Hindi nagkamali ng hinala si Tito David kinabukasan laman ng balita ang pagkamatay ni Alvin.. At naresolba din ang kaso ng mga babaeng pinatay at nirape nito sapagkat nasa loob ng sasakyan nito ang lahat ng video na eto mismo ang kumuha? Hindi na naghabol ang pamilya nito na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Alvin dahil puro batikos ang tinanggap ng mga ito buhat sa mga taong nakaligtas din sa panggagahasa nito.
Pinatay na ni Tito David ang Tv .. yun lang naman ang gusto nitong makita at marinig na balita
"ngayon Noemie makakapagbagong buhay ka na at makakauwi ka na sa Pamilya mo tiyak ko na gusto mo na silang makita" sabi niya sa babae
"hindi ko alam kung paano ako makakaganti sa ginawa niyong pagtulong sakin" halata pa din sa mukha nito ang pasa pero hindi na gaanong maitim katulad ng una niya itong matagpuang walang malay sa labas ng gate ng bahay niya
"si Jessica?" luminga linga ito sa paligid "gusto kong magpasalamat sa kanya"
"paano mo siyang nakilala" gumuhit ang isang linya sa noo niya
"nilapitan niya ako at kinausap nuong isang araw at alam ko na siya ang dahilan ng kalayaan ko ngayon" sabi Noemie
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya "Noemie may isa akong pakiusap sayo tungkol sa lahat ng nalaman at nakita mo sa lugar na ito makakaasa ba akong magiging lihim ito sa lahat ng taong makakasalamuha mo" sabi ni Tito David
"h'wag po kayong mag alala, isang sekreto ito na ililibing ko sa hukay wala akong ibang pagsasabihan tungkol sa inyong samahan" sabi ni Noemie
"maraming salamat Noemi aasahan ko ang pangako mo" sabi niya sa babae "kung si Jessica ang hinahanap mo wala siya dito pero makakarating sa kanya ang pasasalamat ko"
"aalis na po ako, ipaabot niyo na lang ang pasasalamat ko" sabi nito
" makakarating" tinapik niya ang balikat ng babae
--------
Nasa Sm mall si Jessica ng hapong iyon, pinili niya ang magpantalon at tshirt , simpleng make up ang inapply nya sa kanyang mukha na mas lalong nagpaamo at nagpaganda sa kanya.. Pinili nyang mamasyal sa Sm Manila, bumili ng mga damit at iba pa nyang kakailanganin sa araw araw.. Nahihiya na din sya kay Tito David na ito palagi ang bumibili ng mga pangangailangan nya.
Bago ako umuwi , kumain muna ako sa foodcourt .. may isang grupo na nakapukaw ng interes sa akin kaya nilapitan ako ng isa sa mga ito..
"Miss wala kang kasama?" ngising tanung nito
"may nakita ka bang ibang nakaupo?" patuloy ko sa pagkain ng hindi tumitingin sa lalaki
"wala.. gusto mo samahan kita? sayang naman ang ganda mo kung wala kang katable" kagat labi pang sabi nito
Pinili kong manahimik.. Kung gusto ko lang na patumbain ito madali kong magagawa pero nangako ako kay Tito David na hindi ko gagamitin ang nalalaman ko sa pampublikong lugar
"pare suplada si Miss Beautiful" sabi ng maskuladong lalaking lumapit dito
"Miss napapahiya naman ako nyan... halika na sumama ka na samin" nauubusang pasensya ng lalaking unang lumapit
"tignan mo ang grupong yun Bryan .. duon sa dulong lamesa, pinipilit nila yung babae na sumama sa kanila.. Tulungan mo" sabi ng matandang babae na hindi lalagpas sa 48 years old
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Misterio / SuspensoBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
