"Tito David" patakbong sigaw at yakap ko pagkakita sa lalaking nakaupo sa sala "kailan pa po kayo nakabalik" tatlong linggo din pala itong nawala
"kanina, dumiretso agad dito, anung balita?" tanung nito
"napatay ko na po si Elliot, isusunod ko na si Stan" sabi ko
"hindi ang misyon mo ang tinatanung ko" sabi nito " anu ng nangyari sa pakikipaglapit mo kay Bryan"
Tumahimik ako at yumuko
"tama ba ako na umiibig ka na sa lalaking yun?" puna nito sa ginawi ko
"hindi ko alam kung pag ibig nga ang nararamdaman ko, basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya" siwalat ko sa nararamdaman
"kung ganun, layuan mo na siya... bago pa maging huli ang lahat... kung gusto mo pang ituloy ang paghihiganti mo kay Melancio" sabi ni Tito David
"Kung yun ang nararapat na gawin lalayuan ko siya" matatag na sabi ko
"mahusay Jessica, gusto kong sunod mo ng trabahuhin si Stan Del rosario, dahil may mahalaga akong misyong ipattrabaho sayo" sabi nito
"masusunod Tito David" napansin kong nanumbalik ang lakas at ang aura nito "kamusta po ang paghahanap sa nawawala mong kapatid?"
"nagkakaroon na ng linaw, wala siya sa mga lugar na pinuntahan ko... pero ayon sa mga taong nakausap ko, ang kapatid kong matagal ko ng hinahanap ay nandito sa Manila" sagot nito
"hindi ka na pala mahihirapang hanapin siya" saad ko
"sana nga... dahil nasasabik na kong makita siya.... sabik na sabik na kong yakapin ang pinakamamahal kong kapatid" madamdaming saad nito
"darating din ang araw na yan Tito David, wag ka lang mawawalan ng pag asa" sabi ko
"kahit kailan hindi ako tumigil umasa, na balang araw magkikita at magkakasamang muli kami at kapag nangyari ang araw na yun... hindi ko na muling mapapayagang magkalayo at masaktan siyang muli" masaya ang tono ng boses nito, nahuhulimigan ang malaking pag asa na muling makikita ang nawalay na kapatid
"Tito David tungkol kay Stan, nakakalap ako ng impormasyon ukol dito... hindi lamang drug syndicate ang pinatatakbo nito, isa din ito sa mga pinuno ng pangingidnap sa mga mayayamang tao sa loob at labas ng bansa, patung patong na ang kasalanan nito" sabi ko
"mahusay ang ginawa mong pag iimbestiga, dahil yan ang susunod mong misyon ... nakarating na sakin na si Stan ang utak sa pagpatay sa kidnap for ransom" sabi ni Tito David
"masusi kong pag aaralan ang misyon na'to Tito David..." taas noong saad ko
"at bukod dyan gusto kong tulungan mo kong hanapin si Daisy, ikaw ang pinakainaasahan ko sa lahat" sabi nito
"lahat ay gagawin ko para sayo Tito David, kulang pa ang hinihiling mo upang suklian ko ang lahat ng nagawa mo para sakin" sabi ko
"Maraming salamat, alam kong hindi ako mabibigong matagpuan ang kapatid ko kung ikaw ang maghahanap sa kanya" sabi nito
"maraming salamat Tito David sa malaking pagtitiwala ninyo" sabi ko sa tinig na taos pusong nagpapasalamat
--------
to be continue
Tatapusin na ni Jessica si Stan, at bubuwagin niya na din ang grupo ng kidnap for ransom gang...
At anu na lamang ang gagawin ni Bryan sakaling tuluyan na siyang layuan ni Jessica, may pag ibig pa bang nakalaan para sa kanilang dalawa?
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mistero / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
