Name: Elliot Saragoza
Address: Tondo, Manila
Age: 46
Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan, nagayos na ako ng sarili balak kong ngayong gabi trabahuhin si Elliot ang isa sa mga lalaking nagpapakalat ng droga sa Pilipinas . Mabuti na lamang at may tumawag kay Bryan kung hindi ay hindi ko alam kung papaano ko itong matatakasan para maisagawa ang plano.. Ayon sa aking nakalap na impormasyon, madalas na sa gabi lamang ito napag iisa sa loob ng swimming pool ng bahay nito. Maraming inupahan itong tao sa loob at labas ng bahay, pero kapag nasa pool ito, ayaw nitong may nagbabantay at nanunuod na maligo dito, upang mapanatili nito ang sagradong pagmamahalan ni Elliot at ng asawa nito nung nabubuhay pa ..
------
Malamig na hangin ang dumampi sa aking pisngi kasalukuyan akong nasa bahay ni Eliot at nakamasid dito.. Tama ang aking nakalap na impormasyon tungkol dito,hindi naging mahirap sa akin na makalagpas sa mga tauhan nitong nagkalat sa paligid nagawan ko ng paraan na hindi mapansin ng mga ito na nakapasok na ako sa loob ng bahay kung saan tanaw ko ang pag ahon sa tubig ni Elliot, maya maya lamang ay lumabas ito at yun ang hinihintay kong sandali para makalapit dito.. Mabilis akong umakyat sa pader na pinagtataguan ko, Nang makalapit na sa pool , mabilis akong lumundag at nagtago sa gilid ng pool nang matiyak kong hindi ak nakagawa ng ingay ay hinintay ko si Elliot na bumalik... Mga ilang sandali pa tanaw ko na si Elliot na pabalik dala ang baso na may lamang alak... Mabagal ang naging paglusog nito sa tubig, kaya naman nang makalapit ito sa akin mabilis kong itinaas ang aking ulo na kinagulat nito..
"sino ka? anung karapatan mong pumasok sa pamamahay ko" sita ni Elliot
"hindi mo na nanaisin pang malaman kung sino ako" malamig na boses na sabi ko
"ikaw ba si kamatayan? dahil kung ikaw si kamatayan hindi mo na nanaisin pang patayin ako, dahil kung mapapatay mo ako, masisigurado kong papatayin ka ng mga tauhan ko" pananakot nito " pero kung palalayain mo ako, titiyakin ko sayong kahit dulo ng daliri mo ay hindi masasaktan" nakataas ang kamay na sabi nito
"pinapatawa mo ako Elliot, nakalagpas ako sa mga tauhan mo ng walang kahirap hirap, ako dapat ang magbigay ng choice sayo,.. gusto mong mamatay sa sakit o mamatay ng walang sakit na nararamdaman you have 3 seconds to choose" ngising nakakaloko ang binigay ko dito, mas lalo ko pang tinutok sa tagiliran nito ang kutsilyong hawak.
" pwede bang pag isipan ng tatlong minuto" sabi ni Elliot
"ayoko sa lahat yung matagal mag isip" at inundayan ko na ito ng saksak hanggang sa mabawian ng buhay.. Kumalat ang dugo nito humalo sa tubig ng pool...
Naligo at nagpalit ako ng damit bago umalis, natitiyak kong bukas pa malalaman ng mga tauhan nito ang nangyari kay Elliot dahil palagi itong nagpapaabot ng umaga sa pool na mag isa.. Aakalin ng mga ito na sinasariwa pa rin nito ang pagkamatay ng asawa nito, na si Elliot naman din ang may kagagawan.. pinatay nito ang asawa at ang sinasabing kalaguyo nito habang nagtatalik ang dalawa sa swimming pool , nakatakas ang lalaki ngunit ang babaeng minahal ng lubos ay pinagbabaril ni Elliot na naging dahilan ng kamatayan nito,. Hindi man lumabas ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng asawa nito, nakakalap pa din ako ng impormasyon sa naganap nung nakaraang taon, Ang totoong nangyari inaakala ni Elliot na may kasiping na iba ang kanyang asawa dahil bangang sa droga ang lalaki inaakala nito na ang hawak na salbabida ay ang kalaguyo nito kaya mabilis itong kumuha ng baril at pinagbabaril ang asawa, Nang mahimasmasan ito sa droga at nalaman ang ginawa ay labis itong nagsisi, Ngunit patuloy pa rin ito sa pagpapalaganap ng shabu,. ngayon ay ito naman ang paglalamayan.. Nasisigurado kong laman na naman ng balita ang nangyaring ito sa pamamahay ni Elliot..
Muli ay nakaramdam si Jessica ng kaligayahan dahil tama lamang na hindi nabubuhay sa mundo ang mga katulad nito..
-------
to be continue
pls. vote and share
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystery / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
