarap dito ng lumapit na ito dala ang mga pagkaing kinuha

-------

to be continue

Anung damdamin ang lumukob kay Jessica pagkatama ng mata nila ni Jessie

Pls. vote and share

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon