CHAPTER 29 (pang anim na misyon)

277 5 0
                                        

Habang nasa sasakyan, binuksan ko ulit ang files na naglalaman ng impormasyon sa susunod kong misyon

Name: Emerson Dimayacyac

Address: Fairview, QC

Age: 32

Napag alaman kong mahilig sumali ang lalaki sa Car racing kaya naman gamit ang perang dineposit ni Tito David bumili ako ng bagong sasakyan na gagamitin kong pain para mahulog sa patibong ko si Emerson

Mukhang sakto lamang ang dating ko , Suot ang maskara na hindi aakalain ng kahit na sino na babae ang nasa likod nito, nakita kong nakikipagpayabangan si Emerson sa lalaking na sa tantya ko ay hindi lalagpas sa edad na 29...

"kapag natalo kita ibibigay mo sakin ang sasakyan mo" pakikipag deal ni Emerson sa lalaki na napag alaman niyang Danny ang pangalan

"sorry pare, regalo to ng erpat ko hindi ko pwede basta basta ipampusta sayo, kung gusto mo yung isang sasakyan ko lang" sabi ng lalaki

"yuck, pinapatawa mo ba ako... pipitsugin at wala ng dating ang sasakyan mong yun" sabi ni Emerson na kinwelyuhan si Danny

"sorry talaga pare hindi talaga pwede" pagmamakaawa ni Danny

"pare wag mong pilitin kung ayaw" singit ko sa pag uusap ng dalawa, pinalaki ko ang boses na parang sa lalaki

"sino ka ba? bat sabat ka ng sabat sa usapan" gigil na kinwelyuhan ako nito

"kung gusto mo talaga makipagkarera, pagbibigyan kita... nakikita mo ang sasakyan ko sa dulo, sayo na kapag natalo mo ako" sabi nito "pero kapag natalo kita bibigyan mo ko ng limang milyon na cash" alam kong sisiw lang dito ang halagang binitiwan ko at nasisigurado kong kakagat ito sa pain ko dahil tiyak na mapapahiya ito kapag tumanggi

Tumawa ito ng malakas "hindi ko uurungan yan, dalhan ako ng limang milyong cash" utos nito sa tauhan na mabilis naman tumalima upang sundin ang utos nito

ISA, DALAWA, TATLO BANG

Nagsimula ang karerahan nila, wala akong planong magpatalo sa unang laban nila ... Kailangan ko munang mabawi ang perang ginastos ko sa pambili ng sasakyan... Mukha naman nakiayon ang kapalaran sa akin, Nanalo ako sa unang laro...

"panu ba yan natalo ka" pagyayabang ko sa malaking boses at kinuha ko ang maletang naglalaman ng limang milyon

"hindi pa tayo tapos, magtuos ulit tayo... natyambaan mo lang ako!" sabi ni Emerson

"pare talo ka na... at di na ko nakikipaglaban sa mga talunan" sabi ko sa pang iinis na boses

"pag natalo mo ulit ako bibigyan kita ng sampung milyon cash pero kapag natalo kita ibibigay mo sakin ang kotse mo" sabi nito

Yun ang hinihintay kong oras para isakatuparan ang plano, sakto na ang limang milyon kapalit ng sasakyan. Sinimulan ulit namin ang laban

Nang una ay nauuna ako dito, pero dahan dahan akong nagmenor para maunahan nito... Na kinalapad ng ngiti nito, sinadya ko ng magpatalo...

"panu ba yan sabi ko sayo tyamba lang ang pagkapanalo mo" sabi nito

"oo nga.. nice game nag enjoy ako pwede ko bang kunin ang ibang gamit ko sa sasakyan" kunwaring sabi ko

"oo sige , basta wag mong talagalan... gusto ko ng masakyan ang tsekot mo" pagmamalaki nito sa mga taong nanunuod

Pumasok agad ako sa kotse at tsineck ko ang bombang nakalagay sa ilalim ng upuan... 120 sec. na lang pala ang natitira at sasabog na ito... Sinigurado kong ang taong sasakay lamang sa biniling sasakyan ang masasabugan ng bombang nilagay ko

"okay na bossing, pwede niyo ng try" sabi ko kay Emerson

"mabuti naman... ikaw, sumakay ka dito" utos nito sa isang bodyguard

Nang tuluyan ng nakasakay ito, dali dali akong umalis at pumunta sa kotseng gamit na pinark ko sa malayo para hindi mahalata ng mga ito,.. 5 segundo pa at narinig ko na ang hiyawan ng mga tao... Sabog ang naturang sasakyan

Hindi muna ako umalis sa lugar na yun, hubad ang maskarang suot at nagpalit ng damit at palda lumabas ako ng kotse at nakiusosyo sa mga tao. Sinigurado ko muna kung si Emerson talaga ang sumabog sa sasakyan... Patay nga ang lalaki pati ang kasama nito, sunog ang balat na halos hindi na makilala.. Sunod sunod na nagdatingan ang ambulansya at mga pulis

-------

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon