Bukas ay sisimulan ko ng patayin si Stan, kailangan na nitong magbayad sa lahat ng kasalanang nagawa nito...
Habang masusi kong pinagpplanuhan ang gagawing hakbang laban kay Stan Del rosario, sumasagi pa din sa isip ko ang pag uusap namin ni Tito David
"Layuan mo na si Bryan kung gusto mong magtagumpay sa paghihiganti mo"Tito David
tutol man ang aking kalooban, wala naman akong magagawa kundi tuluyang layuan si Bryan, tama si Tito David ako ang natalo sa pakikipaglaro kay Bryan, dahil umibig ako sa kaaway...
-------
Name: Stan Del rosario
Address: Tondo, Manila
Age: 43
Sa loob ng yate kung saan masusi kong pinagmamasdan ang bawat galaw ng higit sa dalawampung lalaking tauhan ni Stan na mga armado, hinanap ng mata ko si Stan kasalukuyang may kausap ito sa cellphone at nakikipagtalo.. Nang tuluyan itong mainis, tinawag nito ang isang tauhan, kung hindi ko nagkakamali ito ang kanang kamay ni Stan...
"Roger, sabihin sa mga bata natin, na patayin si Chua ayaw ng pamilya nitong pumayag sa kundisyong binigay natin, ipadala ang bangkay nito sa kanila" galit na sigaw ni Stan
"pero Bossing malaking pera ang pakakawalan natin kapag pinatay natin ang anak ni Chua" sabi ni Roger
"wala akong pakialam, ang walangyang Chua na yun... inuutakan ako tatlumpung milyon ang hinihingi ko, sampung milyon lang daw ang kaya nitong ibigay" saad nito
"sadya pala talagang kuripot si Mr. Chua noh bossing... akalain mong nasa bingit na ng kamatayan ang anak nito, ang kayamanan pa din ng pamilya nito ang iniintindi" tumatawang sabi ni Roger
"hindi ako makakapayag na maisahan ako ni Chua, kapag hindi siya pumayag sa gusto ko within 2 hours, patayin ang anak niya" utos ni Stan
"masusunod Bossing" humahalakhak na tawa ni Roger
<Mga halang talaga ang kaluluwa> bulong ng isipan ko, pinagbuti ko pa ang pagtatago para hindi mapansin ng mga tauhan nito
"hoy sino ka?" tanung ng lalaki sa akin " humarap ka dito, itaas mo ang kamay"
Mabilis naman ang naging pagkilos ko, pagharap ko sa lalaki, pinaputukan agad ako ng baril na kinabulabog ng iba pang mga tauhan ni Stan
"anu yun?" tanung ni Stan sa tauhan
"may nakapasok Bossing" sagot ni Roger
"anak naman ng pating, kayo.. wag niyong papayagang makatakas" sigaw nito sa tauhan, at mabilis na umakyat sa taas "Roger sumunod ka sakin, kayong tatlo i cover niyo ako, kailangan kong makaalis dito"
Sunod sunod na baril ang pinakawalan ni Jessica sa mga lalaking nagpapaputok ng baril sa akin, halos masaid ko ang lahat ng tauhan ni Stan, sinundan ko si Stan at ang iba pang tauhan nito
Pinaputukan ako ng baril ng lalaki
"Bossing mauna na kayo, tatapusin ko muna ang bisita natin" pagyayabang ni Roger
Ilang palitan pa ng putok sina Jessica at Roger hanggang sa naubusan ng bala si Jessica
Tinalon ni Jessica si Roger, nabitawan nito ang baril na hawak...nagpagulong gulong sila at nagpalitan ng suntok, nalantad ang mukha ni Jessica
"isa ka pa lang magandang babae" sabi ni Roger sa pagitan ng paglalaban nila
Dahil malakas at batak din sa pakikipaglaban si Roger, nahihirapan akong gapiin ito, nalasahan nito ang dugo sa bibig .. Sumigid naman ang kirot sa aking paa nabalian nito ang isang parte ng aking paa.. Nagpatuloy ang kanilang paglalaban, wala ni isa ang gustong sumuko... Parehong napagod dahil sa mahusay na pakikipaglaban, unti unti ng pinanghihinaan ng katawan si Jessica, Papalapit na naman sa kanya si Roger at humanda sa pagsugod, nakita ko ang isang lalaki sa itaas ng yate na nakatutok ang baril sa akin... Yung paglundag ko para salubingin si Roger siya namang putok ng baril ng lalaki... Tumama sa puso ni Roger ang bala na kinangisay nito, Sunod sunod na putok pa ang pinakawalan nito nagawa kong damputin ang baril ni Roger at pinutukan ang lalaki, sapul sa isang bala ... Pinilit kong bumangot at balewalain ang kirot sa aking paa, sinundan ko si Stan
"hindi ako makakapayag na makalayo ka Stan" bulong ng isipan ko.. Muli sinuot ko ang maskarang natanggal sa mukha ko...
Saktong padaong na si Stan sa isang bangka na hinanda ng mga tauhan nito sa gagawing pagtakas, tatlong putok ang nagpatigil dito sa gagawing pagtalon... Nagtaas ng kamay si Stan bilang pagsuko, at dahan dahang humarap sa akin.. lugmok ang tatlong tauhan nito sa harapan nito
"ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, pera, ginto, bahay,sasakyan... name it mapapasayo lahat yan wag mo lang ako patayin" pagmamakaawa nito
"higit pa dyan ang kailangan ko" kapagka ay lumapit ako at tinutok ko ang hawak na baril "sabihin mo sino ang utak sa kidnap for ransom gang?"
"hindi ko kilala" pagtanggi nito sa tanung ko
"matigas ka" tatlong suntok sa panga ang pinakawalan ko
"hindi ko talaga alam" patuloy sa pagtanggi nito
"matigas ka talaga, kahit magmatigas ka aamin at aamin ka pa din" isang suntok ang pinakawala ko at tuluyan ng nakatulog si Stan
-------
to be continue...
anu ang binabalak ni Jessica kay Stan? mapaamin niya kaya ito kung sino ang mga kasapi ng kidnap for ransom gang
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Misterio / SuspensoBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
