PROLOGUE (ang nakaraan)

2.3K 23 8
                                    

ANG STORYANG ITO AY KATHANG ISIP LANG ...

sa mga mambabasa palawakin natin ang imahinasyon .. :x

PROLOGUE

MARING'S POV

"Maring dalian mo ang mga bata kailangan niyong umalis dito natunton na tayo ng grupo ni Melancio" umaangos na sigaw ni Abel, kakaba kaba ito habang walang patid ang pagkalampag ng bintana ng bahay

"papaano nilang nalaman na nandito tayo?" malakas na pagsigaw ko at nagsimulang magpanic, nahihintakutang napatingin siya sa dalawang batang nakahiga sa kama na gawa sa kawayan

"wag ka ng magtanong.. ang importante ay ang kaligtasan ng mga anak natin" nagmamadaling pumasok ng bahay at sinarado ang pinto at bintana ni Abel sh*t mahihirapan na tayong makawala nito, saan ko ba nailagay ang baril> nagsimula na ding bumadya sa mukha nito ang takot hindi para sa sarili kundi para sa kaligtasan ng aming mga anak

Samantalang mabilisang pag eempake ng damit ang ginawa niya, nanginginig ang buong katawan niya sa maaaring mangyari sa araw na ito, pinilit niyang magconcentrate sa ginagawa para makaalis na sa bahay pero alam niyang huli na....

JESSICA'S POV

Malalakas na kalagabog ang gumising sa aking diwa, nagpapahid pa ng luha si Ina'y Maring habang inaayos ang mga damit na nakalatag sa sahig

"Inay anu po yun?"pabigla kong tanung, nagsimula akong umiyak kahit na hindi ko alam kung ano ang dahilan

"ssssshhhhh mga anak gumising kayo.. wag kayong maingay , kailangan ninyong makaalis dito" pabulong at mariing sabi ni Nanay Maring sa aming magkapatid. Mabilis ding kumilos ang Ate na parang alam na alam na ang nangyayari sa paligid

Sa mura kong isipan pinilit kong intindihin ang gustong sabihin ng aking ina ... Bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makarinig ako ng tunog ng baril na nang galing sa labas ng bahay

"mga anak dalian nyong kumilos, kailangan niyong makaalis" atungal ng aking Ina, hawak nito ang magkabilang balikat ko at nakikiusap kay Ate Sofie na lisanin namin ang lugar

"Inay hindi po ako aalis .. hindi ko po kayo iiwan ni Tatay" pero matatag si Ate Sofie, hindi ito papayag na iwanan ang kanilang Ina kaya nanindigan itong hindi aalis at mahigpit na humawak sa kamay ni Nanay Maring

"Sinabi ng umalis na kayo" pilit na pagtataboy sa amin ni Nanay Maring, may lakip na galit sa tono nito.. Sinubukan pa kami nitong itulak----ngunit  wala akong nagawa kundi umiyak

si Ate Sofie ay  buong tatag na sinalubong ang galit na titig ni Nanay . Nanghihinang napaupo ito sa lapag tanda ng pagsuko nito sa nais ng anak

"Nanay hindi ako aalis.. kahit na paulit ulit tayong magtago ay hahanapin pa rin nila tayo .. At kung may dapat mang umalis dito yun ay ang aking kapatid " umiiyak na tugon ni Ate Sofie, matigas at buo ang desisyon nitong bigkas

Walang nagawa si Nanay Maring ....

NATAKOT at KINABAHAN ako ng Tumingin sa akin ang dalawa .. Pilit akong tinataboy paalis sa bahay pero paano? hindi ko alam... saan ako pupunta? bakit nila ako pinapaalis hindi na ba nila ako mahal?... Natigil ang pagtatanung ko ng may taong pilit na nagbubukas ng pintuan ng kwartong kinaroroonan namin..

Mabilis na kumilos ang aking Ina, nanginginig ito sa takot.... "magtago ka Jessica" pabulong pero mariing sabi nito

Walang nagawa ang aking Ina kundi itago ako sa ilalim ng Kama na tinakpan ng mga maruruming damit at kumot... walang patid ang pag iyak ko

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon