Nasa bahay nina Bryan si Jessica ngayon, napagpasyahan nilang pumunta sa kahilingan na din ng Mama nito na pinaunlakan ko naman .. Pagkatapos ng Romantic date tumuloy na sila sa bahay nito
Sinalubong sila ng Mama at Papa nito, ng makita ako lumapit ito at nakipagbeso beso sa akin
"it's good to know na nakarating kayo, kung hindi magtatampo talaga ako" tuwang tuwa sabi ni Mama Agustina "halika at may inahin akong masarap na dessert, alam ko naman na nagdinner na kayo sa labas" inaya ako nito sa loob
Maraming matamis ang nakahain sa lamesa Leche plan, makapuno, ube, buko salad, buko pandan at marami pa...
Naengganyo akong kumain sarap na sarap ako sa dessert na hinanda ng Mommy nito
"anak eto nga pala ang gift ng Mommy sayo" inabot nito ang hawak na supot
"at eto naman ang regalo ko" sabi ng Papa nito
Masayang masaya ang mukha ni Bryan, kababakasan ito ng tamang pagpapalaki ng magulang
"at syempre hindi kami pahuhuli" bungad ng dalawang lalaki sa pintuan
gulat na sinalubong ng Mama ni Bryan ang mga bagong dating
"Akala ko hindi na kayo pupunta sa mahalagang araw ng kapatid niyo" nalulugod nitong sabi
"Mama naman, kailan ba namin inindyan ang birthday ni Abnoy (tukoy nito kay Bryan)" sabi ni Jerson
"kayo talaga, wag niyo ngang tawaging abnoy ang kapatid niyo may bisita siya... nandyan ang girlfriend niya" sabi ni Mama nito
"Ooooops sorry Abnoy" nang mapansin ni Lester ang babaeng nakaupo sa tabi nito
"puro kayo kalokohan, ako na naman ang nabunot niyo" tumayo na si Bryan at nakipagkamay sa mga kapatid nito "long time no see"
"yeah, kaya nga namiss naming asarin ka" sabi ni Jerson
"Mga tol girlfriend ko si Jessica" pagpapakilala ni Bryan sakin
"wow tol naka jackpot ka, ang ganda at ang sexy ng girlfriend mo" wala naman sa himig nito na binabastos siya bagkus ay nakikitaan ng paghanga si Lester
"salamat" mahinang sabi ko
"o tol girlfriend ko na yan, future sister in law niyo na... kaya walang sulutan" pabirong sabi ni Bryan na nagpatawa sa buong pamilya
"ngayon ka lang namin narinig nang ganyan" tugon ni Jerson "naku Jessica binihag mo ang pihikang puso ng kapatid namin kaya humanda ka hindi ka tatantanan niyan hanggat hindi ka nagiging asawa" kunwaring pananakot nito.. Hindi ko mawari ang pakiramdam sa sinabi nito, kahit pabiro lamang ang pagkakasabi nito natitiyak kong totoo ang pangugulit nito na magpakasal na sila
"natahimik bigla si Jessica" baling ni Lester sa akin "Bryan nag iisip na yata kung itutuloy niya pa ang pakikipagrelasyon sayo" pabirong saad nito
"kayo talaga, tigilan niyo na ang kapatid niyo.... at baka napipikon na si Jessica, hindi sanay sa biruan niyo yung tao" sabi ng Papa nito
"okay lang po, nakakatuwa nga at masaya ang pamilya niyo at nagkakasundo po ang mga magkakapatid" sabi ko
"ganyan talaga ang mga iyan, hanggat walang napipikon hindi titigil..." sabi ng Mama nito na kinatawa ng tatlong bugok :)
--------
Nasa hardin sila ngayon ni Bryan, nakahiga sa nilatagan ng kumot...
"happy" tanung nito
"yes" tumingin ako sa mga matitiim na mata nito
"pagpasensyahan mo na ang mga kapatid ko, ganun lang talaga magsipagasar ang mga yon" sabi nito.. Pagkatapos nilang kumain agad na din nagpaalam ang dalawang kapatid nito kaya naman natapos na ang tuksuhan at asaran
"nakakainggit nga kayong magkakapatid, kasi ako mag isa na lang.. namatay ang kapatid ko" sabi ko dito
"kinalulungkot ko, anung kinamatay niya" tanung nito
"aksidente hit and run" pagsisinungaling ko
"marami talagang barumbado sa kalsada sa panahon ngayon sweety, nakilala niyo pa ba ang may gawa nun" tanung nito sa pagitan ng pagyakap sa akin
"hindi na, wala na din halaga kahit malaman pa namin.. hindi na maibabalik ang buhay ng kapatid ko" patuloy ko sa pagsisinungaling. Namuo ang luha sa mata ko, sa pagkaalala sa kapatid kong pinatay
"sorry sweety pinaiyak pa kita" pinahid nito ang luhang naglalandas sa pisngi ko "halika na sa loob ng makapagpahinga ka" inaya na nito akong makapasok sa loob ng bahay
"salamat, medyo napagod na nga ako" pag sang ayon ko sa paanyaya nito
-------
to be continue

BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystery / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?