Nakaligtas si Tito David at Bryan sa kamatayan, pagkatapos operahan ng mga ito dinala ito sa recovery room
"Anak patawarin mo ako kung nagawa kong ipamigay ka, katulad ng sabi ko wala akong choice" hawak ang dalawang kamay ni Jessie ang mga kamay ko
"naiintindihan ko na po, Nang makita kong dinala kayo ni Melancio natakot ako na baka pati kayo mawala sakin... Minsan naranasan ko ng mawalan ng magulang ayoko ng muling maramdaman iyon" pisil ko sa kamay nito
"lumaki kang napakaganda anak" puri nito sa akin
"nagmana po ako sa inyo, naaalala kong wala akong nakuha kay Nanay Maring kaya pala hindi ko sila kamukha ni Ate Sofie, yun pala ikaw ang Mama ko at si Tatay Abel ang totoo kong Ama" sabi ko
"nagkatuluyan din pala si Abel at Maring" tanung nito sakin
"ngayon ko lamang po napansin na kaya pala hindi nagtatabi sa higaan si Tatay Abel at Nanay Maring dahil hindi pala sila tunay na mag asawa, hindi naman sila nag aaway pero may mga oras na parang napakaseryoso ng kanilang pag uusap" naaalala kong tugon kay Jessie
"kung ganun hindi sila nagkatuluyan? " tanung ulit nito
"may mga oras po na palaging malungkot si Tatay Abel, palaging malayo ang iniisip ang ginagawa naman ni Ate Sofie para mapansin niya kami sinasabuyan namin siya ng bulaklak at hahabulin niya kami, kapag nahuli niya kami kikilitiin niya kami hanggang sa umiyak na kami kakatawa..." pagalala ko
"Napakabait ng iyong Ama kaya nahuli nito ang loob ko, mali man ang naging relasyon namin.. hindi ko pinagsisihang minahal ko siya at magkaroon ng anak na katulad mo,.. Siya lamang ang una at huling lalaking mamahalin ko habang nabubuhay ako" lumuluhang sabi ni Jessie "Sinunod pala nina Maring ang pangalan mo sakin, ang akala kasi nila Jessie ang pangalan ko at hindi Daisy tignan mo ang litrato ko nung ako ay edad 17"
"oo nga, kaya pala palaging madalas kang nakatingin sakin ng ipakilala ako ni Bryan sa inyo magkamukha po pala talaga tayong dalawa" sabi ko "ang ganda ninyo"
"katulad mo anak, biniyayaan tayo ng mukha ng iyong lolo at lola kung nabubuhay lamang sila tiyak na matutuwa silang makita ka" tumatangong tugon nito
"Mam dadalhin na po sa Male Surgey Ward ang pasyente" putol ng Nurse sa kanilang pag uusap
"mabuti naman at maayos ang naging lagay nila" masayang wika ni Jessie
-------
"bakit mo ginawa yun? panu kung natuluyan ka ng taong iyon" usig ni Jessica kay Bryan
"hindi ko kayang makitang patayin ka, hindi ko mapapayagan na mangyari yun hanggat nabubuhay ako" sabi ni Bryan
"ganyan kalaki ang pagmamahal mo sakin,? dalawang beses mong sinagip ang buhay ko... Paano mong nalaman nandun ako sa bahay ni Melancio?" tanung ko
"Alam ko na ang lahat, nakita ko na ang mga ebidensya sa bahay mo nang hindi sinasadyang makita ko ang nakabukas na folder sa lamesa mo" sabi ni Bryan
"kung ganun alam mo na pala kung sino ako? oo totoong ako ang nasa likod ng mga patayan Bryan, at totoong ginamit kita para mapalapit kina Melancio pero habang tumatagal nagawa kitang mahalin" pagtatapat ko "handa akong pagbayaran ang naging kasalanan ko dahil hindi ko pinagsisihang mabigyan ng hustisya ang mga taong natulungan ko"
"parang awa mo na iho, nakikiusap ako sayo Anak wag mong hulihin ang anak ko" singit ni Jessie sa pag uusap nilang dalawa
"oo nga naman Bryan, kung huhulihin mo si Jessica isama mo na din ako dahil ako ang nagturo sa kanya na maging Assassin" singit din ni Tito David
"Ninang at Tito hindi ko po magagawa yun, mahal na mahal ko si Jessica saksi kayo kung paano kong pinaglaban ang pag ibig namin" tugon niya dito na kinahinga ng maluwag ng mga ito, bumaling ito sa kanya "para sakin saradong aklat na ang lahat, magbibitiw na din ako sa pagiging pulis ko gusto kong magsimulang muli ng buhay kasama si Jessica"
Natahimik silang lahat ...
-------
Ngayon ang araw ng alis nina Jessica, Daisy, at David
"hindi ka na ba talaga mapipigilan Anak?" tanung ni Mama Daisy
"Mama gusto ko munang buuin ang sarili ko, ayokong dumating ang araw na may pagsisihan ako.. kung maihihintay ako ni Bryan magbabalik ako sa kanya ng wala ng pagaalinlangan" desididong sagot ko
"malayo ang pupuntahan natin, wala ka ba talagang planong ipaalam kay Bryan kung saan tayo pupunta?" tanung ni Tito David
"mas mabuti ng hindi niya malaman, nag iwan lang ako ng sulat sa kanya bilang pamamaalam" sagot ko
"kung ganun halika na, para makapagsimula ka na ng bagong buhay" sabi ni Tito David
Akalain mong may pamilya pa pala siya, Buhay ang kanyang totoong Ina at si Tito David pala ay totoong Tito niya... kumpleto na sana ang kasiyahan niya kung kasama niya si Bryan pero mukhang matatagalan pa bago sila muling magkita. Pumatak ang luha niya pagkalipad ng eroplano
"PAALAM SWEETY" bulong ko sa hangin "HANGGANG SA MULING PAGKIKITA"
-----
to be continue...
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystère / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
