Binuhusan ni Jessica ng malamig na tubig Si Stan na kasalukuyang nakatali sa upuan
"gumising ka" sigaw ko
"anu bang kailangan mo sakin?" tanung nito
"bibigyan kita ng chance na mabuhay kung aaminin mo sakin kung sino ang mga kasama mo" pagpupumilit ko
"wala akong aaminin dahil wala akong nalalaman" tigas pa din ang pag tanggi nito
Kumuha ako ng isang timba ng tubig at binuhos ko sa buong katawan nito, sumunod naman ang isang wire na gagamitin kong pang kuryente dito. Pinagdikit dikit ko pa ito para mas lalong takutin si Stan
"wag wag mong gagawin yan" pagmamakaawa nito
"hindi ko ididikit sa katawan mo ito kung tatawagan mo ang mga tauhan mo at sasabihin mo sa kanilang pakawalan at isoli ang anak ni Mr. Chua " sabi ko sa mariin na boses
Binigay nito ang numero ng mga tauhan nito at dinial ko, niloud speak ko ang cellphone para marinig ko ang pag uusap ng mga ito,.
Nilapit ko sa bibig nito ang cellphone na hawak nang may sumagot sa kabilang linya
"Hello Arthur si Stan to" pagpapakilala nito
"Yes Bossing"sagot ng lalaking kausap ni Stan
"pakawalan niyo na ang anak ni Chua" lumingon si Stan sa kanya "at isoli niyo ng maayos" dugtong nito
"bakit Bossing nagbigay na ba ng pera si Mr. Chua" tanung ng lalaki
"wag ka ng maraming tanung, sumunod ka na lang sa inuutos ko maliwanag" sabi ni Stan
"areglado Bossing" sabi ng lalaki
-----
"ayan na sinunod ko na ang gusto mo, baka pwede mo na kong palayain"sabi ni Stan
"oooops hindi yata naging malinaw sayo, ang sabi ko hindi ko lang ididikit sayo tong kuryente" sagot ko
"anu pa bang gusto mo?" tanung nito
"isa lang naman ang gusto kong malaman , sino ang mga kasama mo?" pangungulit ko
"wala, kahit pigain mo ako wala talaga" sagot nito
"sabi mo kahit pigain kita" kinuha ko ang gamit na pangkiskis sa niyugan
"anung gagawin mo dyan" sabi nito
"anu pa e di, ikikiskis ko sa mukha mo bago kita pigain" sagot ko sa tanung nito. Unti unti kong nilapit sa mukha nito ang pangkiskis, konti na lamang at sumigaw ito
"aamin na ako, Si Alfredo at Si Dionisio Ramos... silang magkapatid" sigaw nito, kilala ko ang dalawang binanggit ni Stan, mga halang din ang kaluluwa ng mga ito"pakakawalan mo na ba ako?"
Tinignan ko muna ito bago sumagot "sorry pero kailangan mo ng mabura sa mundong ito" dalawang bala ng baril ang pinatama ko sa puso nito na kinamatay ni Stan
---------
to be continue
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mistério / SuspenseBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
