CHAPTER 46 (pang walong misyon)

258 6 0
                                        

Imbis na magmukmok sa loob ng kwarto si Jessica sa kaalamang ikakasal na si Bryan.. minabuti niyang isagawa na ang plano niya...

Suot ang black na dress na pinatungan niya ng black na blazer, nagdoor bell siya sa bahay ng magkapatid na Ramos. Binuksan ng kawaksi nito ang gate

"Sino po sila?" tanung ng katulong na babae, malaki ang katawan nitongkatulad sa isang lalaking naggg hindi iisipin na isang babae ito kung hindi lang nakalugay ang mahabang buhok at sa maumbok na breast nito

"Ako si Shiela mae inaasahan ako ni Dionisio at Alfredo" sabi ko sa pagitan ng pag aaral nito sa akong kilos at galaw

"pumasok na po kayo" at niluwagan na nito ang pagkakabukas ng gate

"salamat" tugon ko

"sumunod po kayo sakin, tatawagin ko lang sila" sabi nito at umalis na sa harapan ko

Habang prestong nakaupo sa upuan , pinag aaralan ko ang bawat sulok ng kabahayan nito

"Hi Shiela Mae" bati ni Dionisio

"hello" tumayo ako ng tuwid at nakipag beso beso sa dalawang lalaki

"you look more beautiful" sabi naman ni Alfredo sa malagkit na pagkakatingin

"cut that craps, let us talk about the proposal" putol ko sa pagpapahaging nito

"hindi ka pa din nagbago mataray ka pa rin" nakangiting sita ni Alfredo

"Alfredo" saway ni Dionisio... Tinaas naman nito ang kamay bilang pagsuko sa kapatid

"about the proposal, i will give you 5milyon kapalit ng pagpapabagsak niyo kay Melancio, at kung mapapabagsak niyo ito magdadagdag ako ng 20 milyon dollar" matalinong saad ko

"mukhang magandang balita ang dala mo Miss Shiela Mae, panu naman kami makakasiguradong hindi mo kami lolokohin" sabi ng mautak na si Dionisio

"simple lang, kung magtitiwala kayo sakin.. makukuha niyo ang gusto niyo kung ayaw niyo pwede naman ako maghanap ng ibang taong gagawa sa gusto ko" mas matalinong saad ko "magbibigay ako ng limang milyon bilang paunang bayad kung papayag kayo sa gusto ko"

"sa ganda at karismang taglay mo sino ba naman kami para tumutol" singit ni Alfredo sa pag uusap ng dalawa

"tama siya, kami na ang gagawa ... tungkol sa pinag usapan natin siguraduhin mong hindi mo kami lolokohin... iba kaming magalit" babala nito

"wag kayong mag alala marunong akong tumupad sa usapan" na kinangiti ng mga ito ng lubusan " eto ang limang milyon" binuksan ko ang dalang buggage bag na may lamang pera. Nakipagkamay ako sa mga ito at nagpaalam ng aalis

Sige lasapin niyo ang perang hawak niyo dahil babaunin niyo yan hanggang sa kamatayan

bumilang ako ng sampu sumabog ang maletang may lamang pera sa lakas ng pagsabog nito siguradong patay ang mga taong nasa loob ng bahay

Hindi muna ako umalis siguradong reresponde ang mga pulis sa pamumuno ni Bryan gusto ko itong masilayan bago tuluyang umalis sa naturang lugar

Ilang minuto pa sunod sunod na pulis ang dumating, marami na din ang nakikiusyosong kalayong bahay ,. Isa isang nilabas ang bangkay kasama si Alfredo at Dionisio at ang mga tauhan nito

Nakita ko si Bryan na parating, sumaludo ang pulis na lumapit dito.. Labis na kong nangungulila sa lalaki pero tiniis kong wag lapitan ito..

Para namang sinasadyang mahagip ni Bryan ng mata niya ang babaeng kanina pa nakatingin sa kanya... Pinikit niya ang mata para masiguradong si Jessica ang babaeng nakatayo sa dulo, Nang pagdilat niya wala na si Jessica sa kinatatayuan, guni guni nya nga lang ba ang nakita...

Masasal naman ang tibok ng puso ni Jessica alam niyang nakita siya ni Bryan kaya mabilis na nakatakbo sa sasakyan at patalilis na umalis...

"Sir, walang nabuhay isa man sa mga taong nasa loob ng bahay" pagputol sa malalim na pag iisip ng pulis na nagreport sa kanya

"search the area team" sigaw niya sa mga kasamaang pulis at mabilis na tumalima ang mga ito

-------

Bigong makakuha ng impormasyon si Bryan sa nangyaring pagpapasabog ng bahay ni Alfredo at Dionisio halos na tatambakan na siya ng trabahong nakaatang sa kanya. Isa pa sa nagpapagulo sa kanya si Jessica, ang inaakala niyang guni guni lang ay totoong nangyari dahil nakita din ito ng kaibigan niyang pulis, tumakbo nga lamang ito kaya mabilis na nakapagtago sa kanya... anung ginagawa nito doon!

-------

.

to be continue.,.

Malapit na ang paghaharap ni Melancio at Jessica.. At anu ang lihim ni Jessica ang matutuklasan ni David? magkaron kaya ng kasagutan ang tanung ni Bryan

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon